Chapter 1

57.7K 243 23
                                    

Kathryn's POV

"Are you serious ma?! Nagplano ka na naman ulit na magpakasal?!" sigaw ko.

Hindi talaga 'ko makapaniwala. Mauulit na naman yung nangyari.

Last year, nagplano si mama at ng boyfriend niya na magpakasal. Eh halos 3 months pa nga lang silang magkakilala nun eh.

Pero hanggang plano lang ang pagpapakasal. Isang araw nalaman ni mama na may asawa na pala yung gagong yun.

Naghiwalay sila agad. Itong si mama naman, iyak ng iyak. Naawa na ko kay mama, matagal na niyang hinahanap ang Mr. Right niya.

Simula kasi nung maghiwalay sila ni papa madami nang naging boyfriend si mama upang hanapin si Mr. Right niya.

"Ma, hindi ka pa ba nadadala?" sigaw ko ulit.

 Parang batang pinapagalitan ko si mama.

Ang tigas kasi ng ulo eh.

"Anak, iba siya." Sabi naman ni mama ng mahinahon.

"Ma naman! Yun din sabi mo nung una eh! Nakakasawa na!"




Sumasakit ulo ko sa nanay ko. Nakakaloka!

"Kathryn, nasa tamang idad na 'ko. Alam ko na ang tama at mali. Alam ko na ang dapat kung gawin. Ang gusto ko lang naman suportahan mo 'ko, gusto ko lang maging masaya."




Hayyyy.. Ang tigas ng ulo diba?!

"Ma, hindi ka ba magiging masaya kasama ako? Yung tayong dalawa lang?" tanong ko kay mama.


"Anak, hindi naman sa ganon..." mama




"Ma, eh pano na 'ko kung umalis ka na? Oo sige sabihin na natin matanda na 'ko. 20 years old na nga 'ko. Pero ma, gusto pa rin kitang kasama. Wag mo naman akong iwan mag-isa." Pagmamakaawa 'ko.

"Anak, hindi kita iiwan, mahal kita eh. Kaya nga isasama kita sa pag-alis ko."




"Ano? Ma, okay ka lang? Ayoko nga! Dun na lang ako kay papa titira!"

Mas mabuti yun kesa naman sa bahay ng fiancé ni mama ako titira. Ni hindi ko pa nga kilala yun eh.

"Kala ko ba gusto mo kong makasama..." mama




"Oo nga pero—" naputol ang sasabihin ko kasi nagsalita bigla si mama.




"Anak, wag kang mag-alala mabait siya."




Hindi talaga 'ko makapaniwala. Ganito ba talaga niya ka mahal yung lalaking yun? Hindi ko na nga iniisip na wala na siyang time para sakin eh. Pero sobra na 'to! Kung hindi ko lang talaga mahal si mama, matagal ko nang binili yung Condo unit na ni-recommend sakin ni Julia. Kaya 'ko na man din na buhayin ang sarili 'ko. May trabaho naman na 'ko.

Pero hindi 'ko pwedeng iwan si mama. Baka kung anong gawin nung lalaking yun sa kanya.

Mahal na mahal ko si mama.

Pero....

Ayoko talagang tumira sa bahay ng fiancé niya!

Nakakainis!

Gusto 'kong sumigaw!

Problema na nga sa opisina, LOVELIFE,  pati ba naman kay mama?!

Hay buhay parang life.

Kahit isang araw lang makalimutan ko mga problema 'ko!

Nakaka-stress!

Pumunta na 'ko sa kwarto para humiga na at magpahinga.

Kring....kring...kring... Nang biglang mag-ring ang phone ko. Kinuha ko yung phone ko at tinignan ko kung sino ang tumatawag.

Julia calling...




Agad kong sinagot. "Bes!!!!" sigaw ni Julia.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

So, how was it? Okay lang ba? Panget?

Sorry naman! (_ _")

If you want a dedication, just message me on my message board.

Comment - Vote - Follow me

Forbidden Pleasure (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon