"Alam mo Rie , kailangan mo na yatang magpacheck up?"
Sabi ni Jessie habang pinaPat yung noo ko na tila ba'y may lagnat ako kahit wala naman.
"Bakit naman ?"
Tanong ko sakanya.
"palagi ka nalang kasing nakatunganga jan. Since nag usap lang tayo about dun sa desti ---- "
"Wag mo na kasing banggitin yan. Ang kulit mo ano ? "
Tsk. Di ko na sya pinatapos sa sasabihin nya dahil pabalikbalik lang iyon. Mas mawawalan lang ako ng gana . Tssss.
" teka , may extra napkin ako , may dalaw ka ano ? Wag kang mahiya Rie , pareho naman tayo."
-_______- Lord , salamat dahil binigyan niyo po ako ng bestfriend na may topak sa ulo. Pwede ko na po bang batukan.?????
"Wala nga . Jes , alam mo ang kulit mo. San ka ba nagmana ? "
Naiirita kong tanong sakanya.
"Rie , alam mo, Ang highblood mo rin, nasa lahi nyo ba yan ? "
Aiiiiiiiiiiiiii punyeta. Walang patutunguhan to .. may sayad yata sa utak to.
"Hay naku. Kumain na nga tayo. Ang sarap mo kausap e "
.sabi ko nalang at kinain na yung burger tsaka Iced tea na binili ko. Gayundin naman si Jessie.
"Hmmmm Jessie , ano oras nga ulit yung practice natin mamaya ?"
Tanong ko sakanya.
Nakita ko naman syang busy na busy sa kanyang kinakain.
Nilamon nya muna lahat ng pagkain bago ako sinagot.Ang takaw talaga . -___-
"4 to 9pm my dear."
.sabi niya habang kumakain ulit.
"Nag almusal ka ba ? "
Tanong ko ulit.
"Yup. Ang sarap nga nang ulam namin kanina e. Tapsilog! Hihihi "
Awts. Nag almusal nga pero di halata.
Hinayaan ko nalamang na kumain si Jessie.
Ewan ko ba sa sikmura nito . Ang daming kinakain pero di tumataba.
Dahil na rin siguro sa pagsasayaw nya palagi." So kumusta naman yung Pagiging member ng Music Ministry?"
Humarap sakin si Jessie habang nakangisi..
"Ok lang naman. Mababait yung mga tao dun. Katulad mo. Talented din katulad mo."
Napa 'ooooh' naman siya.
"Pero di sila matatakaw. Di katulad mo "
HAHAHAHAHA
"Ai ang sama mo talaga Rie. !!! Mabilaukan ka sana jan sa kinakain mo"
Hahahha pikon na babae. Sana nga lang di ako mabilaukan.
Nanahimik na si jessie after nun . Dumaan kasi yung crush niya sa harapan namin haha. Saka lang to tatahimik pag nasa paligid ang crush nya.
Inopen ko yung facebook ko. May libre wifi naman kasi.
Mejo loading pero keri lang naman kasi i checheck ko lang kung may nag message ba sakin.
11messages.....
Hmmmmm..
I scrolled down to see kung sino ang nag message.
Then nakita ko ang pangalan ni ate Rojean.
I opened her message.
Please give me your phone Rie para macontact kita and the rest of the group. Thank you.
Well then, no probs :-)
Ibinigay ko kay Ate Rojean yung number ko.
Hindi ko na hinintay na mag reply siya kasi Offline siya.
Pagkatapos ko mabasa at mareplyan lahat ng message ,
Pumasok na kami ni Jessie sa Last subject namin ngayong umaga.Normal day lang naman. Nagsulat, lecture tapos short quiz.
Achievers kami ni Jessie kaya di kami dapat magbulakbol sa school yet wala din naman kaming plano no hahaha. :-)Biglang nag vibrate ang phone ko
Kinuha ko ito at may nagtext na unknown number.
Binasa ko ito agad.
Meet me infront of your school right now.
Kinilabutan ako sa nagtext. Sino kaya to ?
Naku naku . Di ako dapat magpadala dito baka kasi kidnapper to. Baka mamatay ako ng di oras.
Baka babuyin ang napakaganda kong katawan. Ayokong ma rape at maipasok sa sako at itatapon sa ilog o sa basurahan..Uwaaaaaah. Ano ba itong pinag iisip ko :-/
Di ko na pinansin ang text . Baka kasi wrong send lang din yun. I entered the option button then ,
Message deleted.