Chapter 16: Selos

1.8K 82 8
                                    

Bianca's POV

Ilang linggo na din ang nakakalipas simula nung nagkasakit ako. Mabuti na lang non ng kinabukasan ay bumuti na ang pakiramdam ko. Hindi ko din alam ang nangyare nung gabing yun kasi pagkagising ko tanghali na at wala na si Miguel sa tabi ko. Ang nakakagulat pa, nasa kwarto na ako pagkagising ko. Tinanong ko naman sina Mama kung nasa'n si Miguel. Sabi naman nila ay maaga umalis dahil may pupuntahan pa siya. Ang weird nga eh, hindi ba nila naabutan na tumabi akong matulog kay Miguel sa guest room?

Malapit nang mag Christmas. Pero hindi pa yun ang iniisip namin dahil may darating pa na exam. Sa totoo lang next week na gaganapin yung second quarter exam. Kampantante naman ako na makakapasa ako pero syempre gusto ko parin umabot sa with Honor. Lalo na't next year na gaganapin ang Moving up.

Hindi naman talaga ako yung tipong hakot sa grades. Kung ano ang makuha ko edi ayun na. Pero sayang naman kasi kung hindi ko pa gagalingan eh last year ko na to sa Junior High. Ang goal ko lang talaga ay makaabot sa with Honor. Sapat na ako do'n.

"Bff!!!"

Rinig ang boses ni Eunice sa hallway kaya naman pinagtinginan siya ng ilang estudyante. Nakakaistorbo pa naman ang sigaw niya, free day ngayon at sa totoo lang puro review ang ginagawa namin dahil next week na ang exam.

"Bff, yung boses mo naman"

Paalala ko agad sakanya ng makalapit siya sakin. Kakatapos lang ng breaktime. At ngayon lang siya pumasok. May pinuntahan daw sila ng Tita niya eh. Soon to be Mom niya.

"Ay sorry! Hehe, akala ko kasi malelate pa ako"

Sabay na kaming pumasok at hinahilap niya na agad ang upuan ni Miggy. Sabi na si Miggy ang unang hahanapin niya eh.

"Si Miggy? Absent din?"

"Oo. Umabsent ka kasi kaya umabsent din siya"

"For real?!"

Natawa naman ako dahil halong gulat at lungkot ang emosyon niya ngayon.

"Sayang. Hindi ko pala makikita kagwapuhan niya ngayon"

"Joke lang! May urgent meeting sila ng B team. Kaya pareho silang wala ni Miguel"

"Ah kaya pala. Tinakot mo naman ako Bff"

Napaupo na siya sa upuan niya katulad ko.

"Kamusta pala lakad niyo nina Tita?"

"Hmm ayus lang naman. Hinatid niya nga ako dito sa school para hindi na ko ma-late sa next sub. Sino kasabay mo mag breaktime?"

Kailangan pa ba na may makasabay ako? Sus kaya ko naman mag isa.

"Wala. Nasa meeting yung dalawa eh"

"Ay ganun? Ang lonely naman Bff. Yaan mo, nag take out ako ng kakainin natin mamaya. Ito oh!"

Tapos pinakita niya yung paper bag na dala niya. Hindi ko naman napansin yun dahil.. wala lang hindi ko lang napansin hahaha!

"Uy Nice!"

Pareho kaming napatingin sa dalawang papasok ng room. Hindi ko rin ipagkakailala na tumingin sakanila ang lahat ng estudyante.

She's My Ex Fiancé Book1 'BiGuel' (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon