Chapter 25

27.8K 187 110
                                    

Kathryn's POV

"Tara!" Sabi ni Daniel sabay smile at hatak sakin papunta sa park. Kanina pa yan, smile ng smile. Pagkatapos lang ng kiss na yun! URGH! Naalala ko na naman!

Kanina pa ko di makausap ng matino. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ko laging hinahalikan.

Sobrang mali talaga!

Hindi naman niya ko mabigyan ng matinong sagot kung bakit niya ginagawa yun. Diba nung hinalikan niya ko sa may veranda, tinanong ko siya kung bat niya ginawa yun. Yung sagot niya naman, tanong din. Sabi niya "Eh nagstuhan mo naman din diba?"

Nagustuhan ko nga ba lahat ng binibigay niyang halik sakin?

Well, kakaiba yung feeling paghinahawakan niya ko at hinahalikan. Hindi ko lang alam kung ano ba yun.

Bumalik naman ako sa real world nung biglang magsalita si Daniel. Dun tayo.” Pagpunta namin ng  park, dumaan kami sa Main street USA. Grabe! Sobrang daming souvenir shops.

"qǐng  gòu mǎi”Sabi nung isang babae. Ano daw?

Kinalabit ko si Daniel. "Daniel, ano daw?" tanong ko.

 

Sabi niya, bili daw tayo.

Ahh..okay! Tumingin-tingin ako paligid. Wow ang cute naman! May parang tenga ni Minnie mouse na pwede mong gamitin as headband. Bumili ako at isinuot sa ulo. Ang cute! Hahaha

Teka nasan na kaya yung lalaking yun? "Ayun!" Naglakad ako papunta sa kanya.

Nung Makita niya ‘ko may bigla siyang tinago sa bulsa niya. "Uy ano yan?" tanong ko. Nacurious lang!

Wala! Wag kang makelam! -___- Sama ng ugali! Parang nagtatanong lang eh!

Forbidden Pleasure (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon