Kabanata Dalawa

11 0 0
                                    

Nakatingin lamang ako sa salamin habang inaayos ni Helena ang aking buhok. Nakangiti siya habang inaayos ang aking buhok kumunot ang noo ko dahil bakit parang masyado siyang masaya.

"Helena ayos ka lang ba?"- kunot noo kong tanong.

"Wala mahal na prinsesa natutuwa lamang ako kasi makikita na naten ang kapatid ng Mahal na Hari,"- nakangiti niyang sabi habang pinupusod niya ang buhok ko. Bata pa lang ako ay siya na ang diwatang nag sisilbi saken.

"Kahit ako ay nagagalak na makita siya,"- nakangiti kong sabi.

"Mahal na Prinsesa napakaganda mo kahit anong isuot mo at iayos sa mga buhok mo,"- kita ko ang paghanga saken ni Helena habang sinasabi niya ito.

"Maganda ka din naman!"- Tumayo ako at pinaupo siya. "Mag ayos ka din at humanap ng masusuot dyan! Aalis na muna ko! Magkita tayo mamaya.."- Tsaka ko siya tinalikuran at kitang kita ang pagtataka sa kanyang mukha. Bakit siya mag tataka eh lage naman akong ganon sakanya. Lumabas nako sa aking silid at agad na pumunta sa silid ni Ama. Kumatok ako doon at agad akong pinagbuksan ng kawal at nakita ko ang dalawang diwata na may dalang pagkaen, marahil ay nagutom si Ama. Agad akong lumapit sa nakatalikod na hari habang tinatanaw ang labas.

"Ama,"- nakatungo kong sabi.Agad naman siyang lumingon sa akin at ngumiti. Napakamatipuno padin talaga ng aking Ama.

"Zakia anak,may kailangan kaba?"-

"Ama, may gumugulo kasi sa isip ko"- seryoso kong sabi at agad din naman na naging seryoso ang mukha ng aking Ama.

"Ano iyon?"-

"Ama kanina may matandang diwata na sumugod samen yung muntik na kameng mapatay.. Ama nag iwan yata siya ng sumpa o ano man ang tawag don,"- Kumunot ang noo ni Ama at hinawakan ang aking mga kamay.

"Nagbitaw siya ng salita ama na itatapon ako sa lugar kung saan nararapatan ako,!"-
nakita ko ang gulat at pag aalala ni Ama sa aking tinuran ngunit ako man ay nag aalala pano kung totoo san naman kaya ako ipapatapon.

"Anak hindi ko hahayaan na mangyari sayo yun,. Andito ako..walang mangyayaring masama! Walang ipapatapon, hindi ikaw at walang sinuman.."- hinalikan ako ni Ama sa ulo at ramdam ko ang pag aalala sa boses niya. Alam ko namang di ako papabayaan ni Ama sa lahat ng bagay pero di ko lang maiwasan wag mag alala.

"Iisipin mo lage na hindi ko magagawa na pabayaan ka anak, iyan ang pinangako ko sa iyong Ina bago siya mawala ang alagaan ka, ingatan ka, mahalin ka at protektahan ka. Huwag kang mag isip dahil ako ang poprotekta sayo,."- napangiti ako sa sinabi ni Ama habang yakap ko siya. Alam ko yun, alam na alam kong di ako papabayaan niya Ama.. Nag iisa na lamang siya at hindi niya pinaramdam saken na may kakulangan ako o anuman. Mahal ako ni Ama at hindi niya ko papabayaan.

"Alam ko Ama. Alam ko po iyon! Nag alala lamang ako at napaisip.. Patawad Ama.-" humiwalay na ko sa yakap niya at ngumiti ako sa kanya. Ngumiti siya akin at binigyan ako ng ngiting sinsabing wag ako mag alala.

"Wag mo ng isipin pa. Ang ganda ganda ng Prinsesa ko ngayon, halikat ako muna ang sasayaw sayo. Panigurado ay pag kakaguluhan ka na naman ng mga Prinsipe kaya ako muna,"- napatawa ako sa sinabi ni Ama at agad kong inabot ang aking mga kamay agad kameng gumalaw na parang mag musika. Nakangiti lamang ako sa kanya at maging siyay nakangiti lamang. Parating ganto si Ama sa tuwing may okasyon dapat lage siya ang unang sayaw dahil daw marami na siyang kaagaw na ibat ibang Prinsipe.

"Ikaw naman Ama lage ang una! At pag hindi katulad ng prinsipe ang aking Ama? Ayoko nalang magkaroon ng kapareha,,"- natatawa kong sabi at pinitik ni Ama ang aking noo na parati niyang ginagawa.

"Nag iisa lang ako kaya imposibleng makahanap ka ng tulad ko,!"- natatawang sabi ni Ama na kinangisi ko sa kanyang turan.

"Edi hindi na lang ako iibig,"- sabi ko sa kanya na kinasingkit ng kanyang mata. Hindi ako nagbibiro pag hindi katulad ni Ama ay huwag na lamang.

In his worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon