saan ako pupunta? anong gagawin ko?
"argh! nakakainis! bakit ba ako napunta sa sitwasyong to?!?!!"
nagpagulong gulong ako sa kama ko. tiningnan ko yung ticket ni Carlle.
VIP Ticket
December 8, 2011
6:00-9:00 pm
at ***
at ito naman yung kay Brylle.
RESERVED
December 8, 2011
6:00-9:00 pm
at Melody café shop.
talaga bang sinadya nilang pagsabayin? at grabe ang cute ng sulat ni Brylle. cursive pa. lalaki ba talaga nagsulat nito?
"Ano ba! San na nga?" grabe muka na akong baliw dito kinakausap ang sarili.
*knock knock*
"pasok."
"hey." pagkakita ko, bigla akong napatayo sa kama at niyakap siya.
"Lyka!" ngumiti ako.
"Aww. namiss ako ni Lily?"
tumango ako.
"naks. ang sweet naman. haha."
nagtawanan kami.
"sabi sakin ni Lyra may problema ka. ano yun? boys?" pangaasar niya.
kahit ayoko man aminin, wala eh. kailangan ko ng tulong niya.
"oo." buntong hininga ko.
"anong meron? halika dali, sabihin mo sakin." sabi niya sabay tapik ng hita niya.
humiga ako dun. kaya namiss ko si Lyka. ahead siya samin ng 2 years ni Lyra kaya di namin siya masyadong makasama. pero close parin kaming tatlo. graduating na kasi siya.
"kasi pareho kong tinanggap yung binigay nilang invitation sakin. saan ako pupunta? pareho silang importante." pagsasabi ko. ewan ko kung paano pero kahit pa hindi ko sabihin ng buo maiintindihan ninya na ako agad.
ngumiti siya.
"sino ba mas matimbang?"
"huh?"
"alam mo, hindi pwedeng pareho ang nararamdaman mo para sa kanilang dalawa. merong mas matimbang lagi. at yun ang dapat mong alamin." hinimas niya ang buhok ko. "ipikit mo ang mata mo at isipin mo, kanino mo ba mas gustong sumama? kanino ka ba mas komportable? o sino ba talaga ang mas gusto mong mapasaya?"
ginawa ko ang pinagawa niya sakin. ipinikit ko ang mata ko at nagisip isip. sino nga ba? kanino? masaya?
hindi na nagsalita pa ulit si Lyka at hinaplos haplos lang ang buhok ko.
"bago ko malimutan, dapat sa desisyon mo masaya ka." bulong niya.
pagkatapos niyang sabihin yun bigla akong napatayo at tumingin sa kanya ng may ngiti.
"alam ko na kung saan ako pupunta. kung sino ang pipiliin ko." sabi ko. "pero may masasaktan"
"lagi namang may masasaktan kahit di mo sadya." dahan dahang sabi ni Lyka.
niyakap ko siya ng mahigpit saka sinabing...
"salamat. the best ka talaga! WOW talaga ka lagi."
"anong wow ka diyan?"
"Words of Wisdom." sagot ko.
hinampas niya ako sa noo. aray.
"baliw ka. sige na, alis na at ako'y aalis na din." sabi niya at niyakap ako. "sana masaya ka."
BINABASA MO ANG
Twin Beat
Teen FictionThis is already completed. A prologue with only 5 chapters. Sabay sabay nating subaybayan ang mangyayari sa ating bida na si Lily habang parehong pinapatibok ng dalawang kambal ang kaniyang puso gamit ang kanilang sariling musika. Lets rather put it...