Chapter 5

58 4 1
                                        

"Congrats Team V-Monsters! Great job!" Masayang sigaw ni Coach Richard.

Magaling yung strategy na ginawa ni coach. Kahit naglaro ako sa first-six, hindi ako nagtagal sa court, napansin kasi agad ni coach na pinag-iinitan ako ng kabilang team. Baka masira ang game plan namin kahit inaasahan namin yun. Pero malakas talaga ang team namin kaya natalo namin sila sa first set na yun. Sa second set naman, hindi ako pumasok agad, nung nakalamang yung kalaban sa gitna ng game, sinabi ko kay coach na maglalaro ako.

And I showed them how its done the savage way. Yes, they were dumbfounded seeing I am a monster spiker and blocker. Hirap na hirap silang saluhin ang service ko. Gusto nila akong makitang lumampaso sa sahig ng court... sila ang nilampaso ko.

Almost everybody is cheering for my name. Napakaingay sa court. Kahit ang Mama at Papa ko ay biglang dumating at naki-cheer sa team namin.

I know what I am capable of. I know my game. Now, all the other teams are bothered by us. I even heard people say that they have a team to look forward to.

Ang mga agam agam ko ay unti- unting napapawi. Ngayon ay papunta na kami sa bahay namin para magpahinga at kumain na din ng dinner. Sabay-sabay kaming naglalakad kasama ang ilan sa ka-team nila kuya.

My team was amazed with what I did and I am thankful I was able to conquer my fear.

"Grabe talaga Jaem! V-Monster ka ngang talaga!" Walang tigil na papuri nila.

"Wala pa pala yung mga nakikita namin kapag practise."

"Let's claim Championship!"

Napa-sign of the cross ako.

"Uy wag ganun! Baka ma-preempt. Lahat tayo magaling guys! Kaya tayo nanalo kasi we worked as a team! And lets continue doing so!"

"Tama si Jaem, guys! You all did a great play today. Keep it up!" Kuya Chard seconded.

"Pero grabe Bhie! I am so proud of you!" Nagtatatalon pa ang bestfriend ko habang yakap ako patagilid. Masaya ko rin siyang niyakap.

My parents escorted all of us in the garden.

"Wow! Ang daming foods Tita, Tito!" Kita ang saya sa mga ka-team ko at iba pang kaibigan namin.

"Well, we prayed for a victory today! Kaya prepared ako diba." Malaki ang ngiti ni Mama. Sinalubong niya ako ng yakap.

"Thank you Mom!"

"This is what you need. Fun and more friends!" She sincerely said.

"Ok, tama na ang drama ng mag-ina. Lets dig in! Nakakapagod palang mag-cheer!" Reklamo ni Papa pero kita mo ang saya sa mga mata niya.

Agad kaming pumila sa mahabang mesa na puno ng pagkain at nagkanya kanyang pwesto sa customised dining table sa garden na tuwing may handaan lang ginagamit.

"First win pa lang natin ganito na ang pakain ni Ninang at Ninong. Paano pa kaya kapag nag-champion tayo? Catering na siguro yun!" Si Kuya Chard.

"Nuh-uh!" Si Mama na may kasama pang pamwestra ng daliri niya na malinaw na "no-no".

"Siempre kung Champion kayo, hindi basta kainan yun. Mag-a-outing tayo guys!" Excited na sabi ni Mama.

"Yahoo!"

"Go for the gold!"

"I'm impressed. Very impressed..." Narinig kong bulong ng nasa tabi ko kasabay nun ang kilabot na naramdaman ko sa batok ko. I don't need to look at him. I know of his voice. Hindi ko siya magawang lingunin.

A Love That LastWhere stories live. Discover now