Kabanata Tatlo

14 0 0
                                    

Nagising na lamang ako na nasa loob na ng aking silid. Dahan dahan akong tumayo pero napatigil din dahil sa dalawang diwata na nakaupo sa may  tapat ng aking higaan.

"Kayo ba nag dala sakin dito?"- tanong ko sa kanila. Napangiti sakin si Nixie at hinawakan niya ang aking kamay.

"Tinuro ni Helena na nasa batis ka pero sobrang lalim ng tulog mo kaya kami na ang nagdala dito sayo.."- tumango na lang ako sa kanya. " Sinabi ni Rhysand na may nangyari kagabi.."- napatingin si Sorcha at lumapit na samin.

"Pati ang pag sampal sayo ni Odette.."- seryosong sabi ni Sorcha. "Bakit ka pumayag sampalin non? Oo at kapatid siya ng Mahal na Hari pero hindi niya dapat ginawa sayo yun."-

"May nasabi ako na kinagalit niya."- sabi ko sa kanya ngunit nandoon pa rin ng tingin niya na napakaseryoso. Alam ko naman na nag aalala sila pero kaya ko naman ang sarili ko. "Ayos lang ako."-

"Alam namin na ayos ka, pero hindi ka dapat pumayag na saktan niya.."- tipid na ngumiti si Nixie sakin.

"Alam niya na wala kang kapangyarihan Zakia, baka mamaya ay kung anong gawin niya.."- sabi ni Sorch. Inilihis ko ang mga mata ko sa kanya at binaling ang tingin kay Nixie.

"Anong pinagusapan sa pulong?"-

"Tungkol sa nakalabas na balita na wala kang mahika.."- sagot ni Nixie. Kasalanan ni Odette to! Bakit ba niya kasi alam eh usapang pang Fatum lamang iyon!

"At sinabi ng Mahal na Hari na kailangan ay palagi kang may bantay dahil nakarating sa kanya na may nag tangka sayo kagabi.."- dagdag ni Sorcha.

"Kaya ba kayo nandito?" - sabay na tango nilang dalawa. "Hindi na kailangan Sorcha at Nixie.. Ginagawa niyo kong mahinang diwata!"-

"Kung kahinaan ang nakikita mo doon wala na kaming pakialam basta alam namin na ligtas ka!"- napatingin ako kay Ama na nasa pintuan pala ng aking silid. Tumayo si Sorcha at Nixie at tumungo bilang pag galang kay Ama.

"Pero Ama.."- agad niya kong pinatigil sa pag sasalita.

"Nalalapit na ang kaarawan mo at ayokong may kahit na sinong lalapit at mag tatangka sayo. Hayaan mong gawin ko yun bilang Ama mo.."- Kahit ayoko ay wala naman akong ibang pag pipilian kaya naman tumango na lang ako sa kanya. Hindi na nila daw kasi mapipigilan ang pagkalat ng balita na ang magiging Reyna ng Fatum ay wala na kahit na anong mahika.

Nasa kaharian ako ng Pyr, Kaharian ito ni Sorcha. Niyaya niya ako dahil siya ang nakatalaga na makakasama ko sa buong araw at gabi. Ang kaharian na nila ay hindi gaya ng inaasahan ng iba na puro na lang apoy, may makikita kang apoy pero hindi naman ganon karami. Lahat ng kawal nila, tiga silbi at ibang mga Diwata doon ay mga nakakulay pula at itim.

May mga diwata na nakalabas nag pakpak nila at yung iba naman ay wala. Si Sorcha ay nakalabas ng kanyang pakpak hindi katulad ng iba, ang pakpak niya ay kakaiba. Siguro dahil siya ang prinsesa at namana iyon sa kanyang Ina at Ama.

"Inaakala ko puro apoy ang kaharian niyo.."- tanong ko sa kanya habang nag lalakad kami.

"Gusto mo ba?"- tanong niya

"Sana.."- mahina na sagot ko at nagulat ako ng bumuka ang pakpak niya at humarap sakin at may lumabas na apoy sa kamay niya. Napangiti ako sa kanya dahil sobrang ganda niya lalo sa tuwing nag aanyo siyang ganyan. Pula ang buhok ni Sorcha at hindi na yun nawawala, pwede siyang may pakpak at pwede ding wala. Pag may pakpak siya meron siyang mala dwende na tenga pero nagiging normal yun pag wala siyang pakpak. Masunget ang kanyang mukha kaya akala ng lahat ay gusto palagi ng away ni Sorcha pero masasabi kong mas maganda siya lalo pag may apoy sa kanyang mga palad.

In his worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon