SEINA'S POINT OF VIEW
"Okay, it's getting creepy.." sabi ko sa sarili ko at isinarado ang photo album. Itatanong ko ba kay mama kung bakit ganoon ang picture na iyon? Sobrang nakakabaliw lang talaga, like...hindi pa ako nagpupunta sa zoo at hindi din ako nagpapakulay ng buhok...and for the fact na sa Bulacan ang place na iyon, taga-Davao si mama, si papa naman ay Japan, how come na may naligaw na Bulacan?
Baka nagka-amnesia ako?
Napa-iling na lamang ako habang ibinabalik sa kahon ang photo album. Hindi ko alam kung dapat ko bang bigyan ng pansin ang bagay na 'to o kalimutan nalang. Ano namang mapapala ko kung tatanungin ko kay mama kung bakit kakaiba ang picture na iyon?
Pero paniguradong hindi ako makakatulog ngayong gabi. Ang daming 'what if' sa utak ko na hindi ko alam kung paano mawawala.
Dumapa na lamang ako sa kama at tumitig sa bintana, hindi pa ganoon kadilim sa labas dahil ala-sais palang naman ng hapon. Kinuha ko ang cellphone ko tsaka nag-open ng aking instagram account. Pero mas lalo akong nangamba ng may makitang isang post.
"What the fudge..." wika ko sa sarili ko at makita ang post ni Maribelle na kasama si Kion, my boyfriend!
Hindi ko alam kung anong ire-react ko, obvious naman na kailangan kong magalit pero tinatamad ako. Gets niyo? Ako din, hindi.
Oo, naiinis ako. Bakit? Dahil si Maribelle 'yon. Ang binansagang 'Malandi of the Year'. Halos lahat yata ng lalaki sa school namin ay jinowa na niya, pati ba naman sa school ng boyfriend ko, maghahasik siya ng kalandian?
*ting!
Biglang nagpop-up ang isang message, galing iyon kay Kion. Walang alinlangan ko iyong binasa at nagulat pa dahil nasa labas daw siya ng bahay. Tumayo ako at naglakad papunta sa bintana, hinawi ko ang kurtina at nakita ko doon na may naka-paradang motor sa tapat ng gate namin.
"Aawayin ko ba siya?" tanong ko sa sarili ko. I mean, ibi-bring up ko ba 'yong post ni Maribelle?
Bahala na, kung mag-aaway kami o wala lang ba. Sanay na naman ako eh.
"Anak, si Kion yata iyong nasa labas," sabi ni mama ng makita ako. Tumango na lamang ako bilang tugon at nagdire-diretso na sa labas.
Hanggang ngayon, may doubt parin ako sa sarili ko kung mahal ko ba talaga si Kion. Alam niyo kung bakit? Dapat galit ako eh, sino ba naman ang matutuwa kapag ang boyfriend mo ay may kasamang ibang babae?
Pero bakit ako? Parang wala lang. Hindi ko din alam, siguro dahil alam kong hindi iyon maiiwasan dahil isang campus hearthrob ang nabingwit ko?
"Kion..." Dahil nakasandal ng patalikod si Kion ay hindi niya alam na nandito na ako, nagulat pa siya at bahagyang inayos ang helmet niya na nakapatong sa motor.
"Uh Seina, busy ka ba?" tanong niya.
"Bakit?" tipid na tugon ko. Bakit naman niya tinatanong kung busy ako?
"Dinner date tayo."
Natigilan ako sa sinabi niya. Date?
"Mag-aaral pa ako eh, may test kami bukas."Hindi ko alam kung bakit tumanggi ako. I swear, wala yata ako sa sariling katinuan. Sino bang tatanggi sa isang Kion Castañeda? Syempre, for the first time in the history...ako.
"Tulungan nalang kitang mag-review—"
"Bakit hindi si Maribelle ang tulungan mo?" Natigilan siya sa sinabi ko. "Ilang babae pa ba ang kailangan kong kalabanin para lang ma-angkin ka ng tuluyan?"
Sa totoo lang, lagi akong nakakaramdam ng insecurity, why? Dahil alam kong maraming lumalapit sa kanya at nagbibigay ng kung ano-ano. While me, nasa ibang school ako at konti lang ang time namin sa isa't-isa.
Kung bibigyan niyo ako ng isang notebook para ilista ang mga babaeng nakakasalamuha at lumalandi kay Kion, kulang iyon.
Kion is my second boyfriend. Sa totoo lang ay nahirapan pa akong tanggapin siya dahil na-trauma na ako sa first experience ko. Pero dahil niligawan niya ako ng anim na buwan, sinagot ko siya dahil nakita ko naman na mabait siya.
Nagdududa nga ako sa sarili ko, baka kasi kaya ko siya sinagot ay para maging worth it iyong panliligaw niya. Alam ko naman na malaki ang pagkakaiba ng 'gusto' at 'mahal'.
"S-seina...birthday kasi niya kaya tinupad ko lang yung request—"Itinaas ko ang kamay ko, senyas iyon na tumigil siya sa pagsasalita.
"So dahil lang sa birthday ni Maribelle, kailangan mong i-grant ang request niya? Hindi mo manlang ba naisip kung anong mararamdam ko? ...ng girlfriend mo?" Hindi ko na maiwasan ang maging emosyonal. Ewan ko ba, basta-basta nalang ako nakakapagbitiw ng mga salita sa tuwing galit ako at iyon ang pinaka-ayoko. Minsan na akong nakasakit ng damdamin ng ibang tao dahil sa mga padalos-dalos kong desisyon sa buhay. Sa tuwing galit ako o malungkot, hindi ko na kontrolado ang mga sinasabi at iniisip ko.
"Sorry..." Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa paghingi niya ng sorry. Iyon lang? A simple sorry?
"So, you're guilty huh? Great, baka nga mali akong sinagot kita, baka nagkamali na naman ako at ngayon? Nasasaktan na naman ako dahil sa mga maling desisyon ko sa buhay...ang desisyon ko na buksan ulit ang puso ko."
"S-sandali lang naman Seina, baka naguguluhan ka lang. Wala naman tayong dapat pag-awayan dito--"
"Fine, request lang din naman ang gusto mo..."Nakita ko na nag-iba ang tingin niya at napalitan ng pagkalito."Cool off muna tayo, that's my request."
"What? No!" pagtutol niya.
Hindi ako nabibigla, wala ding kinalaman dito ang post ni Maribelle. Noong isang linggo ko pa nga ito pinag-iisipan at ngayon? Parang desidido na talaga ako. Oo, may mawawala sa desisyon kong ito pero kung iyon naman ang magiging daan para maayos ko ang lahat ng mga pagkakamali ko.
Kion...pagkakamali nga ba na minahal ko ang isang tulad mo?
"Why? You'll grant any request right?" sabi ko.
Magulo ang isip ko, at alam kong lahat ng desisyon ko ay pagsisisihan ko din pero ano naman? Ganoon naman lagi ako. Padalos-dalos ng desisyon at hindi iniisip ang kahihinatnan ng lahat, kaya ko naman kasi tanggapin lahat ng consequences. Pero ngayon, hindi ito basta-basta lang na inisip ko, seryoso ako.
"Seina naman..."
"Within one week, kapag bumalik ako sayo, ibig sabihin noon, mahal kita pero kapag hindi..." Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil alam ko namang alam niya 'yon.
Matagal ko na itong gustong gawin, siguro isa na din sa mga paraan para malaman ko kung hahanapin ba siya ng puso ko kapag nawala siya. I'm just 18, alam kong hindi pa final yung nararamdaman ko at pwede pang magbago pero...
...gusto kong malaman kung ano ba talaga si Kion. Just a crush or love? Infatuation or not?
"I understand." Bakas sa pananalita niya ang lungkot.
"Baka bukas may kasama kana namang babae ha? Pero okay lang, malay mo may magustuhan kang iba bukod sakin," pagbibiro ko. Who knows, may matipuhan siyang ibang girl na mas mahal niya kaysa sa akin.
Hindi naman natin maiiwasan iyon.
"N-no, walang iba Seina...ikaw lang. Promise." Napangiti ako sa sinabi niya.
"That's my boy. Keep your promises okay?" Tumango siya at niyakap ako.
Kion, he's 9 months younger than me. Noong una ay parang pangit naman tignan na mas matanda ako kaysa sa kanya pero hindi naman nagkakalayo ang edad namin.
And our age? Hindi kagaya ng mga kabataan ngayon, we are more matured. Hindi naman ako papayagan ni mama na mag-kaboyfriend kung alam niyang hindi ko kaya i-handle ang mga problemang kakaharapin ko. Pero kung nandito si papa, paniguradong NBSB ako.
"Ingat ka, okay? See you next week."
Tama ba 'to? May part din sa puso ko na natatakot dahil baka mainip si Kion at mag-hanap ng iba pero one week lang naman eh. Dito ko na din siguro malalaman kung mahal niya ba talaga ako o props lang sa buhay niya.
Please, sana magawa mong hintayin ako Kion.
BINABASA MO ANG
Alternate Universe: The Mission
Science Fiction"Y-you're Kion from U-universe 97..." Sa buong buhay ni Seina Miyazaki, wala sa plano niya ang libutin ang buong mundo, lalong-lalo na ang ibang universe. Pero anong gagawin niya kung mismong si Seina na nagmula sa Universe 97 ang nangangailangan ng...