Chapter 5: Destroy their plan

144 14 1
                                    

Habang nakakasiyahan at patapos na ang mga event kaya oras na para ipakilala si Aerie. Ningon lingon ni Old madam at Madam Zheng ang paligid hanggang sa makita nila ang isang babaeng may veil sa ibaba ng mukha kasama ang mga pare pareho ang suot na babae na mukhang sasayaw. Nakawhite fitted dress si Elizabeth at ang mga kasama namin niya ay black at may may balot ng tela ang ulunan. 


"Iyon na ata si Aerie, Old madam," turo ni madam Zhang kaya tumayo na si Old madam at nagsipagtahimikan ang lahat.


"Maligayang pagdating sa aking kaarawan. Lubos akong nagagalak na nagkaroon kayo ng oras para rito. Ngayon ang pinaka mamahal kong apo, ang second miss ng Breese Clan ay maghahandog ng isang sayaw," paunang salita ni Old madam at dahil ginaya ni Lady Elizabeth ang pagkakakilanlan ni Aerie ay walang nakapansin.


" Hindi ba ang second miss ang ipapakasal kay Prince Cooper? Hyst, isa nanamang kawawang magandang dilag ang mamatay, " pag iling ni Prince Warren, ang ikatlong prinsipe ng imperyo.


Halos maging malaalon ang katawan ni Elizabeth sa pagsayaw na labis na kinatuwa ng karamihan. Nang matapos ang sayaw ay napalakpak ang lahat at maging ang mga madam.


" Nais kong ipakilala sa inyo ang second miss ng Breese Clan..." hindi pa natatapos ang pagsasalit ni Old madam ng biglang tanggalin ni Elizabeth ang takip niya sa mukha at lumantad ang pinakmamahal nilang anak na si Elizabeth, ang tunay na second young miss.


" Ako po si Elizabeth Chinna Breese, ang second young miss ng Breese residence," pagpapakilala ni Elizabeth na ikinalaglag panga ni Madam Zhang.


"Elizabeth, bakit blonde ang buhok mo?" taka ni madam siya dahil ang kulay Blue ang buhok ng kaniyang anak.


"Isa po itong illusion, nagkulay po ako ng blonde gamit ang mahika katulad ng inutos ni Old madam," sagot ni Elizabeth kaya nilisikan ni Madam Zhang si Old madam.


"Anong kasinungalingan yan, Elizabeth?" galit na tanong ni Old madam.


"Sinabi niyo po na pasiyahin ko ang mga bisita at ganito ang isuot ko," paliwanag ni Elizabeth. Nilingon naman ni Madam Zhang ang paligid at hinahanap kung nasaan si Aerie, ngunit hindi niya alam kung anong tunay na itsura ni Aerie at ang palatandaan niya lang ay may takip ang ibaba ng mukha nito.


Bigla namang lubas si Victoria sa invisible form nito sa tabi ni Madam Zhang kaya si Aerie na nagtatago sa bilang back up damcer ay umaksyon agad.


"Lumabas karin," mahinang ani ni Aerie at tinanggal ang tela na nakapalibot sa ulo niya gaya ng ibang dancers at inagaw ang bow and arrow ng isa sa elders na bisita.


Mabilis siyang kumilos at tinutok ang palaso kay Victoria.


*Shoot


Nang pakawalan ni Aerie ang palaso ay agad itong tumama kay Victoria kaya nagulat ang lahat ng lumandag ang katauhan ni Victoria. 


"Isang Demon!" sigaw ng mga tao at nagkagulo. 


Peerless Beauty: The Runaway Rebel GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon