𝕂𝕦𝕝𝕒𝕪

1 0 0
                                    

𝓖𝓸𝓿𝓮𝓻𝓷𝓶𝓮𝓷𝓽 𝔀𝓲𝓽𝓱𝓸𝓾𝓽 𝓳𝓾𝓼𝓽𝓲𝓬𝓮 𝓲𝓼 𝓷𝓸𝓽 𝓪 𝓰𝓸𝓿𝓮𝓻𝓷𝓶𝓮𝓷𝓽 𝓯𝓸𝓻 𝓽𝓱𝓮 𝓹𝓮𝓸𝓹𝓵𝓮. Ani ng guro naming abogado sa asignaturang batas.

Dito ko napagtanto na maraming mamamayan ang naghahangad ng pagtratong patas.

Totoong kamay na bakal at parusang may pangil ang kailangan. Ngunit wala itong saysay kung mahihirap lamang ang magdurusa't makapangyarihan ay hahayaan.

Anomang kaso ang isampa, anomang batas ang malabag ay maulag pa ring nakapamumuhay sa labas ng selda habang mga mahihirap na nagnakaw ng mumunting delata dulot ng kahirapan, pinilit na't siniguro na mabulok sa piitan.

Ilang inosente at walang laban na ang kinitilan ng buhay ng mayayaman? Walang bilang. Sapagkat walang nagbibilang. Lahat ay piniringan ng taglay nilang kapangyarihan.

Pula't dilaw? Hindi sa kulay maipahihiwatig ang kapayapaan at kaunlaran kundi nasa administrasyon.

Kapwa ko kabataan, may ilang araw pa para magparehistro. Gamitin ang paniniwala sa pamamagitan ng pagboto.

Piliin ang presidente na may malasakit at hindi pawang pakitang-tao na nakaharap lamang kapag may litrato ngunit patuloy ang pang aabuso. Piliin ang totoo. Na anoman ang lumalabas sa labi ay sa kanyang gawi makikita ang malasakit sa ating lahi.

Maiikling KwentoWhere stories live. Discover now