"Anak , bumangon kana jan. Mag aalas otso na. Akala ko ba may practice ka ?? "
Sigaw ni mama mula sa kusina.
Haaayst. Ang lakas ng boses ni mama. Sa kanya nga talaga siguro ako nagmana."Opo. Babangon na po"
Bumangon na ako at iniligpit ang kama. Agad na rin akong naligo at nagbihis saka pumunta sa kusina para mag almusal.
"May naghahanap sayo kanina. Kasama mo daw sa Music Ministry"
Sabi ni mama habang kumakain ako ng fried rice na luto nya. Nakita ko naman ang ngiting nakakaloko ni mama.
"Sino daw ? At ano yang ngiti mong yan mama? Nakakalibot ah ! "
Kinuha ko yung tubig na kinuha ni mama. Grabe ang sweet ni mama hahaha :-) kaya love ko to e.
Umupo siya sa harapan ko.
"Ewan di sinabi e. Oi ikaw Rie ha? Choosy ka rin noh ?"
Huh? Anong pinagsasabi nito ?
"Ma? Ok ka lang? Anong choosy?"
Pinatuloy ko parin yung pagkain habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni mama.
"Choosy ka. Una si Ervin , ang gwapo. Ngayon naman, grabe ka anak ! Napakapogi ng bago mo ah ? "
Napalunok ako ng di oras sa sinabi ni mama.
The heck ? Anong bago? Ni wala nga akong ka M.U.
tapos bago ???? Kilabutan naman sana si mama sa sinabi niya oyyy"Mama naman ! Anong bago ??? Wala kaya !! "
Sabi ko sakanya. Lumingon lingon lang si mama hudyat na di sya naniniwala sakin.
"Asus. Di mo ako maloloko ang mama mo Rie. Hala sige na bilisan mo na yan dahil babalik daw yung Mr. Pogi."Napalunok ulit ako. This time , ang dami na ng nalunok ko kaya mejo sumakit yung lalamunan ko. Agad ako uminom ng tubig.
Sino daw ang babalik ?????
Pogi????"Mama. Tigilan niyo nga ako. Ang aga aga eh. Iniinis niyo na ako."
Inirapan ko si mama.
Oooops. Wag nyo i misinterpret yan. Natural lang samin ni mama ang ganito. Para lang kasi kaming magkabarkada kung mag usap at magkulitan.
***** beeeeepppeeeeep *****
"Hala anak. Sya na siguro yun. Lakad na at baka mahuli pa kayo sa date niyo ! "
Oh my. SERIOUSLY? ang kulit ni mama.
Nag kiss na lang ako kay mama at nagpaalam.
Dali dali akong lumabas ng bahay upang malaman kung sino yung tinitukoy ni mama."Ang tagal mo naman. Di mo ba alam kung anong oras na ? "
O.O
wait
*dugdugdugdugdug
"B-bakit ka nandito?"
Ito na lamang ang tangi kong naitanong nang makita ko yung lalaking Nagbigay sakin ng mic noon dito sa harapan ko.
Kaimbyerna to. Palagi ko nalang syang nakikita .
Magkasama pa kami sa Music Ministry. Pero di ko pa alam ang pangalan niya -____-"Sinusundo ka. Ano pa ba? Sakay na ."
Mejo nasa suplado tone yung boses niya pero di naman nakakatakot.
Hindi pa rin ako kumibo.
Palagi nalang ito ang nangyayari sakin kapag makikita ko tong lalaking to.bigla niya akong hinatak at pinasakay sa motor niya.
Nagpadala lang ako. Di pa rin kasi ma process."San mo ko dadalhin ? "
Bigla akong naitanong sakanya.
"Di mo ba itatanong sakin kung anong pangalan ko ? "
.
Ayy oo nga naman .
Bakit di ko naisip yun?"U-uhm. Ano bang pangalan mo? "
Tanong ko sakanya.
"I'm Sax Alonzo."
Sax Alonzo.
Bigatin ang pangalan . Infairness."Ahhh o-ok"
.. ang bilis naman magpatakbo ng taong to. Hindi yata takot sa kamatayan. -___-
"Bakit di ka lumabas kahapon ? "
O_o
"Anong ibig mong sabihin? "
Di ko kasi alam ang pinagsasabi nito.
Bigla bigla nalang kasi sya. Nalaman ko nalang na nasa tapat ng bahay na namin sya at nakasakay na ako sa motor niya. Excuse me? Hindi po kami close at di pa po kami magkaibigan."I texted you. You did not respond."
Mejo naisip ko na yung ibig nyang sabihin.
Nakonsensya tuloy ako.
Siya pala yun?
Ay malay ko ba na sya pala yung nagtext. Di kasi nagpakilala.
Pero dahil kinain ako ng konsensya ko kahit di kami close i said
"sorry"
Then we remained silent hanggang sa umabot na kami sa Studio.