sana umabot kami. sana sana... please sana umabot kami...
pagdating namin sa lugar ng mini concert ni Carlle, walamg ingay. at madilim. pumasok kami at wala kaming nakita.
"huli na tayo." malungkot kong bulong. "halika na Lyra huli na--"
biglang bumukas ang ilaw sa parte ko. nakakasilaw. pagtingin ko sa gilid ko, wala na si Lyra. hala!
[play Super Bass by DownTown Friction]
may narinig akong pagtugtog. nagmumula kung san pero di ko makita dahil madilim. ng mapansin ko sa isa sa mga upuan dito ay may papel na nakalagay. isang arow na nakaturo pakanan.
sinundan ko ito at may nakita. isang picture ko habang kumakain ng ice cream na cookies and cream ang flavor. at may ice cream na kaparehong flavor ang nakahanda na dun.
may nakadikit na note sa ice cream.
Cookies and cream, your favorite
May gusto akong aminin, pero you need to wait for it. :)
ano nanamang pakulo ito Carlle. pero, napangiti ako nun. ang cute.
may arrow ulit. at sa dulo nakita ko naman ay tatlong pictures ko na lahat nakatawa. bakit kapag siya ang nagpipicture sakin maayos?
may nakita akong isang pekeng ipis na laruan, isang pekeng pangil at isang kunwaring dugo. tanda ko to!
Minsan naiisip ko, kawawa si Lyra dahil lagi mo siyang pinagtitripan
Pero dahil gusto ko, nagtatawa ka habang tinititigan
Di ko nalang pinapakelaman kayong magkaibigan.
PS. ang cute mo. :)
napatawa ako sa nakasulat sa note. ewan ko ba. ang kulit lang. kahit simpleng bagay big deal sa kanya.
may arrow ulit akong nakita. nakaturo siya sa isang stuff toy na sponge bob.
may nakita akong limang pictures. yung dalawa may hawak akong spongebob na pamaypay, yung dalawa pa nakatshirt ako na may spongebob at yung isa, nakatingin ako sa glass door na may stuff toy na sponge bob.
Cute niya ba? Kainggit siya.
Kasi pinapansin mo siya, pinangalanan pa.
Tanda mo pa? si TeeTeeT. ;P
dito namula ako pero lumawak ang ngiti ko. hahaha. tanda ko pa.
napapunta ako sa may harap ng stage at nakita ko siya.
biglang bumukas ang lahat ng ilaw at nakita kong ang buong paligid ay punong puno ng... stolen shots ko? may iba na tumatawa ako, yung ilan ay kumakain, tapos meron pa habang naglalakad at nakatulala. OhMyGe.
♪girl you had my heartbeat runnin' away
beating like a drum and its coming your way ♪
anggaling niya kumanta.
ngumiti siya sakin at pumunta sa likod ko. may naramdaman akong malamig sa balat ko. Kwintas.
♪my super bass ♪
ngumiti siya ng pagkalawak lawak sabay luhod ng isang paa at hinalikan ang kamay ko.
"stalker." sabi ko pagkatapos ng kanta.
"oy hindi ah. ;P" tapos nandila. "Ang gwapo ko namang stalker. secret admirer lang. :D"
"adik ka." natatawa kong sabi.
"basta ba sayo ako adik okay lang. ;)"
napailing nalang ako habang nakangiti.
"kulang pa nga eh. :("
"huh?"
"wala." hinawakan niya ang buhok ko tsaka hinalikan. "ayan, wala ng kulang. ;P"
namula naman ako. grabe.
"sana masaya ka. :)"
tumango ako.
tama nga desisyon ko. masaya nga ako.
BINABASA MO ANG
Twin Beat
Teen FictionThis is already completed. A prologue with only 5 chapters. Sabay sabay nating subaybayan ang mangyayari sa ating bida na si Lily habang parehong pinapatibok ng dalawang kambal ang kaniyang puso gamit ang kanilang sariling musika. Lets rather put it...