Kabanata Isa

15 0 0
                                    


Nakikinig lamang ako sa aking guro mula kanina pa, samantalang ang mga diwatang kasama ko ay nakapikit at pinakikinggan ang sinasabi ni Guro. Hindi ko maiwasan na mainis sa sarili ko, maingit sa mga kapwa ko dito at magtaka sa katauhan ko. Diwata ba ko? Bakit wala akong nararamdaman.

"Damhin niyo ang enerhiya na dumadaloy sa inyong mga katawan mga diwata,"- sabi ni Guro at pinilit ko ipikit ang aking mga mata, dinama ko ang sinabi niya ngunit kahit katiting ay wala akong maramdaman sa aking katawan, kumunot ang noo ko at dahang dahang minulat ang mata at namangha ako sa mga mga kasama kong diwata na nakikita ko ang ibat ibang kulay ng enerhiya na sinasabi ni Guro na bumabalot sa kanilang katawan. Napatulala ako kay Nixia na puting puti enerhiya ang bumabalot sa kanya at tumataas ang kanyang mga buhok. Anong nangyayari sakanya? Parang ibang Diwata na si Nixia sa nakikita ko.

"Sorchaaaa! "- nagulat ako kay Maurelle na nasa likod ko at agad naagaw ang atensyon ng buong klase ni Guro.

"Maurelle ano ba yan! Nag eensayo kayo! "- sita sa kanya ni Guro napatingin ako kay Sorcha na pulang pula ang mata, ngayon ko lamang nakita ang kanyang mata na ganyan habang si Maurelle ay umuusok ang kanyang mahabang buhok. Napatawa agad ako at tumingin kay Sorcha.

"Anong ginawa mo sa Prinsesang to?"- Natatawa kong tanong kay Sorcha at masama akong tiningnan ni Maurelle.
Lumapit na din si Guro sa kanila, mukhang nagulat din siya kay Maurelle na sunog ang buhok at agad na bumaling kay Sorcha na pulang pula padin ang kanyang mata. Hindi na siya nagalaw at ang kanyang mata ay nakatingin lamang sa harapan.

"Sorcha,"- malambing na tawag sa kanya ni Nixie na halatang nag aalala dahil sa pulang pula na mata ni Sorcha.

"Guro, ano bang nangyayari kay Sorcha?"- tanong ni Nixia at agad na hinawakan sa braso si Sorcha.

"Aray!"- daing niya sa napasong kamay
at agad na hinawakan ni Nixie dahil kapangyarihan nito ang mag pagaling ng kahit na anong sakit o sugat man yan.
Itataas na sana ni Sorcha ang kamay niya ngunit agad siyang ginamitan ng mahika ni Guro at agad itong bumagsak sa kamay ni Alsia.

"Anong nangyayari sakanya Guro,?"- agad na tanong ko habang nakahiga na si Sorcha.

" Hindi niya makontrol ang kapangyarihan niya,. Sinasabi ko namn sainyo na pangapat sa pinakadelikado ang kapangyarihan ni Sorcha sa lahat ng nilalang sa Fatum,."- sabi ni Guro habang bumabalik na sa kanyang mesa.

" Kailangan niyang makontrol iyon dahil maraming mapapahamak sakanya,"- paliwanag ni Guro. Nakatingin lamang ako kay Sorcha na mahimbing ang tulog sa kanyang upuan. Natahimik kameng lahat dahil alam nmen na si Sorcha ang hirap na hirap mag kontrol ng kanilang kapangyarihan.

"Guro maaari naba kameng umalis ?"- naiinis na tono ni Maurelle dahil sa buhok niya. Napangisi ako sa itsura niya.

"Sige na mga Diwata, sa susunod na lang,"- sabi ni Guro at agad na lumabas si Maurelle na nag mamadali. Tumayo na din ako at sumunod sa kanila pero di pa ko tuluyang nakakalayo at nag salita si Guro.

"Prinsesa Zakia wala ka pa din bang nararamdaman sa iyong sarili,?"- napatigil ako sa tanong niya at dahang dahan humarap. Umiling ako sa kanya at ngumiti. Nag Buntong hininga na lamang siya, Alam ko na gusto na niyang malabas ang kapangyarihan ko pero wala akong magagawa dahil di ko talaga alam ang nangyayari saken.

"Aalamin ko mahal na Prinsesa kung bakit, Huwag kang mag alala,. "- ngumiti ako sa kanya at tumalikod na.
kahit si Ama ay hindi alam kung bakit at anong meron saken bakit wala akong kapangyarihan ? Pareho namang Diwata ang aking ama at ina, may kapangyarihan din ang aking ama pero bakit ako ay wala? Sa unang pagkakataon nag karoon ito sa kaharian ng Fatum na may isang Diwata na wala pa ding kapangyarihan sa pag ka edad niya ng Labing Walong gulang. Napabuntong hininga na lamang ako at dinala ang paa ko sa tabing Ilog kung saan kame nag eensayo. Umupo ako don at hindi alintana ang lupa kahit madumihan ng aking saya. Pinikit ko ang aking mga mata at iniisip ang tinuturo ni Guro kanina. Ilang minuto ako nag pokus pero wala talaga nag mulat ako ng mata, at pag mulat ko ay muntik ko ng masugatan ang diwatang kaharap ko. Nakapangalumbaba siya at nakangiti siya saken na akala mo ay nakakatawa ang mukha ko.

In his worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon