Valentine prank
&&. One shot
Written by: Soliel WP/midnight_beans
_______________
“Hello, love?” Sagot ko sa tawag ng boyfriend ko. Nilagay ko ang telepono sa tenga ko at pinatuloy ang pagsasampay“Hello, ate...”
“Celine? Oh bakit? Nasan ang Kuya mo?” Siya si Celine, Labing tatlong taong gulang, at siya din ang bunsong kapatid ng boyfriend ko
“Ate...S-si Kuya...”Nanginginig ang boses niya kaya bigla akong kinabahan
“Bakit, Cel? Anong nangyari kay Kio?”
“Ate, S-si Kuya! Naaksidente” Pag sumbong niya at umiyak
“A-Ano? Nasan kayo? Nasan siya?!”
“Nandito po sa kabilang highway ng barangay” Sabi niya bago pinatay ang tawag, agad kong binitiwan ang mga damit at tumakbo sa lokasyon na Sinabi ni Celine. Jusko, lord, Sana walang masamang mangyari kay Kio.
Napatakip ako sa aking bibig ng may nakita akong lalaking nakahilata habang pinalilibutan ng mga tao
“Padaan! Tumabi nga kayo!” Parang nang lambot ang katawan ko kaya napaluhod ako at umiyak sa walang oras. Gusto ko siyang tulungan tumayo ngunit nang hihina parin ang tuhod ko at parang hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.
Bigla akong nagising sa reyalidad para hanapin si Celine, pagka bukas ko ng mata ko pulang rosas na nakalagay sa bouquet ang bumungad
“KIO?!” Gulat na sigaw ko, diba nakahilata siya dyan?! Tinignan ko kung sino yung humihilata, nakamulat na siya habang nakasuot ng ngiti.
“Yes, love?” Tinaas niya ang kilay niya at inalalayan akong tumayo. Mahina kong sinuntok ang dibdib niya at umiyak
“Sa tingin mo ba magandang biro 'to, Kio?!” Nakayakap na siya sakin ngayon at mahinang tinatapik ang likuran ko para patahanin ako
“I'm sorry, love. I just wanted to surprise you but turns out it didn't go well. I knew this was a bad idea. I'm sorry” Hinawakan niya ang isang kamay ko, ngunit agad ko itong tinaboy
“Ewan ko sa'yo, wag mo akong kausapin.” Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niya akong hinatak papunta sakanya. Nabigla ako nang lumuhod siya at iniabot ang bulaklak sakin
“Happy 5th anniversary, and happy valentine's day. Mi amor. Sorry for what I did earlier, I promise I won't do that kind of pranks again” He crossed his fingers as a sign of promise. Tumango ako at tinulungan siyang tumayo.
“Ano pa bang magagawa ko? Marupok ako pag dating sa 'yo eh” Pigil ngiti kong sambit kaya nagsihiyawan ang mga tao
“Yun oh, Kiss! kiss!”
“Sana all po!”
“Ede kayo na! Wohoo! Sana all!”
Nakita ko ang pag ngisi niya at itinuro ang labi niya
“Kiss daw love oh” Sambit niya, lumapit ako sakanya at mas lalong umingay ang mga hiyawan
“Happy anniversary, love.” I whispered as he claimed my lips

YOU ARE READING
ONE-SHOTS
De TodoA collection of my one-shot stories (Complications) These stories are also uploaded on my writing account. (Soliel WP) Stories are based on my mood and ideas. ________________ Genre: Random, Romance, etc... Plagiarism is a crime!