THIRD PERSON'S POV
(FEBRUARY 14, 3032)"Hey, good morning beautiful."
Tila ba baha ng tubig ang pagdating ng kaba sa dibdib ni Camille dahil sa nakangiting mukha ni Alexander. Kakagising nya pa lang at ang mga perpektong ngiti nito agad ang bungad sa kanya.
Napahawak sya sa dibdib dahil sa naghuhurumentadong puso na hindi nya magawang kalmahin.
"Y-yeah, g-good morning."
Huwebes na ngayon, apat na araw na simula ng lumabas sila at namasyal sa community park. Napahawak si Camille sa ulo dahil sa saglit na pagkirot nito. Puyat na naman kasi sya dahil sa mga tinapos na documents para sa kanyang thesis. Dapat mamayang 10-11 am pa sya magigising pero dahil nasanay na din ang kanyang mata na gumising ng 7 o'clock ng umaga ay ganito ang sinasapit nya.
"Headache again?"
Nilingon nya si Alexander na nagtatanggal ng mga alikabok sa ibabaw ng cabinets nya. Tumango lang sya dito at saka bumaba na sa kama. Masakit talaga ang ulo nya. Humarap sya sa salamin para tingnan ang sarili. Wala pa naman syang eyebags at hindi pa sya namumutla. Pwede pa sya magpuyat ulit at gumising ng maaga, malayo pa naman sya sa kamatayan.
"Don't tied up your hair." agap na sabi ni Alexander sa kanya.
"Ah, oo nga pala." ito palagi ang saway sa kanya ni Alexander sa tuwing itatali nya ang buhok kapag masakit ang ulo nya.
Sinuklay nya na lang ito gamit ang kamay at saka niyaya si Alexander sa baba. Kahit pa hindi ito kumakain ay hindi nya naman ito hinahayaan na patuloy na maglinis. Hindi naman kasi ito katulong.
Katulad ng nakagawian ng lalaki, may nakahanda ng pagkain sa hapag. Hindi nya nga alam kung anong oras gumigising si Alexander. Ah, mali— hindi pala ito natutulog. Siguro nakapikit lang at hihintaying sumapit ang umaga.
"Did you like it?"
Itinaas ni Camille ang hinlalaki. "Yep. Approved na naman sakin ang foods." ngumiti sya dito at gumanti naman ng ngiti ang lalaki.
Sa mahigit dalawang linggo na nilang magkasama ay nasasanay na ang babae na palaging may kasama at kausap. Minsan lang naman kasi tumawag ang mga magulang nito. Ang tiyahin naman nitong nasa Minnesota ay nagpapadala lang ng email sa kanya.
"Happy Valentine's Day. Let's have a date."
Naubo si Camille sa biglang pagbati ni Alexander. Inabutan naman agad sya nito ng isang basong tubig na kaagad nya namang ininom.
"Bakit naman tayo magdedate?!" singhal nito sa kaharap ng makabawi sa pagkakasamid.
"Because that's what lovers do. We are in a relationship right? I'm your boyfriend and you are my girlfriend."
Napahawak sa sintido si Camille. Iniisip nya kung paano ipapaliwanag dito na nagpapanggap lang sila noong nakaraan sa community park. Gusto nya din kasing lubayan na sya ni Marvin na patuloy at masugid syang nililigawan kahit na nilinaw nya dito na hindi nya gusto ang lalaki.
"Are you okay?"
Tumango naman sya sa nagtanong. Knowing Alexander the cyborg, hindi sya nito tatantanan. Maririndi lang din sya sa paulit-ulit na pagyayaya nito kaya para hindi na umabot sa ganoong sitwasyon ay papayag na lang sya. Hindi naman siguro masama kung mag-date sila. Hindi naman sya dito mai-in love.
"Okay, fine. Pero tatapusin ko muna ang mga activities ko."
"I'll help you."
Nakipagsukatan sya ng tingin sa lalaki. Hindi nya alam kung sinsero ba ito o ano. Naka-program ito at hindi malaman kung dapat ba syang magpadala sa mga salita nitong nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Naka-connect ito sa internet at sigurado syang nire-research lang nito ang dapat na maramdaman sa bawat sitwasyon.
BINABASA MO ANG
My Cyborg Boyfriend
FantasyDo you still believe in magic? Or fairies? Fairytales? A true love's kiss? 'They lived happily ever after'? Kasi ako hindi na because I am living in year 3032 where everything is made of science and technology- and magic? It doesn't exist. -Camille...