Chapter 14: Intramurals

2.1K 101 17
                                    

Bianca's POV

"M-Myti?"

Ako na lumayo sakanya. Nahimasmasan ako nang sinabi niya sakin yon. Sheteng Miguel yan, pinaasa ako akala ko hahalikan niya ako. Darn ano ba naman Banky, ang perv mo!

"Oo Myti. Greek word yun ng ilong. Tutal naman pareho tayo ng ilong. Napansin ko yun kapag tinititigan kita ng patago"

"Ah ganun ba?"

Nagmadali agad akong tumalikod sakanya dahil baka mapansin niya na namang namumula ang pisngi ko at asarin niya na naman ako.

"So ano, okay lang ba sayo, Myti?"

Hinawakan niya ako sa balikat kaya humarap ako at labas lahat ng ngipin ang pinakita ko sakanya.

"Oo naman, Myti! Ang cute nga eh. Ang unique masyado, talagang nagpatulong ka pa kay Mr. Google ah"

Pagbibiro ko sakanya mabuti na lang ay hindi niya napapansin ang pamumula ng pisngi ko. Thank you Universe sa wakas sumang ayon ka na sakin

"Naman! Sabi ko sayo gusto ko yung unique eh. Yung tayong dalawa lang ang may endearment na ganun"

Mabilis natapos ang tatlong araw. Sunod sunod na araw na hindi kami nagkita o nag usap ni Miguel. Simula na kasi ang Intramurals, kaya habang busy siya ay inaasikaso ko na din yung pinapagawa samin ni Mr. R. Kasama ko dapat si Sabrina na asikasuhin tong mga paper works na pinapagawa kaso ang ending ako lang din ang gumawa. Nasa bakasyon kasi siya at hindi niya ako matutulungan, kaya ang irregular na pasok ay parang naging regular class. Tinalo pa yata dahil sunod-sunod ang puyat ko.

"Ano ba yan Bff, simula pa nung first day ng Intrams ang haggard mo. Wag mong sabihin na busy ka parin?"

Sermon agad ang sinalubong sakin ni Eunice pagkakita namin sa isa't isa. Hindi regular ang klase pero madaming estudyante ang pakalat kalat ngayon dahil na rin sa mga iba't ibang booth

"Tinapos ko kasi itong pinapagawa ni Mr. R. kaya heto malusog na naman ang eyebags ko"

"Tsk, ano ka ba naman. Sana nagpatulong ka sakin. Kailangan na tayo sa booth natin. Samahan na kita kay Mr. R. para dalhin yan"

"Salamat Bff!"

Kinuha niya ang ilan na hawak ko at nagsimula na kaming maglakad. Hindi pa naman tanghali ngayon pero ramdam ko ang init, ayan tuloy medyo nahihilo ako.

"Si Sabrina dapat katulong mo dito eh, yung babaita na yun sinadya niya talagang mag bakasyon para sayo mapunta lahat to eh"

"Bff, okay na. Natapos ko na nga di'ba? Tsaka isa pa, okay na kami ni Sabrina, magkaibigan na kami"

"Sus magkaibigan daw. Hindi parin ako naniniwalang mabait sayo yan no! Napilitan lang yun kasi dahil kay Miguel. Di mo ba napapansin na gusto niya yung Fiancè mo huh"

"Bff tama na, wala ako sa mood makipag sagutan sayo kaya kung pwede. Pakidala naman to sa loob ng faculty room. Maghihilamos lang ako saglit init na init na talaga ako eh"

Binigay ko na sakanya lahat nung dala ko at mabuti ay pumayag siya. Si Bff pa, maaasahan ko naman talaga siya.

Dumeretcho na ko sa Comfort room at saglit na naghilamos. Tinali ko na din ang buhok ko dahil dederetcho na ako sa booth na naka assign samin. Face paint ang natapat sakin. Pero actually ako ang pumili nito. Mahilig kasi akong magpaint, at kahit papano naman ay marunong akong magpinta.

She's My Ex Fiancé Book1 'BiGuel' (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon