Kabanata Lima

18 0 0
                                    


Hindi ako umuwe sa Fatum at sa Anglo ako natulog dahil sabi ni Rhos marami siyang gusto ipakita sakin sa kaharian nila at di naman ako nabigo sa ganda at hiwaga ng kanilang kaharian.

"Magkalapit lang naman ang Kaharian ng Anglo sa Wazzar."- turan ni Rhos

"Wazzar? Kina Alsia?"

"Oo, siya ang sunod mo makakasama.."

"Hanggang kailan kayo ganto saken?"- hinarang ko siya para makita ko ang kanyang mukha. Akala ko magugulat siya pero ngumiti lamang siyang humarap saken.

"Hanggang sumapit ang kaarawan mo.."

"Hindi naman dapat lahat kayo ay maabala ng dahil lamang sa may nagtangka sakin."

"Hindi natin masasabi ang kaligtasan mo Zakia lalo't nasa palasyo niyo ang nagtangka saiyo."

"Pero hindi na dapat kayong maabalang lahat! May mga ginagawa din kayo, ni mag sanay nga hindi niyo na magawa!"- reklamo ko sa kanya. Totoo naman kasi na naabala na silang lahat para lang masiguro ang kaligtasan ko.

"Nakatigil sa pagtuturo ang mga guro, walang nag sasanay o nag aaral ngayon."

"Bakit ng dahil sakin?" napatingin siya sakin at napabuntong hininga.

"Zakia, kahit ngayon lang ay pagbigyan mo ang nais ng Ama mo."- tipid siyang ngumiti at nag lakad na. Mukha namang wala akong pag pipilian.

Nakarating kami sa Wazzar at tinuro lamang ng mga kawal nila kung asan si Alsia, puro asul ang nasa kaharian nila at nakakamangha na may mangilan ngilang parte roon ay may mga maliit na patak ng tubig. Lahat naman yata ng kaharian ay magaganda at nag susumigaw ang mga kanya kanya nilang katangian pag dating sa kapangyarihan. Napatigil ako ng makita ko ng tumigil si Rhos sumilip ako at nakita ko si Alsia na nag lalaro ng kanyang kapangyarihan sa harap ng mga batang diwata.

"Alsia."- tawag ni Rhos sa kanya agad naman tumungo ang mga bata ng makita nila kami.

"Nandito na pala kayo!"

"Bakit naman hindi mo na lang ako sinundo sa Anglo at pinahatid mo pa ko kay Rhos! Di ka na nahiya no?"- singhal ko sa kanya at napatawa na lang siya

"Gusto ko lang mapagod si Rhos!"- tatawa tawang sabi niya.  Napailing na lamang si Rhos sa kanya.

"Aalis na ko, ikaw na bahala kay Zakia."- ngumiti siya at tumungo sakin tsaka umalis.

"Maligayang pag parito mahal na diwata!"- masayang sabi niya habang ang dalawang braso niya ay nakataas. Tipid akong ngumiti sa kanya.

Si Alsia ang Prinsesa ng tubig siya ay masiyahin na diwata at palaging kaaway si Sorcha. Ewan ko ba dahil siguro Apoy si Sorcha at siya at tubig. Minsan ay napaka pilya ni Alsia, hindi pala minsan kundi madalas. Asul ang kanyang buhok na aabot lamang sa may balikat niya, asul ang kanyang mga mata at kilay at masasabi kong kakaiba ang kanyang tenga na parang sa mga isda pero minsan naman lalot may mga okasyon ay normal na tenga ng diwata ang meron siya at may kakayanan siyang  mapasunod ang anumang klase ng tubig maalat man, matabang, malinis o madumi at kaya niyang mag anyong sirena lalot nasa ilalim siya ng tubig.

"Anong meron sa Wazzar?"- tanong ko habang nakatabi na ko sa kanya dahil may mga batang diwata padin sa harap niya.

"Tubig."- tipid niya na sagot. Oo nga naman tubig. Ano aasahan ko kay Alsia. Napakamot ulo na lang ako.

"Oo nga naman."- naisagot ko na lamang.

"Binibiro lamang kita! Bakit kasi parang kakaiba awra mo ngayon?- tanong niya. Kakaiba? eh wala ngang kakaiba saken.

"Wala namang kakaiba saken eh."

"Meron! Si Atara ba gumugulo sa isip mo?"-nangunot na lang ang noo.

"Oo pero bukod sa kanya meron pa."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In his worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon