Chapter 7

100 10 0
                                    

"Bakit mo ako tinutulungan?" tanong ko kay Joan ng nakarating kami sa courtyard.


"Nakita ko kung paano mo ibaliktad ang plano ni madam Zhang kaya tinutulungan kita dahil pagnapatalsik ang legal na asawa ay aangat ang katungkulan ko rito at mawawala na ang mga legal daughter sa landas ko," sagot niya. Medyo may pagkatuso rin pala siya. Akala ko talaga mabait na.


" I see. So ngayon na hindi mo na ako kailangana at nabayaran mo na ang ginawa ko ay maari ka ng umalis sa landas ko, " utos ko pero bago niya ako sundin ay tinapon niya ang isang bottle sa kama ko.


"Inumin mo yan para maibsan ang sakit mo ng panandalian. Kailangan mong makahabol sa pagsusulit ng Immortal Academy, kung hindi pagsisisihan mo ang lahat. I'm sure hindi mo gustong maging concubine, kilala ko ang mga nasa loob ng harem ni Prince Damian, pag may bago sa loob ay pag-iinitan ka," babala niya bago umalis.


" Hyst! Wala man lang maasahan sa lugar na ito. Kaliit liit ng lugar pero puno ng digmaan! " daing ko sabay tapon ng bottle na binigay niya.


'Hindi ko na kailangan nyan dahil kusang nawawala ang mga sugat ko sa di malamang dahilan'


Hinubad ko ang damit ko pang itaas at itinapat sa salamin para makita ko ang likod ko. Ang mga pasa at gasgas ay unti unting naghihilom.


"Wala akong choice kundi pumunta sa sinasabing academy pero bago yon ay kailangan ko munang gumanti," aniko sabay kuha ng maid na outfit at tahimik na lumabas ng silid.


'Si madam Zhang ay nasa interrogation, si Elizabeth naman ay wala na akong paki doon dahil magpapakamatay naman siya pagtapos ng kasal. Ang General ko nalang na ama at manyakis na prinisipe.'


Pumunta ako sa silid ni ama at nagtago, kinalaunan ay lumabas siya kasama ng pinagkakatiwalaan niya.


"General, hindi po namin siya mapaamin, " balita nito sa kaniya habang sinusubay ang papuntang gilid ng residence. Nang nasa pader na ay lumingon lingon muna sila bago may pindutin na button sa isa sa mga bato at bumukas ang kaunting bahagi ng pader na parang may dimension sa loob. Nanag makapasok sila ay ginaya ko ang ginawa nila para makapasok rin at bumungad sakin ang isang malaking dungeon.


"Tulong!"


"Palayain niyo kami!"


"Tulong!!"


"Inosente kami kaya palayain niyo na kami!"


May mga bata at naghihingalo na ang mga bilanggo at hindi ko mawari kung bakit nila ito ginagawa. Kung masasama sila ay dapat nakakulong sila sa dungeon ng imperyo hindi rito.


Mabilis akong nagtago sa gilid nang makita ko ang isang babaeng pinaparusahan. "Nasaan ang pinto ng Nether Realm?" tanong ni ama sa pinaparusahan ngunit hindi parin nagsalita ang babae kaya walang sawa siyang pinarusahan. Nasa gilid lang rin ako at walang magawa kundi pakinggan ang daing niya. 


'Hayop! Wala kang puso!' 


Ininda ko lang ang lahat hanggang sa makaalis siya bago ako kumilos. 

Peerless Beauty: The Runaway Rebel GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon