CAMILLE SINCLAIRE'S POV
Napakamot ako sa ulo ko dahil sa listahan ko para sa paggogrocery. Kulang kasi ang naisulat ko. Kung bakit ba naman nakalimutan ko ang ingredients ng caldereta! Nagke-crave pa naman ako sa ulam na iyon.
Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ko at napasabunot ako sa sarili ko. Naiwan ko sa bahay! Shet naman o!
"What's wrong?"
Tanong ni Alexander habang may hawak na tatlong butter at maingat na inilagay sa cart. "I forgot my phone. May kailangan akong i-search e."
"What is it? Tell me."
Nakagat ko ang hintuturo ko. Bakit ba kasi makakalimutin ako? Kunsabagay, nakabase din nga ako sa recipé book kapag magluluto. Unlike Alexander na mula sa utak nyang sensor, kayang-kaya nyang magluto ng walang kaharap na book. And he can Google it anytime anywhere because he's always connected to the Internet.
Wait! Oo nga! Tama!
"Alexander can you tell me the ingredients of Caldereta please?"
Tumaas lang ang dalawang kilay nito saka bahagyang tumango.
"Batangas caldereta?"
"Yes, yes!"
"Pork spareribs, vegetable oil, garlic, onion, cheese, pickles, annato seeds, bread, liver spread."
Nakita ko ang isang hilera ng maggi magic sarap. Dumampot ako ng tatlong balot noon at inilagay din sa cart. "Kailangan din natin nito."
Saglit pa kaming nag-ikot. Kumuha kami ng 10 kilos ng bigas, mga gagamitin sa kitchen, mga sabon, news rugs, at mga brushes. Nang wala na kaming iba pang mabili ay itinulak na ni Alexander ang cart papunta sa cashier. Mahaba na ang pila dahil 9 am na kami nakapagstart mag-grocery.
"Ang gwapo."
Nalingon ko ang tatlong dalagita na may mga hawak na malalaking Pick-A snack. Ngumiti ako sa kanila at saka tiningnan si Alexander. Seryoso lang itong naghihintay na kami naman ang magtap ng mga pinamili namin.
"Boyfriend mo po ate?" tanong nung isa sa kanila.
"Ha? Ah—"
"Yeah, I'm her boyfriend."
Nagbungguan ang mga balikat ng mga babaita na kilig na kilig dahil si Alexander ang sumagot sa kanila.
"Ang gwapo ng boyfriend mo ate." bulong sa akin nung pinakamalapit sa kanilang tatlo. "Parang real life greek god! Ang tangkad tapos ang gwapo gwapo!"
Tumango-tango na lang ako habang pilit na ngumingiti. Shuta talaga 'to si Marvin o! Kung hindi dahil sa kanya hindi magse-save ang information na boyfriend ko itong cyborg na ito.
Pero.... may kung ano din sa pakiramdam ko na ayaw kong burahin iyon. Kaya ayan hanggang ngayon ay magboyfriend and girlfriend kami.
Nagulat ako ng biglang hawakan ni Alexander ang kamay ko at marahang hinila. "Let's go. It's our turn."
Napatianod na lang ako sa hila sakin ng lalaking ito habang naririnig pa rin ang hagikhikan ng mga dalagita sa likuran namin.
Pagkatapos ko i-tap ang mga presyo ng bilihin ay inilagay naman agad yon ni Alexander sa box na nakaready na sa dulo ng counter. Ako naman ay iniabot sa kahera ang card para mabayaran at makapag-generate na sya ng resibo. Kaso wala sa akin ang mga mata ng haliparot na kahera.
"Miss, ito na yung card."
Pero hindi nya ako pinansin. Malapit na tumulo ang laway nya kakatitig sa boyfriend kong cyborg. Hindi ko alam kung saan galing ang dugo kong biglang kumulo at mabilis na umakyat sa ulo ko kaya naman naihampas ko ng malakas ang kamay kong may hawak na card sa harapan nya. Nagulat naman ang babae at nakayukong humarap sa akin.
BINABASA MO ANG
My Cyborg Boyfriend
FantasíaDo you still believe in magic? Or fairies? Fairytales? A true love's kiss? 'They lived happily ever after'? Kasi ako hindi na because I am living in year 3032 where everything is made of science and technology- and magic? It doesn't exist. -Camille...