Kabanata Apat

17 0 0
                                    

Kinabukasan ay sabay kaming lumabas ni Sorcha sa aking silid dahil nga sa mga pag papatupad na kailangan akong bantayan pa. Naririnig na namin ang mga tawanan nina Odette kasama si Ama habang nag aagahan sila.

"Ang saya saya nila.."- mahina na sabi ni Sorcha kaya napangiti na lang ako habang papalapit kami sa hapag kainan. Tumungo muna kami sa Hari at tsaka umupo na, napatingin pa sakin si Odette habang nainom ng alak. Kay aga aga, alak ang kanyang iniinom.

"Siya ang diwata ng apoy diba?"- tanong niya. Napatingin ako kay Sorcha na seryoso ding tumingin sa kanya.

"Oo Kapatid.."- si Ama ng sumagot sa kanya.

"Bakit siya nandito?"- takang tanong niya.

"Siya ang na- - - "-

"Paumanhin Mahal na Hari.."- nakangiti si Sorcha kay Ama dahil sa pag putol sa pagsasalita nito. "Inimbitahan ako ni Prinsesa Zakia na mag agahan dito.."- nakangiti nitong sagot kay Odette na ngumisi lamang sa kanya. Binaling ko ang tingin kay Ama na nakangiti lamang kay Sorcha, Akala ko magagalit siya dahil sa pagputol nito pero hindi. Bakit nga ba kasi pinutol ni Sorcha si Ama?

Natapos ang lahat at pinigilan ako ni Sorcha na tumayo.

"Bakit?"- takang tanong ko sa kanila

"Sundan natin si Atara.."- sabi niya at agad akong nag lakad ng mag simula siyang mag lakad. Kahit nag tataka ako ay sumunod na lamang ako. Iba ang pinuntahan ni Atara kumpara sa Ina at Ama niya dahil sumama ang mga ito kay Ama. Napatigil ako ng nakarinig na lamang ako ng pag daing mula kay Atara. Hinawakan pala ni Sorcha ang balikat niya at dumudugo na iyon habang hawak niya.

"Nagmamadali ka kasi may itatanong lamang ko!"- sambit ni Sorcha

"Pwede mo kong tawagin Diwata!"- singhal niya kay Sorcha at tumalikod na. Napangiti na lamang si Sorcha habang ako'y nagugulat sa mga nangyari! Ibig sabihin ay si Atara ang pumasok sa aking silid! Bakit?! Nakasalubong niya si Rhos na takang nakatingin din samen.

"Sabi sayo si Atara eh!"- kinindatan ako ni Sorcha

"Anong meron sa kanya?"- takang tanong ni Rhos.

"Siya ang nagtangka kay Zakia..Kaya ingatan mo siya."- sabi ni Sorcha dahil si Rhos na ang makakasama ko. Halata sa kanya ang gulat, maging akoy nagugulat sa mga nangyayari..

"Kailangan mas bantayan ka namin dahil baka may kung ano ang gawin nila sayo!"- nag aalalang sabi ni Rhos

"Ako na bahala magsabi sa iba, sa ngayon mas bantayan mo siya!"- sambit ni Sorcha at aalis na sana pero may itatanong pa ko kaya pinigilan ko siya.

"Saglit Sorcha.. bakit mo pinutol si Ama kanina?"-
napangisi na lamang siya saken at lumapit.

"Hindi nila dapat malaman na binabantayan ka namin lalo't isang malaking tanong satin kung bakit ginawa ni Atara yun.."- seryosong sabi niya

"Wala naman ibang dahilan kundi trono.."- napatingin ako kay Rhos.

"Pareho tayo ng naiisip.."- sagot ni Sorcha sa kanya. "Aalis na ko at kakausapin ko ang Mahal na Hari at ang ibang diwata!"- tumalikod na siya at iniwan kami ni Rhos. Napabuntong hininga na lamang ako. Trono? Iyon na lang palagi ang dahilan bakit nag kakagulo. Mga Diwatang nais maging Hari at Reyna, mga diwatang may mga kapangyarihan na ay nais pa din maging mas makapangyarihan.

"Okay ka lamang ba Prinsesa?"- nakangiting tanong sakin ni Rhos.

"Oo naman.. Saan tayo?"-

"Saan mo ba gusto?"- napaisip ako kung saan ko gusto pumunta at naisip ko na sa kaharian na lang nila.

In his worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon