Chapter 18: Trouble

1.8K 82 4
                                    

Bianca's POV

Dumaan ang ilang araw. Natapos ang Christmas eve na kasama ang buong pamilya ko. Nag iisang anak si Mama kaya naman sa side ni Papa ang mga nakasama namin. Apat na magkakapatid sina Papa, siya ang nag iisang lalake at siya ang bunso. Ngunit hindi naman nagkakalayo ang mga edad nila. Pagkatapos ng salo salo sa bahay kinabukasan ay agad na umalis si Tita Micah dahil hindi maiwan ang trabaho, pangalawa sa bunso. Ganun din naman si Tita Jenny, siya naman ang sumunod sa panganay. Pareho sila ni Papa na napaka workaholic at ayaw man lang mag break. Si Tita Becca naman ang nagtagal dito ng mga apat na araw, panganay siya. Ngunit house wife lang siya at asawa niya ang nagpapatakbo ng negosyo nila.

At dahil nandito si Tita Becca, ganun na lang mainis si kuya Bryan dahil pakiramdam niya ay hindi siya makakapag loko. Kaya nang malaman niyang naunang umuwi si Tita Becca sakanya ay agad siyang natuwa.

"Sa wakas, nakamit ko na ang freedom! Napaka higpit ba naman kasi ni Mama"

Para tuloy isang bata si Kuya Bryan na tuwang tuwa dahil pinalabas na siya ng bahay matapos makulong sa bahay. Ganun ang nakikita ko sakanya ngayon. Kahit ang totoo ay siya pinaka matanda samin. May pagka maloko din pero matured na kahit papano, lalo na kapag seryoso na talaga ang pinapag usapan.

Walang pumansin sakanya dahil sanay naman kami kay Tita Becca, talaga naman kasing mahigpit iyon.

"Banky, samahan mo kami. Bar tayo!"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Kuya Mico. Magkasing edad lang sina ni Kuya Jarold. Pero siya talaga ang pinaka maloko. Lumanding tuloy ang kamay ni Kuya Jarold sakanya.

"Hmp, aray! Ang sakit ah, anong ginagawa ko sayo Jaja?!"

Inis na tanong ni kuya Mico kay Kuya Jarold. Si Kuya Jarold naman ang nangunguna kapag Chics ang pinapag usapan. NGSB siya pero hindi mo na mabilang kung ilan na ang nakafling niya.

"Bobo ka ba o sadyang bobo ka talaga? Minor pa yan si Banky. Baka gusto mong malagutan tayo ni Tito Milliard pag sinama natin si Banky!"

"Ay oo nga Jaja no?"

Babatukan ulit sana siya ni Kuya Jarold pero pinigilan na niya ang sarili.

"What the-- tigil tigilan mo ko sa kaka Jaja mo ah. Jarold ang pangalan ko, Mic-mic. Baka ibenta kita sa mga bata paborito ka pa naman nila"

Nanggigil si Kuya Mico sakanya, para na itong bata na nagkikiskisan ang ngipin dahil sa inis.

"Puro ka Mic-mic favorite mo siguro yun no?"

"Lul, kailan kita naging favorite? Si Banky favorite ko!"

"Asa kang favorite din kita? Hoy wag kang ano, favorite ko din si Banky no"

"Asa, mas nauna ako sayo"

"POTEK ANG INGAY NIYO NA NAMAN!"

Ako na ang naunang tumawa dahil ayan na naman ang seryosong awra ni Kuya Bryan. Bago pa sila magsalita ay tumingin muna sa isa't isa sina Kuya Mico at Kuya Jarold bago tinawanan si Kuya Bryan. Ganyan nila binibwisit si Kuya Bryan.

"Ano ba naman tong mga pinsan mo Banky, wala naman sa pamilya natin ang loko-loko. Mga ampon ba tong mga 'to?"

"Wow Kuya Bryan, coming from you?"

Nagpipigil ako ng tawa dahil pati sakin ay masama na din ang tingin niya.

"Kung makapag salita kala mo hindi nangunguna sa kalokohan eh. Don't us Bry!"

"Kadiri ka naman Mico, ano kamo Don't us? Bading ka no?"

"Aba naman, sinisimulan mo ulit ako?"

Pumagitna na naman si kuya Bryan sakanila pero this time ay hindi na siya seryoso. Makikita mo na ang malokong ngiti niya.

"Imbis na nagbabangayan kayo diyan. Bakit hindi na lang sa ibang paraan maglaban?"

Tumango silang tatlo na parang sira. Parang iisang utak ang gamit nila at bumabalandra ang mga ngiting pumapatay sa mga babae. Hindi ko naman maitatangging gwapo itong mga pinsan ko kaso malalakas nga lang talaga ang trip.

"Alam niyo na tinutukoy ko?"

Tanong ulit ni Kuya Bryan at sabay silang sumigaw ng..

"TEKKEN!!!"

Nagpaunahan silang pumunta sa Entertainment room, dalawa lang kasi ang controller. Malas ang mahuhuli, dahil ang mangyayare ay magiging waiter siya. Kumbaga ay maghihintay siya kung sino ang matatalo.

Kahit hindi pa ako sumusunod sakanila ay alam ko na kung sino ang waiter ngayon..

"What the-- andaya! daya niyo talaga!"

Rinig ang pagkainis na boses ni Kuya Jarold. Matic na siya yung nahuli. Kaya yung dalawa ay rinig ko ang malakas na halakhak.

"Banky, sunod ka dito!"

Sigaw ni Kuya Bryan sa'kin.

"Susunod ako, kuha lang ako ng snacks"

Pupunta na sana ako ng kitchen kung hindi lang ako tinawag ng isang kasambahay namin.

"Ma'am Bianca, si Sir Miguel po nandito"

Napangiti ako ng makita ko siya na nasa likod ng kasambahay namin. Agad naman umalis ang kasambahay at iniwan kami. Halos isang linggo na din kaming nagkikita. Syempre nag kanya kanya kaming celebrate ng pasko. Siya kasi, nag celebrate sila sa Baguio. Nando'n daw kasi si Tito dahil sa isang business agenda, kaya naman naisipan na nilang dun na din salubungin ang pasko.

Ni hindi kami nakakapag tawag o text man lang. Kahit naman gusto ko ay ayokong makaistorbo sakanila. Inaamin ko, masyado na kong naguguluhan. Masaya ako kapag nakakasama siya, pakiramdam ko hindi buo ang araw ko kapag di ko siya nakakasama o nakakausap man lang. Napatunayan ko iyon ng hindi siya nagparamdam sakin ngayong christmas break namin.

Ewan ko, natatakot ako. Natatakot akong umamin kasi baka hindi naman totoo ito. Baka nadadala lang ako sa kilig at asar nila Eunice sa'ming dalawa. At isa pa, may pagkakasunduan kami. At hindi ko pwede sirain 'yon.

Kung may gusto din naman siya sa'kin, bakit niya naisipan yung pagkakasundo na yun di'ba? Ibig sabihin lang nun, as a friend lang ang kaya niyang ibigay sa'kin. At kaya niya naisipan yun dahil tinutulungan niya ako bilang kaibigan.

Tama yan Bianca. 'Wag kang umasa.

"Huli na ba ako para batiin ka ng merry christmas?"

Tanong niya sa'kin habang tingin do'n sa dala dala niyang flowers na sigurado ako ay para sa'kin.

"Hm.. hindi naman"

Binigay niya sa'kin ang bulaklak saka niya ako niyakap. Napako ako sa yakap niyang sobrang higpit at matagal. Pero kung tutuusin, gusto ko rin ito. Isang linggo ko lang naman siyang hindi nakita pero parang pakiramdam ko ay isang taon na.

"Pa-pasensya na, namiss lang kita"

Sabi niya pagkatapos niyang humiwalay sa pagyakap sa'kin.

Gusto ko rin sabihin na namiss ko siya pero 'wag na. Baka kung ano pa ang isipin niya.

"At pasensya na din kung hindi ako nakakapag message sayo. Pinatulong na din kasi ako ni Papa para sa agenda niya. Kaya naman naging busy din ang christmas break ko. Ikaw, kumusta naman ang christmas niyo?"

"Ito, umuwi dito ang mga pinsan at titos at titas ko. Sabay kaming nagcelebrate ng pasko dito sa bahay"

"Hm, mabuti naman. Pwede ka bang mayaya ngayon?"

"Huh? Saan naman?"

"Sabi mo kukuha ka lang ng snacks natin"

Pareho kaming napatingin ni Miguel kung sa'n nanggaling ang boses ni Kuya Bryan. Masama ang tingin ng tatlo samin ni Miguel na para bang may balak silang gawing masama kay Miguel.

"Sa pagkakaalam ko, Family bonding ang Christmas break"

Ani ni Kuya Jacob.

"Kaya hindi mo pwedeng yayain si Banky"

Sabi naman ni Mico.

Hindi pa pala nila nakikilala ng lubos si Miguel.

Oh no, this is trouble.

*****

🎉 Tapos mo nang basahin ang She's My Ex Fiancé Book1 'BiGuel' (Editing) 🎉
She's My Ex Fiancé Book1 'BiGuel' (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon