NARS

28 3 0
                                    

Katulong ng doktor kung tawagin,
Kaya'y pasyente hindi magawang mabilib.
Pagbibigay alaga ay kailangan pang kuwestiyunin,
Napakasakit isiping napakaliit ng tingin.

Sa pag-aaral pa lamang ay kay dami ng sinuong,
Buong puso ang sinugal para lamang makatapos.
Ang pagbagsak ni isang asignatura'y hindi maaari,
Sapagkat ang hinahangad na pangarap ay baka 'di masungkit.

Tuwing bayaran na sa darating na eskwela,
Tila bagyo ang numerong nakalagay sa matrikula.
Kailangang kumayod nang mabayaran ang lahat,
Isama pa ang uniporme at baon na sana'y sumapat.

Marahil ang propesyong ito ay talagang sigurado,
Ngunit ang sweldo ay lugi pa't di makapagsustento.
Madalas mapaisip sa landas na piniling tahakin,
Kung ang benepisyo ay parang dahong nilipad na rin.

Isang hangarin na sana'y mapagbigyan,
Respeto at pagkilala ay marapat na ibigay.
Dugo at pawis ay handang isakripisyo nang bukal sa kalooban,
Mabigay lang ang pag-aalaga sa mga nangangailangan.

POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon