THIRD PERSON'S POV
Disoras ng gabi ay isinugod ni Alexa si Alexander sa hospital kung saan ay isa rin syang doctor. Tila ba inagaw sa kanya ang karunungang medikal ng makita ang anak na nahihirapan kanina sa kanilang tahanan. Aminin man nyang kaya nyang maging kalmado sa pinakamahirap at nakakatarantang pagkakataon ay hindi naman nya maitatago ang takot sa anumang maaaring mangyari.
"What's the lab results?" nanginginig na tanong nya sa doctor na may hawak ng records ni Alexander. Si Catherine Midday.
"The results show that your son has a gastric cancer." diretso sa mga mata nya itong nakatingin. "Stage 3, Alexa."
"What? No! That can't be!" inagaw nya dito ang tablet at tiningnan lahat ng information doon. Lahat pinatest nya. Mula ulo hanggang sa hinliliit ng mga daliri sa paa ni Alexander ay pinatest nya.
"No. Hindi. Baka misdiagnosis lang to. Repeat it. I request for a retest." tila ba nababaliw na utos nito at ibinalik sa kausap ang tablet.
Hindi nya magawang lapitan ang anak na ngayon ay mapayapang natutulog sa hospital bed nito. Tinurukan lang ito ng propofol upang makatulog.
" We both know that this is not a misdiagnosis. Kung gusto mo ng retesting, you do it yourself. Alexa, kailangan natin maisailalim sa surgery si Alexander and then chemo after surgery. In that way, possible gumaling pa sya."
Tiningnan nya ng matalim ang dating kaklase sa medisina. "Stage 3 you said, right? Lahat ng stage 3 patient binabalikan ng cancer, Cath. In the scale of 1-10, 3 out of 10 lang ang tuluyang gumagaling. Yung iba nagiging terminal."
"Kaya nga. Malay natin masama sya sa 3 na sinasabi mo."
"Mas malaki ang possibility na balikan sya ng cancer."
"I won't undergo any surgery, mommy."
Pareho silang napatingin sa nagsalita. Bakas pa sa mukha nito ang epekto ng gamot pero nagawa pa din nitong ngumiti.
Hinila si Alexa ni Catherine palabas ng silid. "Alexa pwede ba? Umayos ka nga! Doctor ka at alam mo dapat kung ano ang maging desisyon para sa anak mo!"
Napayuko ang babae kasabay ang pagtulo ng luha nito. "I don't know, Cath. I'm afraid."
Pag-angat nya ng ulo ay niyakap sya ng kaibigang doctor. Tahimik lang syang lumuha.
"Naduduwag ako. I... I can't risk—" hindi na nito natapos ang sasabihin at umiyak na lang ito ng umiyak.
Sa harap ng ibang pasyente ay isa syang magaling na doctor. No one can surpass the diagnosis and judgment of Alexa Stone when it comes to patients. Lahat laging tama. Accurate ang diagnosis nito at walang makapula, miski isa.
Pero hindi nya alam kung bakit pagdating ngayon kay Alexander ay isa lamang syang ina na natatakot sa maaaring maging kalabasan ng operasyon nito kung sakali mang maoperahan ang anak. Hindi nya magawang maging isang doctor. Natatakot syang sa isang pagkakamali ay mawalan muli sya ng anak. Hindi nya na kakayanin.
"Wait." ng kumalma sya ay muling nagsalita si Catherine. "Why don't you make medicine for your son? Iyung gamot na hindi na nya kakailanganin pang iundergo sa kahit na anong surgery at chemotherapy. You are born genius, Alexa. Alam kong magagawa mo iyon."
Alam sa buong mundo kung sino si Alexa Lewis-Stone. Hindi lang isang lisensyadong doctor, hindi lang isang lisensyadong inhinyero ngunit isa ding tinitingalang scientist. Isang programmer-developer.
"Kung nakakaya mong gumawa ng robots and AIs, you can make meds too. Science din iyon. Para sa anak mo Alexa. Para sa kanya."
"Masusing pagdevelop ang gagawin kong iyon, Cath. It will take years to finally come up with a perfect medicine. Maraming clinical trials pa iyon. Ayokong pumatay ng tao kung sakali mang palpak ang magawa ko."
BINABASA MO ANG
My Cyborg Boyfriend
FantasyDo you still believe in magic? Or fairies? Fairytales? A true love's kiss? 'They lived happily ever after'? Kasi ako hindi na because I am living in year 3032 where everything is made of science and technology- and magic? It doesn't exist. -Camille...