Chapter 4

0 0 0
                                    

"Kate!" sigaw sa akin ni Pia. Andito kami sa isang bar sa Makati. And we're only two in the table.

"What?" irita kong tanong. Kanina pa kasi niya akong tinatawag ng tinatawag pero wala naman siyang matinong sinasabi.

"Wala lang! hahaha!" sagot niya. See? kanina pa siyang ganyan ng ganyan palibhasa ay lasing na.

"Alam mo tara na! Kanina ka pa eh! Lasing kana! Stop drinking na! We have work pa tomorrow!" sabi ko tsaka inagaw sa kanya ang isang shot ng whiskey at ininom yun.

Sama ng lasa! Ang pait!

"Hey! that's mine!" sabi niya at wala na siyang nagawa dahil nainom ko na.

Tumayo siya at sumunod ako sa kanya papunta sa counter at umorder ulit. Pasuray suray na ang lakad niya. Ang lakas ng tama ng babaeng toh. Broken ba toh? Ngayon lang siya naging ganito ka lasing eh.

I'm not that drunk. Malakas lang talaga alcohol tolerance ko sa katawan tsaka hindi naman dirediretso ang pag inom ko di kagaya ni Pia na parang uhaw na uhaw sa alak.

Nang pabalik na kami sa table ay agad kong nahila si Pia nang mabangga niya yung lalaki.

"Ouch! Bakit ba kasi nakaharang ka sa dinadaanan ko?! Ang luwag luwag ng daan oh!" sigaw ni Pia.

"Ako pa talaga? Kasalanan ko bang hindi kita nakita dahil ang liit mo?" sabi nung lalaki. Napatawa ako ng palihim dahil sa sinabi nung lalaki.

"I'm sorry, Sir!" ako na ang nag sorry dun sa lalaki at hinila si Pia sa may table namin.

"Hoy gaga ka! Tara na nga at baka mapa away pa tayo dito!" sigaw ko sa kanya dahil sobrang lakas ng tugtog dito.

"Mamaya na! Ang aga pa oh!" sabi niya habang naka tingin sa relo niya.

"Gaga! Anong maaga pa? Umaga na tanga! Kaya tara na!" sabi ko saka hinila siya palabas ng bar. 2:34 na ng madaling araw tapos kami eto pauwi pa lang. Sa condo ko na lang siya iuuwi. Tutal may gamit din naman siya doon.

Isinakay ko siya sa passenger seat at umupo ako sa driver seat. I fasten her seatbelt pati ang akin. I start my car pero ayaw niya mag start.

"Damn it!" usal ko at nahampas ko ang manibela saka ako bumaba ng sasakyan. Inopen ko ang hood at nakita ko na nag overheat. Tinignan ko sa loob ng kotse kung may tubig ba akong dala pero wala akong nakita.

"Anong gagawin ko?" sabi ko sa sarili ko. I'm a little bit tipsy but I can still manage to walk papasok sa bar to get some water.

Bago ako pumasok ay may nakita akong isang lalaki na palabas at pasuray suray na naglalakad papalapit sa akin. I was stunned when he hugged me.

"I missed you. Please comeback to me. I'm sorry. Please don't leave me, babe." sabi niya habang naka yakap pa rin sa akin at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko habang umiiyak pa rin.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nung itutulak ko siya ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan kaya hinayaan ko na lang.

"Please babe, comeback to me." sabi niya ulit. He's still crying.

Hindi ko siya kilala pero naaawa ako. I comfort him. Hinagod ko ang likod niya at pinapatahan.

"Hey, don't cry." pag comfort ko sa kanya.

"Please don't leave me again, babe." sabi niya. Alam kong wala ako sa pwesto para magsalita nang kung ano pero naaawa ako sa kanya.

"I-i w-wont." sabi ko na lang para tumigil na siya.

Chasing Stars [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon