Chapter 10

204 12 7
                                    


"Magsisimula na ang ikalawang pagsusulit!" sigaw ng emcee at biglang naghiyaw ang lahat. Umikot ang roleta at unang tumuro sakin at Belle MacQuoid. Gray ang buhok at blue ang mata. 


"Unang laban, Aerie Euphrasia Breese versus Belle MacQuoid!" tawag samin kaya humakbang na ako papunta sa field. Hindi ko alam kung ano origin niya at wala akong alam sa kapangyarihan niya. 


Agad kong nilabas ang vow and arrow ko pero gumuhut ang langit at may lumitaw sa harap na isang babaeng may white ang buhok at purple ang mata at may ang mga tauhan niya. 


"Chief goddess," pagbati sa kaniya sabay yumuko bilang paggalang. Gumaya na rin ako kasa makatawag pansin. 


"Nais kong mapanood ang laban kaya hwag niyo akong pansinin at ibigay ang buong lakas niyo sa laban," aniya at umupo kasama ng mga sect leader. 


Nagtugma ang tingin naming dalawa na kinalaki ng mata niya na parang nakita na niya ako noon pa. Kumukulo rin ang dugo at nagagalit na parang gusto ko siyang patayin. 


Chief goddess siya kaya impossible magkakilala na kami noon pa. Normal na tao lang ako. 


"Battle number one... BEGIN!" pag signal ng emcee kaya walang ano ano kong tinutok ang palaso ko pero wala siyang nilabas na kahit ano. Sa tindig niya rin ay napakakalmado niya. 


"Aerie, combat skills gamit ang origin mo. Kailangan mong labanan siya na may kapangyarihan," paalala ni Liam kaya nablanko ako. 


"Wala akong magic katulad niyo," sinagot ko kaya nagtawanan ang lahat. Nang linunin ko si Belle ay lumulutang na siya at napapalibutan ng mga bulaklak. 


"Isa akong Flower immortal at ayoko sanang manakit kaya please paghusayan mo o kung mahina kay ay umtras ka nalang," nahinahon na pakiusap niya then smirk. 


"Poison Ivy!" sigaw niya at biglang may isang dambuhalang bulaklak na halimaw ang lumabas mula sa lupa. 


'Shet!' 


"Ayokong manakit kaya sana masalag mo ang atake na gagawin ko," aniya pa pero paano ko sasalagin? arrow lang meron ako. 


'Vena, tulungan mo akong bukasan ang Nether Realm at sabay nating ipaghihiganti ang iyong ina' - biglang may kung sinong bumulong sakin dahilan kaya nabitawan ko ang dulo ng palaso. Dahilan kaya napatama ito kay Belle at tumagos sa flower monster niya. 


"P-Paanong..." tanong niya. Hindi ko alam kung anong nangyari kung may magic ba ang arrow kaya tumagos sa monster. 


*Bogsh


Umalingaw ngaw ang pagbagsag ng monter at nakatahimik lang ang lahat dahil sa nangyari. 


"T-The winner is... Aerie Euphrasia Breese!" pahayag ng emcee pero parang halos lahat ay hindi kumbinsido kaya mabilis akong umalis sa battle ground. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Peerless Beauty: The Runaway Rebel GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon