September 15, 2015
"Ihahati ko kayo into 10 groups . Ipalagay nalang natin na group activity to. Since there are 70 members in this Org., we will be having 7 members per group.."
Nandito ulit ako sa studio . Excited ako kasi ito ang first practice ko.
Nagkita ulit kami ni Aldrin at yung iba pang bagong myembro.
Nandito na din yung mga old members. Kasali na sila sa practice.
Namumukhaan ko ang iba sa kanila dahil talaga namang sikat na sila dahil sa kanilang mga performance. At isang napakamalaking karangalan na sa akin na maka perform na kasama sila.Binigay na ni Sir ang mga members per group.
Sawakas. Nahanap ko na ang ka group ko.
Ka group ko si Aldrin :)
"Kulang pa tayo ng dalawa."
Sabi nung babae na feeling ko ay 2 years older than me.
"Sinong kulang ? "
Tanong naman nung lalaki na parang ka age lang nya.
Kami lang kasi yata ni Aldrin ang bago dito sa group." si Kean at Sax. "
Wala lang akong imik habang nakikinig sa pinag uusapan nila. Di rin naman kasi ako nakakarelate.
"Ai. Sorry nga pala. Ako nga pala si ate Rojean nyo. "
Sabi nung babaeng nagsalita kanina samin ni Aldrin.
Napansin nya sigurong O.P. na kami ni Aldrin dito.Chinita sya . Para talagang pure chinese yung beauty niya. Ramdam ko din na mabait.
Nakipag shake hands naman kami ni Aldrin sa kanya. At pati na rin sa iba pa naming groupmates.
So, kulang kami ng dalawa ? Ano yun absent ? Or baka late lang. ?
Hmmmmm hayaan na.
May inannounce lang si sir samin at binigyan kami ng song list per group.
Bawat grupo ay pipili ng tatlong kanta na iyon din ang i peperform sa Musical Gala.Kung nakapili na ang bawat grupo , gagawa ng plano ang bawat grupo kung paano pagagandahin ang kanta.
At yun na ang sisimulang i practice ng buong myembro bawat groups.Nagsimula na kaming mamili. Hanggang sa nakapili na kami ng tatlo.
Pagdating ng Panahon
Oo
Give Your Heart A Break
hindi na kami masyadong nag alangan sa kanta dahil lahat kami ay familiar na roon.
Ang tanging gagawin na lamang namin ay magplano upang makapag simula na sa ensayo.
" anong suggestion niyo guys ? "
Tanong ni ate Rojean.
" Kung andito lang si Kean at Sax. Siguradong magiging madali lang ito ."
Sabi ng isa pang babae na ka group din namin.
Ano bang mayron sa dalawa at pawang nakadepende sa kanila ang lahat?
May magical powers ba sila ?
Gaano ba sila kagaling ? Ahahaa de joke lang. Na curious lang ako."Ka grupo natin si Kean at Sax ! Astig !!!!"
Bigla akong tinapik sa braso ni Aldrin habang masayang masaya na inuulit ang sinabi nya.
Late reaction.
Parang bading naman to kung makapagreact -___-"Kilala mo sila? "
Tanong ko.
"Seryoso ka ?"
Nakakunot yung noo nyang tanong pabalik sakin.
"Sila ang Pro dito. Hinahangaang instrumentalists sa loob at labas ng Music Ministry.! "
Ahhh kaya siguro ganun nalang sila ka dependent dun sa dalawa. .
Well kung ganon, sana ay pumunta na sila dito at tumulong naman ano ?. Tsk