7

52 0 0
                                    


XYCLE


Five months had passed...

Sa limang buwan na dumaan ay hindi niya alam kung nakapag move on na ba talaga siya kay Alexander. Balita niya ay ikinasal na ito sa anak ng gobernador na si Mureen Laucheco right after his highschool graduation in Canada. After ng school fest nila ay nalaman nila sa class adviser nila na nag transfer na si Lex sa Canada. At balita niya rin na kasama nito ang noong fiancé niya na si Mureen.

"Congrats Xycle. Mabuti naman at nakasabay ka sa amin sa graduation ceremony." biro sa kanya ni sausage. Ngayon ang graduation namin at kakatapos lang nito ngayon. Nagpapasalamat ako dahil lahat naman kaming magkakaklase ay kasali sa ceremony.

"Congrats din Sausage. Ako nga rin eh, hindi makapaniwalang kabilang ka pala dito sa graduation ceremony." balik ding biro niya dito.

"Ako pa sa gwapo kong 'to." pagmamayabang nito sabay haplos sa naka hair clay nitong buhok.

"Anong konek nun Sausage." tumawa na lamang silang dalawa sa kanilang naging usapan. Nagpicture picture muna kami ng mga classmates ko kasama si mam Ramirez, ang class adviser namin. Mangiyak ngiyak nga ito dahil mamimiss niya raw kaming buong klase niya. Kahit naman kami ay mamimiss namin siya dahil isa si mam Ramirez sa napakabuti at napakaunderstanding na teacher namin.

"Sausage, saan mo balak mag college?" tanong niya kay Sujie

"Sa Paris ako magka college Xycle. Gusto na akong kunin ni dad para doon na magkolehiyo. Eh ikaw?" balik na tanong nito sa kanya.

"Balak din nina mama at papa na mag college ako abroad. Sa Australia, sa tita ko." nakangiting tugon ko naman dito.

"Panu ba 'yan, maghihiwalay hiwalay na tayo. Mamimiss ko ang mga kaklase natin lalo na ikaw. Pakabait ka dun kahit na wala na ako sa tabi mo."

"Mamimiss din kita ng sobra Sausage."sabay yakap ko dito. Naiiyak ako. Mamimiss ko ang lahat dito sa school namin. Marami rin akong memories dito. Hinaplos haplos naman ni sausage ang likod ko.

"Such a cry baby. Tahan na Xycle. Don't worry, tatawag at magvi-video call naman ako sayo araw-araw eh." Kumalas siya sa pagkakayakap dito at pinunasan ang kanyang luha. Tumingin ako kay Sausage.

"Sausage. Thank you for everything. Sayang nga at hindi natin kasabay si Lex grumaduate dito." malungkot na wika ko dito. Ngumiti naman ito at ginulo ang buhok ko.

"Alam mo kasi Xycle, everything happens for a reason. Maaaring hindi pa talaga siya ang lalaking nakalaan para saiyo. O kung kayo naman talaga ang itinadhana para sa isat-isa ay kayo pa rin ang magkakatuluyan sa bandang huli. Walang makakapagpabago nun."

"Nakakatawa lang na isipin na parang kailan lang ang desperada kong mapasa akin si Lex. Yung gusto ko nang unahan ang tadhana. Yung ako na mismo ang papana sa puso niya gamit ang pana ni kupido. Masyado akong naging desperada sa pagmamahal kaya ayun, inilayo tuloy ng tadhana sa akin si Lex. Pero siguro oras na rin para palayain ko siya. Kasal na siya at wala nang paraan para magkatuluyan pa kami. Lalo pa at sinabi niyang si Mureen talaga ang mahal niya. Sabi mo nga dati, bakit ka pa sasagabal sa dalawang taong nagmamahalan. Atleast sabi mo nga masaktan ka man, hindi iyon magtatagal. Alam kong masakit pero alam ko ring hindi ito magtatagal. Makakapag move on din ako. Kung saan siya masaya ay dun na lang ako. Magiging masaya na lang ako para sa kanya." malungkot akong ngumiti kay Sausage. Nakangiti itong tumango tango sa kanya.

"You're right. Don't worry Xycle darating rin ang tamang lalaki para sayo." pang aalo nito sa kanya.

"Sana nga Sausage."

"And besides, nandito naman ako. Handa naman akong maging boyfriend mo."pagbibiro nito.

"Sira" sinuntok niya ito ng mahina sa braso.

I'M HIS DESPERATE LOVER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon