2

619 19 0
                                    

7 years ago

"Nanay Meldy, saan po ang kuya?" The 14 years old girl approach her old nanny who's currently watering the flowers in their backyard.

"Nako Dem, hindi mo ba alam na ngayon ang dating nang kasintahan ng kuya mo? Sa pagkakaalam ko ay ngayon niya ito susunduin sa airport anak." Pahayag ng ginang na syang ikinatango lamang ng dalaga.

Balita niya nga iyan na ngayon niya na makikilala ang kasintahan ng kuya niya sa america. Ang kuya niya ay doon na naninirahan sa america kasama ang kanyang mga magulang habang sya naman ay nagpaiwan sa pilipinas kasama ang lola at lolo.

At ito ngang nakaraan linggo ay umuwi si Damian sa kanilang mansion upang magbakasyon sapagkat summer break na nito at namimiss na rin niya ang kanyang nagiisang kapatid sa puder ng lolo at lola nila.

"Ganon po ba, sige sa kwarto lang po ako Nay." Paalam ng dalaga sa ginang bago pumanhik sa silid nito.

Bahagya namang napailing ang ginang habang pinagkatitigan ang alaga na ngayon ay papasok na sa loob ng mansion.

Naaawa ang ginang sa dalaga sapagkat wala man lang itong kaibigan upang makakausap nito at mapaglilibangan. Palagi lamang nakatambay ang kanyang alaga sa kwarto nito at nagbabasa, kung hindi nama'y nag-aaral. Kung tutuusin ay hindi na kailangang mag-aral ng dalaga sapagkat natural na ang angking talino nito. Ngunit ito nga ang gustong gawin ni Dem kaya hinahayaan nalang ito ng ginang.

Mailap rin kase ang dalaga sa mga tao kaya siguro nahihirapan din itong makatagpo ng kaibigan. Lumalabas lang ito at nakikipaghalubilo kapag may ganap sa mansion. Ngunit kung wala naman ay doon lang ito namamalagi sa kanyang silid. Mabuti nga at umuwi ang nakakatandang kapatid nito dahil napapadalas narin ang paglabas nito sa lungga at maging sa mansion.

Nang marating ng dalaga ang kanyang silid ay agad na kumurba ang magandang ngiti nito sa kanyang mukha. Bumungad kase sa kanya ang nakakaadik na amoy ng mga libro na nagkalat sa lahat ng pader sa kanyang kwarto, para bang sya ay iniingganyo nitong magbasa.

Kung nariyan lamang ang kanyang lolo ay nanghihiram na sana sya ng mga panibagong libro patungkol sa medisina. Ngunit noong umuwi ang kuya ay sya ring paglipad ng kanyang lolo at lola sa america upang doon rin ay magbakasyon. Gayunpaman ay nagagalak parin ang dalaga sapagkat ibinigay sa kanya ng kanyang lola ang isang spear key sa library ng mansion.

Napagpasyahan ng dalaga na magbasa nalang muna. Pampatay ng oras hanggang hindi pa umuwi ang kanyang kuya.

Napaisip naman si Dem sa kasintahan ng kapatid. Hindi niya pa ito nakikita sa dalawang taon na pagiging mag nobyo ng dalawa. Tela ba ay hindi sinasang-ayunan ng panahon na sila'y magkita. At ngayon nga ay kasalukuyan na itong sinusundo ng kapatid sa airport ng bayan.

Hindi mawari ng dalaga ang mararamdaman, kung ito ba ay galak na sa wakas ay makikilala na niya ang babaeng nagmamay-ari ng damdamin ng kanyang kuya o mababahala dahil hindi niya pa ito kilala. Either way ay sinawalang bahala niya lamang ito at titingnan nalang kung ano nga ang mangyayari mamaya sa pagdating nito sa kanilang mansion.

Hindi namalayan ng dalaga na sya ay nakatulog sa gitna ng pagbabasa. 45 minutes makalipas nitong makaidlip ay nagising ang dalaga sa bahagyang katok magmula sa pintuan ng kanyang silid.

"Dem, anak. Nandito na ang kuya mo. Sabay na raw kayong maghapunan." Ani ng taong kumatok.

Napahikab naman ang dalaga at nag-inat bago sinabihan ang ginang sa likod ng pintuan na sya'y susunod na lamang.

Bahagyang hinilot ng dalaga ang namanhid niyang leeg dahil sa pwesto ng pagkakatulog niya kanina. Nang matapos magsuot ng paboritong hoody ng batang babae ay bumaba na ito at pumanhik sa dining area ng mansion. Pansin niya pa nyang mayroong natingin sa kanya nung sya'y bumaba sa hagdan ngunit hindi na niya lamang ito pinansin.

Her Beautiful ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon