6

854 40 54
                                    



"Xavi! Kabogera ka talaga ng taon!"

"Ang ganda mo naman mas'yado! Capping and pinning palang 'to!"

"Kabog na kabog! Sino ka naman d'yan?"

Pabiro ko silang inirapan bago kami nagtawanan. Ngayon na ang araw ng Capping and Pinning Ceremony namin. Capping and Pinning Ceremony is done as a recognition for second year nursing students who have earned knowledge and qualifications to partake in clinical duties.

Siyempre, nag-ayos ako! Alangan namang mukha akong itlog dito, hindi ba? Isang big event ito sa isang nursing student. Kailangan kabog talaga ako.

Hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang ceremony. Lupang Hinirang, school hymn, nakakaantok na opening remarks ng president ng school, message ng dean, at finally, oath taking na. Siyempre, palong-palo ako sa pangangako— once in a lifetime 'to, eh.

After the oath taking, nilabas na ng mga students ang white roses na ibibigay daw sa loved ones. Ang bulaklak ko ay para sa akin lang dahil walang may deserve nito kung hindi ako lang.

Nakangiti kong tinignan ang mga kaklase kong umiiyak habang binibigay sa mga magulang at guardians nila yung mga rosas. Ang iba ay yumakap pa at nagpasalamat. Ang cute nilang tignan.

Busy ako sa panonood sa kanila kaya hindi ko namalayang may nakatayo na pala sa harap ko. Kung hindi ako kinalabit ay hindi ko mapapansin.

"Oh, bakit?" Nagtataka kong tanong kay Tyrone.

Bahagyang nanlaki ang mata ko noong ilahad niya sa akin ang white rose niya. Bumaba ang tingin ko ron.

"Hoy, ano yan? Sana all!" Nangungunang puna ng letseng si Mich.

Tinanggap ko ang rosas kay Tyrone. "Bakit sa'kin? Gagi ka..."

"Gratitude."

"Anong gratitude sinasabi mo? Ako ba nagbabayad ng tuition mo? Pinapalamon ba kita?"

Hindi na siya nakasagot dahil kinailangan niya bumalik sa pwesto niya dahil closing remarks na. Nawala na ang isip ko sa program. Nasa puting rosas nalang na galing kay Tyrone natuon ang atensyon ko.

I should be the one thanking him for taking care of me. Parang guardian ang inaapply-an ni Tyrone sa buhay ko at hindi boyfriend dahil sa kung paano niya ako alagaan.

Tuwing break ko sa madaling araw ay nagpapadeliver 'yan ng kape sa trabaho. Minsan ay siya pa talaga ang nagbibigay. Palagi na rin siyang nagnnotes para sa akin— para makatulog ako nang mahaba sa lunch break namin. Laging may alarm ang phone niya sa tabi ko para hindi ako mag-oversleep at magkaroon pa ng oras sa pagkain. Hanggang ngayon, consistent pa rin ang pagluluto niya para sa akin.

Tarantadong 'to. Akala ko ba hindi ito marunong manligaw? Niloloko yata ako nito, eh.

--

Pagkatapos ng ceremony ay nag-aya si Tyrone na kumain sa labas. Siyempre, pumayag ako. Lahat ng mga kaklase namin ay may sari-sariling pupuntahan kasama ang mga pamilya nila. Kaming dalawa lang naman ang walang guardian.

Noong una ay pinipilit ni Tyrone na kumain kami sa isang magandang restaurant pero siyempre, hindi ako pumayag. Hindi kaya ng budget ko at ayoko namang magpalibre sa kanya. Kaya rito nalang kami sa Kenny Rogers bumagsak.

"Congratulations! Ready ka na mag-duty?" Tanong ko sa kaniya.

After kasi ng capping and pinning ng nursing, clinical and community rotation na namin. Nakakaexcite! Maghhandle na kami ng mga totoong tao! Kahit pa sabihin na vital signs lang ang gagawin namin sa ngayon, nakakatuwa pa rin!

DNRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon