5

23 0 0
                                    

XYCLE


Nasaan na ba si boyfie? Ang bilis naman nitong maglakad. Nadatnan niya itong may kausap na babae. Hindi naman ito taga school nila o kaya naman ay galing sa ibang eskwelahan dahil hindi naman ito nakasuot ng uniporme. At mas lalong hindi niya ito kilala. Baka kakilala lang ito ni Lex. Nakatalikod si Lex sa kinaroroonan niya. Lalapit na sana siya sa mga ito ng bigla na lang halikan ng babae si Lex. Hindi siguro siya napansin ng mga ito kanina dahil abala ito sa kanilang pinag uusapan. Susugurin niya dapat ang babae ng makitang tumutugon ng halik dito si Lex. Na parang gustong gusto nito ang mga halik ng babae. Tumalikod siya sa mga ito at tumakbo palayo. Tumatakbo siya habang sunod sunod ang pagbagsakan ng kanyang mga luha. Sobra siyang nasaktan sa kanyang nasaksihan. Nasaktan siya dahil ang lalaking mahal niya ay nakikipaghalikan sa iba.


~~~~

SUJIE





3:30 pa lang ng tingnan niya ang kanyang wristwatch. Excited siyang pumunta ng garden kaya mauuna siya doon. Aantayin niya na lamang si Xycle. Naisip niyang iyon na ang tamang oras para sabihin ang totoo niyang nararamdaman para dito. Sa maikling panahon na nagkasama sila nito, ay nahulog na ang loob niya dito. Nagustuhan niya na ito higit pa sa isang kaibigan. Nagulat siyang nandoon na iyon sa garden. Nauna pa pala ito sa kanya. Nakaupo ito sa isa sa mga benches na naroroon. Nakayuko ito. Hindi kaya kanina pa siya nito hinihintay? Pero ang sabi niya naman dito kanina ay magkikita sila dito sa garden ng 4pm pa.

"Xycle, pasensya na. Dapat pala kanina pa akong pumunta rito. T-teka umiiyak ka ba?" nag aalalang tanong niya pagkalapit niya rito. Tumingin ito sa kanya. Mugto na ang mga mata nito pero patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha. Agad siya nitong yinakap pagka upo niya sa tabi nito.

" Sausage" humahagulhol na tawag nito sa pangalan niya. Hinaplos haplos naman niya ang likod nito para patahanin subalit patuloy lang ito sa pag iyak.

"Ano bang problema Xycle? Ano bang nangyari sayo?" Kumalas ito sa yakap at saka pinunasan ang mga natitirang luha sa mga mata. Huminto na rin ito sa paghagulhol at pag iyak. Tumingin ito sa kanya. Napakalungkot ng buong mukha nito. Hindi siya sanay na makita itong ganoon. Dahil mas kilala niya itong masigla at masiyahin. Kinuwento lahat nito ang nangyari sa kanya.

"Bakit ganun sausage, sabi niya saken gusto niya na rin ako. Pero bakit nakipaghalikan siya sa ibang babae?" pagsusumbong nito sa kanya. Pinilit niyang ngumiti rito kahit na nasasaktan siya. Masakit malamang ang taong gusto mo ay may nagugustuhan ng iba. Pero sa kaso ni Xycle, alam niyang hindi lang nito gusto si Alexander. Alam niyang mahal nito ang binata. Kitang kita niya kung paano ito umiyak at nasaktan para dito. Nababasa niya rin niya sa emosyon na pinapakita ng mga mata nito. Hindi niya pa nga nasasabi ang totoo niyang nararamdaman para kay Xycle ngunit alam niya nang walang siyang pag asa dito. Tanging kaibigan lang talaga ang tingin sa kanya ng dalaga. Malungkot man pero pinilit niyang ngumiti rito. Kailangan siya nito. Hindi bilang nobyo kundi bilang kaibigan. Kailangan siya nito ngayon lalo na't may pinagdadaanan ito. Kailangan niyang pagain ang kalooban nito bilang isang kaibigan. Kaibigan lang...

"Baka may rason si Alexander kung bakit niya nagawa iyon. I mean, kausapin mo siya, tanungin mo siya about sa nakita mo. Huwag kang mag alala, magiging maayos din ang lahat between you and him." Yinakap siya nito ng mahigpit.

"The best ka talaga sausage. Salamat ah. Pasensya na nabasa ko pa ng luha ang damit mo. Pero wait..." kumalas ito sa pagkakayakap nito at tumingin sa kanya.

"Bakit nga pala pinapapunta mo ako dito, muntik ko ng makalimutan. Ano pala ang sasabihin mo saken?" tanong nito. Umiling iling siya dito.

"May gusto sana akong ikwento." tugon ko.

"Tungkol saan? Kwento mo na dali. Makikinig ako. Promise." sabay taas ng kaliwang kamay nito na parang nanunumpa.

"Ay mali, ito pala na dapat na kanan hehehe." sabay taas ng kanang kamay nito ng mapagtantong nagkamali ito. Napatawa na lamang siya sa inakto nito.

"Wag na"

"Sige na sausage, daya mo naman. Kwento mo na saken please." pagmamakaawa nito sa kanya with puppy eyes pa. Kahit kailan talaga ay hindi niya maayawan ang babaeng ito. Lalo na kapag nagpapacute na ito sa kanya. Kahit pa nga minsan ay inaabuso na siya nito. Siya kasi ang pinapakopya ng notes nito kapag tinatamaan ito ng katamarang kumopya ng lessons nila. Pero kahit ganoon ay hindi niya nagawang magreklamo dito dahil gusto niya naman ang mga ginagawa niya para dito.

"Ito, ito na."pagsisimula niya. Ngumiti naman ng napakatamis sa kanya. Well kahit naman papaano eh, napagaan niya ang loob nito. Nakangiti na ito ngayon katulad ng dati. Ito ang kilala niyang Xycle. Palaging nakangiti at palaging positibo sa lahat ng bagay. Umupo ito ng maayos at naghihintay sa ikukwento niya.

"May nagugustuhan kasi akong babae. Ang kaso ay may mahal na itong iba. Ayoko namang maging epal sa kanila kaya mas mabuti ng pakawalan ko na lang. Ano namang laban ko dun sa lalaki? Eh mutual sila ng nararamdaman sa isat-isa. Di ba sabi nga nila, kung mahal mo ang isang tao kailangan mo itong palayain. Masaktan ka man atleast hindi iyon magtatagal. Di ba?" tumingin ako kay Xycle. Pinag iisipan nito ang sinabi niya.

"Well, may point ka naman dun sausage. Kung mahal nga nila ang isat-isa, bakit eepal ka pa di ba? Pero tulad nga ng sinabi mo. Iba-iba tayo ng pananaw pagdating sa pag ibig. May ibang nagpaparaya at may iba ring ipinaglalaban ang pagmamahal nila. Depende kung hanggang saan natin kayang tiisin ang sakit na dulot ng pagmamahal na iyon. In your case, you love and let go without fighting. Without using your chance to prove your true feelings towards someone. Pero hindi ibig sabihin nun na duwag ka na kasi pinili mo lang kung ano ang nararapat para sayo at para sa taong mahal mo. Sabi ko nga di ba, iba-iba tayo ng pagkakaintindi sa love." hindi siya makapaniwala sa lumalabas sa bibig nito. Hindi niya inaasahang ganoon kalaking salita ang ipapayo nito sa kanya.

"Pero ako? Hindi ako papayag na hindi kami magkatuluyan ni Lex. Alam kong kami ang itinadhana. Sadyang mabagal lang talagang gumawa ng paraan si destiny. So, uunahan ko na siya." Ayos na sana kung hindi lang ito nagbiro about sa tadhana. Hayyyy, Xycle is Xycle.

"You really love him, huh?" tanong niya dito. Tumingin naman ito sa kanya at ngumiti. Ngiti... Na parang nakakaloko?

"Yes, but not just a lover. Because I'm his desperate lover." sabay tawa nito. Bumuntong hininga na lamang siya at ginulo ang buhok nito. Kahit naman papaano eh pareho ng magaan ang kalooban nila.

"Halika na nga. Samahan mo ako, ice cream tayo sa labas. Yung tig limang piso lang. Pambalubag-loob." tumayo ako at inilahad ang kamay ko dito.

"Ang kuripot mo naman sausage pero sige sasamahan kita. Ice cream tayo. Libre mo naman."nakangiti nitong wika sabay abot ng kamay ko at tumayo na. Hawak-kamay silang naglakad palabas ng campus nila.

Hindi ko man naamin ang totoo kong nararamdaman para sa kanya ngunit hindi ko iyon pinagsisisihan. Dahil nandito naman ako sa kanya para pasiyahin siya. Kahit bilang kaibigan lang. Patuloy ko siyang mamahalin hindi man pagmamahal katulad ng isang kasintahan pero pagmamahal ng isang totoong kaibigan.


I'M HIS DESPERATE LOVER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon