4

23 0 0
                                    


XYCLE

Patalon talon ako habang naglalakad pabalik sa booth namin. Ang saya saya ko ng sabihin ni Lex na gusto niya rin ako. Hinding-hindi ako susuko sa kanya. Kahit pa sungitan niya ako araw-araw. Kahit na magmukha pa akong desperada sa paningin niya at sa paningin ng ibang tao. Ngayon pa ba? Ngayon pa ba inamin niyang gusto niya rin ako? A big NOOO hahaha.

Nagulat ako ng may biglang humawak sa magkabila kong braso. Magpapanic na sana ako ng makita ang suot nilang uniporme. Mga schoolmates ko lang pala.

"Ms. Xycle Rivero, you are the chosen bride and you need to come with us." wika ng mga ito.

"W-wait, what do you mean, bride? Ikakasal ako?" tanong ko sa mga ito.

"Yes obviously. Kaya sasama ka sa amin dahil naghihintay na sa wedding ceremony ang groom mo." Wala na akong nagawa kundi sumama sa mga ito. Napagtripan yata ako ng mga taga wedding booth. Sino naman kaya ang groom ko? Pinagtataksilan ko naman yata nito ang boyfie ko eh.

" Suj, ikaw ang groom ko? " tanong ko ng makarating kami sa wedding ceremony kuno nila. Halatang inip na inip ito habang naghihintay sa harap ng pekeng pari bago lumingon saken.

"Ano pa nga ba? Pareho yata tayong nabiktima ng mga taga wedding booth na 'to. Pero ayos na rin yun, ikaw naman pala ang magiging bride ko eh."nakangiti nitong tugon. Oo nga naman mas okay na ito kaysa iba ang groom ko. Kaibigan ko naman si Sujie eh.

"Maaari na ba tayong magsimula?" tanong ng pari kuno sa harapan nila. Tumango na lamang sila habang tumatawa. Sasakyan na lang nila ang mga kalokohan ng mga ito.






~~~~

ALEXANDER


Sa hindi niya malamang dahilan ay parang may sariling utak ang kanyang mga paa dahil kusa ito naglalakad palabas ng office nila para hanapin si Xycle. Hinanap niya ito sa booth ng kanilang section ngunit wala iyon doon. Pumunta rin siya sa classroom nila ngunit hindi niya rin ito doo. nakita. Naisip niyang baka nasa canteen ito tutal lunch time pa naman. Baka nandoon iyon para magtanghalian. Ngunit ng mapadaan siya sa wedding booth ay nagulat siya sa kanyang nadatnan. Matinding selos ang nararamdaman niya sa nakikita niya.





~~~~

XYCLE


"Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba si babae na maging asawa mo sa hirap man o ginhawa?"

"Yes father." nakangiting sagot ni Sujie at tumingin pa ito sa kanya. Feel na feel ng mokong.

"Ikaw naman babae, tinatanggap mo ba si lalaki na maging asawa mo sa hirap man o ginhawa?" magye yes ba ako? Pinagtataksilan ko talaga nito si Lex eh. Pero fake naman ito di ba? Bahala na.

"Y-yes father." Isinuot ni Sujie ang singsing sa ring finger ko at ganoon din ako sa kanya.

"I may now announce you, man and wife, you may kiss the bride." nagsigawan naman ang crowd ng KISS!!! May ganun pa talaga? Kiniss naman ako ni Sujie sa may left cheek ko.

"Pano ba 'yan Xycle, asawa na kita." wika nito na mayroong nakakalokong ngiti.

"Peke lang ito sausage, huwag kang umasa." simula ng maging magkaibigan kami nito ay tinatawag ko ito minsan ng sausage. Kasing rhyme kasi ng sausage ang name niya hahahaha. Hindi naman ito umaangal kapag tinatawag ko ito ng sausage.

"Xy, pwede ba kitang makausap mamayang dismissal?" kinabahan naman siya ng bigla itong maging seryoso.

"S-sige, saan ba?" ngumiti ako sa kanya.

"Sa garden, hintayin kita dun ah. 4pm." tumango siya dito. Nauna itong umalis ng wedding booth. Nang palabas na siya ng booth ay nakita niya si Alexander na naglalakad papalayo. Galing ba dito si Lex? Nakita kaya nito yung kasal kasalan nila ni sausage? Sinundan niya ito hanggang sa makarating sila ng soccer field.




~~~~

ALEXANDER


Sinipa-sipa niya ang maliliit na damo sa may soccer field. Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang bench. Naiinis ako. Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ba ako nag...seselos. Kahit na alam niyang hindi naman totoo yung kasal na nasaksihan niya kanina. Nahinto ako sa ginagawa ko ng may tumakip na mga kamay sa mga mata ko mula sa aking likuran. Tinanggal niya ang mga kamay nitong nakatakip sa mga mata niya at lumingon dito.

"Xy---Mureen? What are you doing here?" gulat niyang tanong. Akala niya ay si Xycle ito. Nakangiti sa kanya ang dalaga.

"Miss me babe?" nakangiting wika nito.

"Anong pinagsasabi mo? Matagal na tayong wala Mureen. At sa pagkakaalam ko, ikaw ang tumapos nun." may bahid ng galit na turan niya dito.

"So hanggang ngayon pala ay hindi ka pa nakakapag move on sa nangyari between us. Well, I just came here to visit you. Wala na kami ni Keith at gusto ko na ring makipagbalikan sayo Alex.". Napailing siya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala sa mga pinagsasabi nito. After what happened between them, ganun lang kadali para dito na puntahan siya at sabihing gusto nitong makipagbalikan. Matapos siya nitong lokohin at iwan para sumama sa ibang lalaki nito. At ang pinakamasama pa, sa sarili pa niyang pinsan siya nito ipinagpalit.

"Ang lakas naman ng loob mong sabihin saken 'yan, Mureen. Sa tingin mo ba talaga may balak pa akong makipagbalikan sayo?" Tumayo na siya upang iwan ito doon ngunit bigla siya nitong hinawakan sa kwelyo at sinunggaban ng halik. Nabato lamang siya sa kanyang kinatatayuan ng gawin iyon ni Mureen sa kanya. The kiss was passionate. Hindi niya namalayang nakapikit na siya at tumutugon na sa halik nito. Kahit na sinaktan siya nito at ipinagpalit sa iba ay hindi niya maitatangging na miss niya ito. Namiss niya ang mga hawak nito. Namiss niya ang mga halik nito. Namiss niya ang kauna unahang babaeng minahal niya ng sobra at totoo. 'Alexander this is wrong!!!' sa gitna ng kanilang halikan ay biglang nagflash sa kanya ang mukha ni Xycle. Nagmulat siya ng kanyang mga mata at marahang tinulak si Mureen.

"Whoahh that was hot." hingal nitong sabi. Pareho silang naghahabol ng kanilang hininga matapos ng kumalas sa kanilang halikan. 'Fuck, anong ginawa mo Alexander. Huwag kang magpahulog ulit sa bitag ng babaeng ito.' anas ng kanyang isip. Tiningnan niya ito ng masama.

"Get out of here Mureen. Stay away from me." sigaw ko dito.

"Why Alex, you scared? You scared to fall in love with me again?" lalo lamang nag init ang ulo niya sa sinabi nito at ng tawagin siya nitong 'Alex'. She used to call him by that name back then. Siya lang ang tumatawag sa akin ng pangalang iyan. Tumingin siya muli dito bago ito iniwan at naglakad palayo.

"I'm going to transfer here in your school. Sa ayaw man o sa gusto, you need to deal with me Alex. Especially that both our parents agreed upon our marriage after graduation." Sa narinig niya kay Mureen ay sa halip na bumalik sa kanilang opisina ay dali-dali siyang umuwi sa kanilang bahay.

I'M HIS DESPERATE LOVER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon