SEINA'S POINT OF VIEW
Pagka-alis ni Kion ay parang pinagsisisihan ko na ang lahat ng sinabi ko. Nakita ko ang mukha niya kanina noong umalis siya, kahit kailan ay hindi ko siya nakitang ganoon kalungkot.
Ang galing mo Seina!
"Narinig ko ang pinag-usapan niyo, sana hindi ka magsisi." Napitlag ako sa aking kinatatayuan at napalingon kay mama na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko habang naka-krus ang braso.
"Ma..." Nangangambang sabi ko at tinignan ang cellphone ko. Gusto kong tawagan si Kion pero...
"Kung tatawagan mo siya, anong possible na mangyare? At kung hindi mo naman siya tatawagan, anong mangyayare?" Naguluhan ako sa sinabi ni mama. Ano daw?
"Ang gusto ko lang sabihin...na sa bawat desisyon mo...iba ang kahihinatnan at maari kang makagawa ng panibagong ikaw," sabi niya.
Panibagong ako?
"Naniniwala ka ba sa parallel universe?"Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya.
P-parallel universe? Sandali...saan ba nanggagaling ang mga sinasabi ni mama...naniniwala ba siya doon? Si mama ba ang dapat kong kausapin tungkol sa mga out of this world topic namin?
"M-ma, ano bang sinasabi niyo?"
Lumapit siya sa kahon na nasa kama at kinuha ang photo album na hawak ko kanina. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang hawak niyang litrato. Ang litrato na kanina pa ako binabagabag.
"Binuklat mo ito kanina, hindi ba? At alam kong nakita mo ang litrato..."
Magsasalita pa sana ako ng iharap niya sa akin ang kaninang litrato na hanggang ngayon ay bumabagabag parin sa isip ko.
"It's me and Seina...from another universe."
Wait—another what?
EVELYN'S POINT OF VIEW
Nagda-dalawang isip ako kung dapat bang malaman ng anak ko ang mga bagay-bagay na alam ko. Hindi ko alam kung maniniwala siya o pagtatawanan lamang ang mga sasabihin ko. Kahit ako, hindi maniniwala eh."Ma, what are you talking about?"
"Our universe, it's called the Universe 13," wika ko at tinabihan si Seina. "And believe it or not, nagawa kong makapunta sa Universe 97, an alternate universe."
"A-alternate universe...it's..t-true?"Napatingin si Seina sa bintana." You mean, there are more universes out there?"
"A lot."
Tumayo siya at unti-unting nilapitan ang nakabukas na bintana. Kung titignan mo ay parang walang buhay ng kalangitan dahil sa itim nitong kulay tuwing gabi na pinapaliwanag lamang ng mga bituin at buwan.
Aminin man natin o hindi, ang mundong kinalalagyan natin ngayon ay walang sapat na kaalaman upang alamin kung totoo nga ba ang mga parallel universe pero ako...
"So you mean, nakilala mo ang isa pang ako? And she's from Universe 97?" Tumango ako sa tanong ni Seina.
Kinuha niya mula sa kamay ko ang litrato namin ni Seina mula sa ibang universe. Tinitigan niya iyon, marahil ay nakakapagtaka nga naman na kahit iisang tao lamang sila ay hindi niya katulad ang Seina na nasa litrato.
At maging ako, masasabi kong magka-iba sila ng pamumuhay at katauhan.
Sa totoo lang, ang mga kumakalat ngayong impormasyon tungkol sa parallel universe ay totoo. Ang kanilang mga theories ay tunay, ang problema nga lamang ay wala silang kakayahang patunayan iyon.
Halimbawa na lamang, sa bawat ginagawa nating desisyon sa buhay ay nakakagawa tayo ng panibagong universe. Tayo mismo.
Let's say, sa universe na ito, pinili mong magtabaho kaysa mag-aral. At mula doon makakagawa ka ng isa pang universe na kung saan, mas pinili mo naman ang mag-aral.
Tayong mga tao lang din naman ang gumagawa ng mga bagong universe, subalit ang iba ay nawawasak dahil sa hindi tiyak na kahahantungan nito. Pili lamang ang mga universes na nakaka-survive at isa na doon ang Universe 97 na napuntahan ko na.
Ang Universe 97 kung saan nag-eexist ang mga kakaibang bagay na tanging sa mga libro lamang natin nababasa. Powers? Magic? They are exisiting, but in other universe.
"Let's eat?" tanong ko kay Seina. Tiningnan niya ako at halata pa din sa itsura niya ang pagkalito. Nilapitan ko siya at inakbayan. "Nagluto ako ng paborito mong kare-kare, sounds good?" At doon ay nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya.
Sinasabi ko na at pagkain lang ang katapat ng anak ko kapag may problema.
Habang papalabas kami ng kwarto ay nakita kong hawak pa rin niya sa kaliwang kamay ang litrato. Paliko na sana kami sa may kusina ng makadinig kami ng katok mula sa pinto.
"Ako na, ma." Pagpe-presinta ni Seina at dali-daling nilapitan ang pinto. Sinundan ko siya para na din malaman kung sino ang bisita namin ngayong di-oras ng gabi.
SEINA'S POINT OF VIEW
Tutal ay malapit naman ako sa pintuan ay ako na ang nagbukas. Sino naman kaya ang bisita namin? Wala naman kaming pinapa-deliver o hinihintay na bisita.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon. Nakatayo sa harap ko ang lalaking kanina ko pa gustong makita. "K-kion? Akala ko ay uuwi kana—hey!" Nagulat ako sa biglang paghatak niya sa akin.
"Sumama ka nalang Seina, wala na tayong oras."
"Ano ba Kion?! Saan ba tayo pupunta?!" Ibinuhos ko ang buong lakas ko para matanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. Kailan pa siya lumakas ng ganito?
"Kion! Seina!" pagtawag ni mama at sinundan kami dito sa may labas ng bahay.
Hindi pa kami tuluyang nakakalayo sa bahay ay biglang tumigil si Kion at dahan-dahang binitawan ang braso ko. Hinimas ko iyon at nakita na namumula ang braso ko dahil sa sobrang higpit na paghawak ni Kion sa akin.
"Ano bang problema mo? Bakit bumalik ka pa—at talagang kinaladkad mo pa ako?!"
Nakatalikod mula sa akin si Kion at hindi gumagalaw. Ngunit may ilang bagay kong napansin...bakit ang tangkad niya? At bukod pa doon, kailan naging dark blue ang kulay ng kanyang buhok?
"Kion?" pagtawag ko pero hindi niya ako nililingon. Iba ang pakiramdam ko ngayon, bakit hindi ko nararamdama ang presensya ni Kion?
"Kion, from Universe 97..am I right?"Nilingon ko si mama at papalapit sa amin habang nakatingin kay Kion.
From Universe 97—oh my gosh.
Mula kay mama ay mabilis na ibinalik ko ang aking atensyon kay Kion. "Y-you're Kion from U-universe 97..."Napatakip ako ng kamay sa bibig at nanlaki ang mata habang tiningnan si Kion na unti-unting humarap sa akin.
Kaya ba iba ang pakiramdam ko sa kanya ngayon dahil hindi siya ang totoong Kion—but how did he...
"Seina, we need your help."
"We?" tanong ko.
"The Seina from my universe, the Universe 97 needs your help, please..."Hindi ko alam kung panaginip ba ito o ano, what if tulog na ako kanina pa at nananaginip lang?
Gising Seina!
Pero hindi eh, totoo ito." Anak, sumama ka na. "Naramdaman ko ang kamay ni mama sa balikat ko.
"What? Gusto niyo kong sumama sa K-kion na iyan?" Hindi naman sa ayaw ko pero....
Tumalikod ako mula kay Kion at tumingala sa kalangitan. Seina from Universe 97 needs me...but why?
Sasama ba ako sa kanya?
Tiningnan ko si Kion na noon ay nakatingin din pala sa akin." But... " Am I hesitating? Yes. Pero si mama na mismo ang nagsabi na totoo ang mga parallel universes. At ang Kion na nasa harapan ko na mismo ang ebidensya!
"M-ma..." Hindi nagsalita si mama at tumango lang. Sigurado ba siya na dapat akong sumama sa lalaking 'to nag alam naman naming lahat na nagmula sa ibang dimensyon?
Pero ang tanong, paano siya nakarating dito? A rocket ship, perhaps? Oh, lord. Hindi ako sanay magbiyahe sa himpapawid.
BINABASA MO ANG
Alternate Universe: The Mission
Ficção Científica"Y-you're Kion from U-universe 97..." Sa buong buhay ni Seina Miyazaki, wala sa plano niya ang libutin ang buong mundo, lalong-lalo na ang ibang universe. Pero anong gagawin niya kung mismong si Seina na nagmula sa Universe 97 ang nangangailangan ng...