Chapter 3: Jinx Lady

165 10 0
                                    

Isang malalim na paghinga ang kumawala sakin matapos ko marinig ang pagsigaw ng ibon kasabay ng pagdilat ko. Bumungad sakin ang lugar kung saan maraming matataas na puno at sa tabi ko ay may maliit na bahay. Mukhang rito ako nakatira.


Sinuri ko ang katawan ko, dirty green na dress ang damit at kupas. May takip ang ibaba ng mukha ko. Wala akong maalala kung sino ako pero kung ganito ang damit ko ay malamang isa lang akong mahirap.


Pumasok ako sa bahay pero walang tao at ang gamit ay para lang sa isang tao kaya malamang ako lang rito ang nakatira.


"Bakit wala akong maalala?" taka ko sabay hawak sa ulo ko. Sinusubukang makaalala pero nasakit lang ang ulo ko.


"Hindi na bali kung ako lang ang nabubuhay mag isa rito ay wala ng dahilan pa para alalahanin ko," aniko sa sarili ko. Bigla naman akong napalingon sa bintana ng may marinig akong kaluskos ng karwahe mula sa labas.


"Sigurado pa ba tayong buhay pa si young miss?" taka nila ng tao mula sa labas. Teka? Ang layo nila pero bakit naririnig ko silla?


"Hindi pwedeng patay na siya. Kailangan siya ng mansion kaya dapat lang na mabuhay siya," taas noong saad ng isa.


Humakbang naman ako palabas para harapin sila.


"Sabi ko naman sa inyo. Buhay pa ang jinx ng mansion," saad ng isa ng makita ako.


"Sino ba kayo?" tanong ko pero wala akong nakuhang sagot at hinawakan ako ng mga katulong nila at sapilitang pinaluhod sa harapan ng matapang na kinikilala nilang pinuno nila.


"Ako? Ako lang naman ang Head Maid ng residence ni General Breese at pinaadala ako rito para sunduin ang 5th young lady pa balik sa mansion," paliwanag niya kaya nagpumilit ako makatayo.


"Kung ganoon ako ang sinasabi mong 5th lady? Kung lady ako, anong karapatan mo para paluhurin ako?" sigaw ko at mabihis siyang sinampal. Pero sinampal ako pabalik ng kasama niya.


"Lady? Nagbibiro ka ba? You're a jinx! Kaya bakit ka kikilalaning lady? Kung hindi ka lang kailangan ng Second miss ay hindi ka ipapasundo rito!" panlalait niya at ginapos ako na malabilanggo.


"Saan niyo ko dadalhin?" pagpupumiglas ko pero direderetso lang nila akong pinasok sa karwahe.


"Bantayan niyo yan hanggang makarating tayo sa kapitolyo. Tandaan niyong huwag niyong bubuksan ang veil niya sa mukha," paalala ng Head maid kaya na curious ako kung ano meron sa mukha ko. Magtatanong na sana ako pero nauna na nilang pag usapan yon.


"Wala namang magkakainterest na tumitig sa mukha niya. Bukod sa napakapanget ay namamatay o na didisgrasya rin raw kung sino man ang makakita. Ew, nakakatakot," mahinang saad ng isa.


'Kung ganoon panget ako? Piling ko hindi ko pa naman nararanasang maging panget at ngayon lang ako nalait.'


Dinala nila ako sa sinasabing capitol. Hindi katulad sa countryside ay rito maraming mga estraktura at maraming tao na may magagarang damit. Nakakaingit. Ang mga benta ay karamihan para sa pampagganda.

Peerless Beauty: The Runaway Rebel GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon