Chapter 1: Who is she?

5 0 0
                                    


SEINA'S POINT OF VIEW

"Everybody, listen up! I want you all to study pages 98-156 for our discussion tomorrow. That's all, you may go."

Pasimple akong sumulyap sa may orasan at hindi napansin ang paglipas ng oras. Sa halip na ilagay ko ang mga libro at notebook ko sa bag kagaya ng ginagawa ng mga kaklase ko, mas pinili kong buklatin ang libro at tingnan ang pinapabasa ni Miss Buena. Sobrang haba naman yata? Tss, for sure ay tatamadin na naman ako lalo pa at hindi naman ako mahilig sa mga subject na may kinalaman sa siyensya. I hate science.

"Parallel Universe," basa ko sa itaas na bahagi ng pahina.

Tungkol sa parallel universe ang topic namin? May kwenta ba ang discussion na gagawin namin, I mean—hindi naman totoo ang parallel universe o alternate universe, right? Sa natatandaan ko ay may nabasa akong news article dati tungkol sa mga scientist na nag-aaral tungkol dito at wala silang napatunayan na totoo pagdating sa existance ng parallel universes.

"Oh Seina, akala ko ba ay sasabay ka sa akin papuntang library, tara?"

"Hintayin mo nalang ako doon, susunod ako," sabi ko at tumango lamang ang aking kaibigan. Hanggang sa maka-alis siya ay walang ibang nasa utak ko kung hindi ang magiging topic namin bukas.

Interesting.

Oo, kakasabi ko lang na ayoko sa science pero ewan ko ba, may nararamdam akong kakaibang excitement sa loob ko na hindi ko maipaliwanag.

I'm Seina Miyazaki, half-japanese, half-pinoy. Kasalukuyang nag-aaral sa Evergreen University bilang isang grade 12 student.

At kung inaakala niyo na hindi ako marunong magsalita ng japanese ay tama kayo. Dito ako pinanganak at lumaki sa Pilipinas, kahit isang beses ay hindi pa ako nakapunta sa bansa ni papa kaya wala akong alam sa lenggwahe niya. Siguro ay mga basic phrases lamang pero ang makipag-usap sa kanila? Nope.

Pagkatapos kong siguraduhin na wala na akong nakakalimutang dalhin ay nagmadali na akong pumunta sa library na hindi naman ganoon kalayo. "But what if...parallel universe do exist?" tanong ko sa sarili ko habang naglalakad. Napatingin ako sa asul na kalangitan na para bang nakikita ko ang nasa kalawakan.

Napa-iling nalang ako habang pumapasok sa entrance ng library. Sa pinakadulong mesa ay nakita ko si Ashly na naglapag ng maraming libro. "Anong babasahin mo?" tanong ko sa kanya sabay upo.

"Mag-aaral ako para sa math test natin sa isang araw," wika niya.

Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan na may exam nga pala kami sa isang araw at ang masama pa doon ay kailangan kong magsaulo ng mga formulas. I hate that. Magaling ako sa memorization pero iba naman ang usapan kapag formulas.

"Ashly, sa tingin mo....totoo ang alternate universe?"

Napatigil siya sa pagbabasa at inayos ang salamin niya. "What do you think?" pabalik na tanong niya sa akin.

"No?" hindi siguradong sabi ko at napa-iling lamang siya. "Wait, so you mean, naniniwala ka?" tanong ko pa at bahagyang lumapit sa kanya.

"I'm not sure, wala pa namang evidence na nagpapatunay na may carbon copy pala tayo na nabubuhay sa ibang universe."

Tinigilan ko na ang mag-usisa pa tungkol sa topic na iyon dahil wala namang kwenta kung pag-aaksayahan ko lang ng oras. Mas mabuti ng samahan ko na lang si Ashly na mag-aral, baka pumasa pa ako sa test namin.

"By the way, where's your boyfriend?Parang hindi ka niya yata sinusundo?"

"He's busy," tipid na sagot ko at inilipat ang libro sa susunod na pahina.

Alternate Universe: The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon