Final

8 0 0
                                    

♪and when you smile. the whole world stops and stares for a while♪

hindi maaari to. impossible pero... yan yung kanta. magkahawig din sila pero bakit parang...

♪just the way you are♪

"give it a big round of applause to Brylle Bautista." ang sabi ni Lyka na emcee ngayon.

nalilito ako. alam kong hindi siya yun. iba. iba ang pakiramdam ko. hindi si Brylle ang nakita ko nun.

pero, paano? bakit?

bigla akong kinabahan ng tumingin siya sakin at nagsabi ng...

"I love you."

lahat tahimik at nakatingin samin. samantalang siya lang ang nakikita ko.

kinakabahan ako. hindi ko alam ang gagawin. o sasabihin ko. kaya...

tumakbo ako.

---

(a day before)

"now this is the question." tiningnan ko sya at hinintay ang sasabihin. "Who are you going with to the Christmas Ball?"

"who are you going with to the Christmas Ball?"

"who are you going with to the Christmas Ball?"

"who are you going with to the Christmas Ball?"

"who are you going with to the Christmas Ball?"

paulit ulit na nageecho yung sinabi ni Lyra sakin. lutang ako magmula ng confrontation ni Lyra hanggang sa paguwi.

sino nga ba? noon... isang tao lang ang nakakapagpatibok ng puso ko ng sobrang bilis.

(7 years ago)

umuulan nun at basang basa na ako. nagkaputik narin ang damit ko kaya napagdesisyonan ko na magpatila na muna sa isang coffee shop.

malapit na ang christmas nun tulad nito. ng bigla ko siyang makita.

isang lalaki na tumutugtog ng piano habang kumakanta. ang gwapo niya at anggaling.

♪ when you smile, the whole world stops and stares for a while.

coz girl your amazing, just the way you are... ♪

dun ko nalaman na, gusto ko na siya.

ngayon, hindi na siya nagiisa. andyan na yung kambal. haayy.. ano bang gagawin ko?

---

"kuya..."

"Oo, alam ko." ngumiti siya sakin. bakit ba kailangang mangyari pa na sa iisang babae kami magkagusto? "may the best man win?"

"bakit kasi kailangan ka pang magkagusto sa kanya, kuya?" tanong ko sa kanya.

"hindi ko rin alam eh." sabi niya at napayuko at kinamot ang batok niya. "ewan ko. basta bigla nalang na nalaman kong gusto ko na siya... mali pala. hindi ko lang siya gusto."

"kuya, wag mong sabihin..."

"tama ka, mahal ko na siya."

napatakbo ako pagkatapos niyang sabihin yun. hindi pwede to. bakit siya pa ang nagustuhan ni kuya?

bakit si Lily pa?

naalala ko noon. sa isang café shop, una kong nakita si Lily.

6 ng hapon, basang basa at may putik na aang damit pero maganda parin siya.

manghang mangha siya sa tumutugtog ng piano na walang iba kundi si kuya Brylle. pero ako, ako ang unang nakapansin sa kanya.

ako ang unang nagkagusto. lahat naman na nasa kanya. sana naman... kahit minsan maging akin naman yung gusto ko.

Twin BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon