CAMILLE SINCLAIRE'S POVTiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Tamad na binalik ko yun sa center table ng makitang 10am palang ng umaga. Mamayang 1pm pa naman ang start ng online class namin at isa pa, isang subject lang yon. Mauubos lang na naman ang oras ko sa pagdodocument ng thesis paper ko.
Wala akong kagrupo.
Nirequired ng professor ko na humanap ako kahit isa lang sa classmates ko para maging kagrupo ko pero hindi ko ginawa. Sasama lang ang loob nun sakin kapag nabungangaan ko sya kung tatanga-tanga sya kumilos. Mas gusto kong nag-iisa ako. Bukod sa wala na akong problema, hindi pa ako stress na walang tumutulong sakin.
Matutulog pa sana ako nung pagtagilid ko sa sofa ay nakita ko ang human size na box na nasa may gilid ng pinto. So hindi panaginip yung kaninang madaling araw?!
Mabilis pa sa alas kwatro na nilapitan ko ang box. Kinuha ko ang cellphone ko saka hinanap sa lahat ng list ng orders ko ang mga to ship, to receive at delivered items. Pero walang box na ganito doon. Wala ding items na ang pangalan ay Alexander Stone.
Kanino ba galing to?!
Napalunok muna ako ng mariin bago ko pinindot ang nag-iisang button sa gilid ng box. Pikit mata pa ako ng bumukas yon. Katulad din kagabi, may usok na lumabas kaya pinaypay ko yun para mawala gamit ang mga kamay ko.
Nang mawala ang usok ay nakita ko ang printed paper sa gilid nito kaya inabot ko yun. Baka may info dito tungkol sa bagay na to.
Kaso sa sobrang tanga ng paa kong biglang dumulas sa tiles, napatukod ang kamay kong may hawak na papel sa dibdib ng nakahiga sa box.
"WAAAAAAAAAAAA!"
Hindi ko alam na kaya ko palang sumigaw ng ganon kalakas nung biglang umupo yung taong nakahiga doon. Nakamulat din ang mga mata nya at unti-unting lumingon sa akin.
Anak ng!
Tumayo ito mula sa pagkakaupo at umalis sa box. Infairness, maganda ang katawan. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, kissable lips, matangkad din. May abs kaya to?
Di naman kasi sya hubad. Nakasuot sya ng fitted overall na kulay puti.
Pinakikiramdaman ko kung anong gagawin nya. Nakaupo lang ako sa sahig at nakatingala sa kaharap ko. Wala naman syang ginagawa. Nakatayo lang sya kaya tiningnan ko ang papel na hawak ko.
CY00: ALEXANDER STONE - USER GUIDE
Ilang beses kong pinalipat lipat ang dalawang printed na papel. Ito na yun? User guide?
Hindi. Actually isang papel lang ang guide, itong isa description ng bagay na ito. At kung tama ang pagkakaintindi ko, cyborg ang nasa harap ko.
Tumayo ako saka sya tiningnan mula ulo hanggang paa. Inikutan ko pa sya para tingnan ang detalye sa likod. Muntik pa akong mainggit sa tambok ng pwet nya. Amp!
"Paano ba to?" asar na kamot ko sa ulo ko habang binabasa ang nakasulat sa papel.
Alexander Stone is a cyborg but can be mistaken as a normal human.
The user manual guide starts here:
Settings > General > Modes > Select Modes:
BINABASA MO ANG
My Cyborg Boyfriend
FantasyDo you still believe in magic? Or fairies? Fairytales? A true love's kiss? 'They lived happily ever after'? Kasi ako hindi na because I am living in year 3032 where everything is made of science and technology- and magic? It doesn't exist. -Camille...