Chapter 4: Welcome to Universe 97

3 0 0
                                    

SEINA'S POINT OF VIEW

"Ang cute mo." Namula ang pisngi ko at ibinaling ang atensyon sa mga kamay kong hindi mapakali kanina pa. Wala akong dinalang gamit, kahit ang cellphone ko ay iniwanan ko dahil bilin iyon ni mama. Huwag daw akong magdala ng gamit galing sa sarili kong universe dahil posibleng may masamang maidulot iyon.

"Kailangan mo talagang sabihin 'yon?" natatawang tanong ko sa kanya. Kalma lang Seina, si Kion lang' yan.

"Why not? Ibang-iba ang Seina na kaharap ko ngayon, natural lang na manibago ako," sabi niya.

Mabuti na lamang at nandito ako sa backseat ng kotse, baka kasi kapag katabi ko siya ay hindi na ako makapag-salita. Bakit ba kasi ganito ang nararamdam ko? Okay, kalma ka lang Seina.

Kung ganoon, iba ako kaysa kay Seina sa Universe 97? How come? Eh siya ay ako at ako ay siya.

"Please, don't be nervous. I am Kion, Kion Castañeda, your boyfriend."

Bakit kasi ganito siya?! At kung tatanungin niyo ako, katulad na katulad siya ni Kion. The way he talk, his accent—kaya nagtataka ako kung bakit hindi kami magkapareho ni Seina sa ibang universe.

"Yes, you are Kion but not my boyfriend," pagtatama ko pero tumawa lang siya.

Naiilang ako, yes. Kahit na siya si Kion, syempre pakiramdam ko ay kakikilala ko palang sa kanya.

"So, tell me. Paano tayo pupunta sa Universe 97?" pag-iiba ko ng usapan.

"Just trust me. Okay? Behave ka lang diyan at magtiwala sa mga gagawin ko." O...kay. Kinakabahan ako sa mga gagawin niya—what if sa rocket ship?! No!

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nawalan ng tiwala kay Kion. Ayokong magtiwala sa kanya, not until makahanap ako ng reason para pagkatiwalaan siya.

"Mag-seatbelt ka." Sinunod ko ang sinabi niya. Pero nawindang ang utak ko nang makita na dead end na ang kalsadang dinadaanan namin.

"K-kion.."natatakot kong sabi at tiningnan ang malaking bangin na ilang metro ang layo sa amin.

"I said, trust me," seryosong sabi ni Kion at biglang tinapakan ang gas, dahilan para bumilis ang takbo ng sasakyan at mahulog kami sa bangin!

Mama!

Naramdaman kong parang lumulutang ang kotse pero nanatili akong nakapikit at hinihintay ang kamatayan ko. Mahigpit ang hawak ko sa seatbelt na nakakabit sa akin, gusto ko pang mabuhay...

"Ahh! Ibalik mo na ako kay mama!" sigaw ko pero nanatili paring nakapikit.

"Hey, Seina?"

What?

Pinakiramdaman ko ang paligid ko at nagtaka dahil maayos akong naka-upo sa kanina ko pang pwesto. I'm alive?

Dahan-dahan akong tumunghay at bumungad sa akin ang mukha ni Kion. "A-anong nangyare?" tanong ko at luminga-linga sa paligid. Nasa kotse pa din kami.

"See? I told you, ayos lang tayo. Tara na?" Nakatulala akong tumango at parang gusto ko yatang maihi sa kinauupuan ko.

K-kanina nahulog kami sa bangin, right? Anong nangyare—buhay talaga kami?!

Inalis ko ang seatbelt ko at lumabas na ng kotse, pero ang mas nakapagpatigil ng mundo ko ay ang lugar kung nasaan ako ngayon. Dahil sa excitement na nararamdaman ko ay nauntok ako noong sinubukan kong bumaba sa kotse.

"Sh*t!" The heck, masakit 'yon ah?

"Are you okay? Tss, pareho din pala kayo, hindi maingat." 

Wait, is he referring to Seina?

Alternate Universe: The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon