Chapter 15 Goodnight kiss

2K 100 11
                                    

Bianca's POV

Sobrang init ng pakiramdam ko na ultimo nahihirapan akong umupo sa kama. Pakiramdam ko ang tagal ko nakahiga. Shiz, hindi parin nawawala yung pagkahilo ko. Ano ba naman ito?

"Uy Ma'am Bianca, gising na po pala kayo"

Lumapit sa'kin si Manang at chineck yung noo ko. Agad niyang inalis dahil halata naman na mainit parin ako.

Kinuha ko yung phone ko at Friday na pala ngayon. Ang huli ko lang natatandaan ay nanalo sina Miguel sa Finals kahapon. Pero hindi ko alam paano ako nakauwi. Ah baka hinatid niya ako dito.

Tinignan ko ang sarili ko at nakapangtulog ako na damit. Hala pano?

"Manang, kayo po nagpalit sakin ng damit?"

"Opo Ma'am ako nga po"

Sagot niya sakin habang may inaasikaso sa walk-in closet ko. Pinilit kong makaupo at inalis yung bimpo sa noo ko. Bigla ko naisip na Awarding pala ngayon sa School. Sayang at hindi ko makikita si Miguel na sinusuotan ng Medal. Sure na kong papangaralan siya bilang MVP. Halata naman sa laro niya kahapon eh.

"So ibig sabihin Manang kayo po nag nag alaga sakin? Salamat po Manang"

"Ay hindi po ako Ma'am!"

Tapos na niyang ilagay yung mga damit ko sa walk-in closet.

Kung hindi si Manang, eh sino?

"Si Sir Miguel po"

Nagulat ako dahil sa nalaman ko. So ibig sabihin nito...

"Oh Myti, gising kana pala. Sakto nagluto ako ng Sopas"

Pagkatapos pumasok ni Miguel ay si Manang naman ang umalis sa kwarto ko. Gulat na gulat parin ako habang nakatingin kay Miguel.

"A-anong ginagawa mo dito?"

Nilapag niya yung mini table sa harapan ko atsaka siya tumabi sakin.

"Inaalagaan ka. Bakit gulat na gulat ka dyan Myti?"

Saglit siyang napangiti habang hinihipan niya yung Sopas. Ramdam kong mainit pa to dahil sa usok na nanggagaling sa Sopas. Ang galing, marunong pala siyang magluto. Major turn on!

"Awarding sa School ngayon di'ba? Eh bakit nandito ka pa, baka malate ka do'n Myti"

"Hayaan mo na yun, sapat na sakin na kami ilalaban sa Championship. Kay Coach ko na lang kukunin yung medal ko"

Naisip ko tuloy yung mga nanonood kahapon na todo suporta sakanya. For sure nadismaya sila dahil hindi nakapunta si Miguel ngayon. Ang kulit naman, sino bang nagsabi na alagaan niya ako dito? I mean oo na sige nakakakilig pero sayang yung award niya eh.

"Hindi ka ba nagsisisi na wala ka don ngayon? Sayang din yun, for sure pag nandon ka ang daming magch-cheer sayo"

"Mas magsisisi ako kapag hindi kita inalagaan Myti"

Tinigil niya muna yung pag-ihip sa pagkain at tumingin siya sakin ng deretcho. Hinawi niya yung ilang strip ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko. Nakaramdam ako ng kuryente bigla dahil sa ginawa niya. Epekto ba 'to ng sakit ko?

She's My Ex Fiancé Book1 'BiGuel' (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon