CHAPTER ONE

31 2 2
                                    

BELLE POV

"Belle! Andito na ang bus! Bumaba ka na dito anak!" Rinig kong sigaw ni papa mula sa baba.

Kaya naman dali-dali kong kinuha ang travel bag ko at lumabas ng kwarto ko at bumaba. Naabutan kong nag-aabang na sa pintuan si nanay at papa do'n.

Lumapit naman ako habang nakangiti ng malapad.

Niyakap ako ni nanay. "Mag iingat ka do'n ah? Tawagan mo kami kapag may hindi magandang nangyari para aware kami at i-text mo naman kami para hindi kami mag-alala. Oki ba?" Napangit naman ako sa mga bilin ni nanay.

"Opo nay" Nakangiti kong tugon.

Ginulo naman ni papa ang buhok ko at nginitian ako ng tipid. "Ingat kayo do'n ng mga kaibigan mo" Napatango na lang ako.

Kung nagtataka kayo, wag niyo ng alamin. Pero ito lang masasabi ko. Hindi kami masyadong close ni papa. Tamang tanguan na lang kami kapag nagkikita dahil sa dito siya sa ibaba nakatira samantalang ako sa second floor kasama si nanay na asawa ng kapatid ni papa, mas close ako sa kanila.

"Wag kang tatanga-tanga do'n Rubella ah!" Rinig kong sigaw ni kuya Mochi mula sa itaas, mukang busy na naman siya sa mga plates niya dahil hindi man lang makababa. Engineer pa.

Napakamot na lang ako sa ulo at tumingin kay nanay at papa. "Sige po. Tatawagan ko po kayo at itetext. Babye!" Paalam ko at nauna ng lumabas sa pintuan bago sila sumunod at balak pa ata akong ihatid hanggang sa makasakay sa bus.

"Hindi niyo naman po ako kailangang ihatid" Sambit ko habang naglalakad at patawid na sa kabilang kalsada kung nasa'n nakahinto ang bus.

"Gusto lang namin makasiguro na ligtas ka" Sabi ni nanay. Napatingin ako sa kanya at ngumuso. "Nanay naman ih. Hindi naman porke slow ako ih tanga na ako"

"Wala kaming sinabing gano'n, anak" Sabi naman ni papa na nakangiti sa'kin ng nakakaloko.

Napapadyak na lang ako sa kakahiyan. Napalingon ako sa bus nang bumusina 'to. Kailangan ko ng umalis.

"Aalis na po ako. Ingat po kayo dito" Bilin ko at nginitian silang dalawa.

"Pasabi kay tatay na umalis na po ako" Patukoy ko sa asawa ni nanay na ang turing ko na rin sa kanya ay pangalawang ama. Tumango naman sila kaya tumalikod na ako at dere-deretsong tumawid sa kabilang kalsada.

Bago ako umakyat sa bus ay hinarap ko ang kabilang kalsada at kumaway. Kumaway rin naman sila pabalik kaya napahagikhik ako at tuluyan ng umakyat sa bus.

Pagka-akyat ko pa lang ay nagkakagulo na sila. Naglalabasan ng mga baon na parang mga elementary school pa lang samantalang mga senior high na kami pero kung mag isip ay pang-bata.

Parang ikaw lang 'yan ih. Slow.

Oy. Hindi 'no. Grabe naman kayo sa'kin mga braincells ko. Hmp. Di tayo bati.

"Belle! Dito ka! Tabi tayo!" Napatingin ako sa kanang bahaging dulo nang mga upuan sa bus dahil narinig kong may tumawag sa'kin at nakita ko si Isuke na nakaupo do'n at sobrang lapad ng ngiti sa'kin.

Napangisi rin ako dahil alam kong magtatabi kami ng upuan kaya lumapit ako sa kanya at umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi niya. Pagkaupo ko ay ang simulang pag-andar naman ng bus.

Inayos ko muna ang travel bag ko at nilagay sa harapan ko dahil ito lang naman dala ko bukod sa shoulder bag. Napatingin ako sa gilid ni Isuke na makitang isang travel bag lang din ang dala niya.

"Masyadong nakakastress kung dadalawahin ko pa travel ko. Ambigat na ih" Sambit ni Isuke na mukang napansin na nakatingin ako sa travel bag niya.

Napatawa ako. "True 'yan sis. Sobrang bigat" Tumawa rin siya sinabi ko.

4SLAYER'S OF THE PROPHECYWhere stories live. Discover now