Kaharap ko ang laptop ng pinsan ko. Itinipa ko ang link ng website kung saan ko makikita ang resulta ng Electronics Engineering Board Exam. Matagal kong hinintay ang resulta na ito pero ayokong tingnan. Natatakot ako dahil baka wala ang pangalan ko sa listahan ng mga pumasa.
Habang nagloloading ang website nakatakip ang isang kamay ko sa aking mata. Ang isang kamay naman ay sa aking bibig. O diba parang tanga?
Nilapitan ako ni Ate Miemie yung pinsan ko na hiniraman ko ng laptop. Lumapit siya sa akin bitbit ang isang tasa ng baso na puno ng tinimplang kape.
"Oh anong nangyayari sa'yo?" Tanong niya sa akin.
Dahil siguro sa itsura ko ngayon. Hindi niya rin ako masisisi dahil kabado ako at gusto kong matae.
"Kinakabahan ako baka kasi wala yung pangalan ko e!" Naiiyak na sagot ko sa kaniya. Binatukan niya ako agad.
Puk*ngina ang sakit nun ah!
"Gaga ka ba?!" Singhal niya sa akin.
"Syempre hindi!"
"Papasa ka niyan! Ang tali-talino mo nga!" Ang aga aga sigawan agad almusal ko aba. "Magtiwala ka sa sarili mo papasa ka."
Iniwan niya din ako agad at nagtungo na sa kusina para mag agahan.
Ano ba naman 'tong internet na 'to napakabagal! Kanina pa pa ako nag-aantay wala pa din nangyayari. Nabibitin yung kaba ko!
Napaayos ako ng upo ng unti-unting lumabas ang listahan ng mga pangalan. Sana talaga nandito ang pangalan ko. Grabe ang daming nakapasa. Jusko, panagarap ko nakasalalay dito.
"Ano ba yan ang bagal naman! Bilisan mo nga sa pag scroll diyan!"
Napalingon ako sa sumigaw. Ang prinsesa pala ng condo gising na ang kapatid ni Ate Miemie. Si Ate Zia napaaga ata ng gising 'to ngayon. Madalas kasi na tanghali na siya nagigising.
"Natatae na ako kanina pa kung alam mo lang." Ang bagal din ng kamay ko magscroll. Nasa letter B pa lang ako.
"Ako na lang ang tagal mo." Sumiksik siya sa inuupuan kong pang isahan na sofa.
Naging malabo ang listahan dahil sa bilis ng pagpindot niya pababa. Nakarating agad siya sa letter D. Dahan dahan niya itong iniscroll pababa at hinanap ang pangalan ko.
Pigil ang hininga naming tatlo habang tutok sa laptop. Hanggang sa...
"31803 MARGARRET SANTOS DE LUNA" Mahinang basa ni Ate Zia sa pangalan ko galing sa listahan ng mga pumasa.
Saglit..
Pangalan ko? Sa listahan ng mga pumasa?
Pumasa ako? Totoo ba to?
"Pumasa ako! Ate! Ate! Pumasa ako! Mahabagin!" Tumalon ako at inalog-alog si Ate Miemie na masaya din sa naging resulta.
"Hala ang baby ko! Engineer na ang baby ko!" Nakangiting yumakap si Ate Zia sa akin. "Ang galing galing mo talaga. Sabi na nga ba papasa ka e!" Masayang sabi niya sa akin. Nagyakapan kaming tatlo. Mahigpit na yakapan na akala ko lalagyan na ako ng hininga.
Ang sarap sa pakiramdam na ilang hakbang na lang ako sa pangarap ko. Kailangan ko na lang pagsikapan na makahanap ng trabaho para matulungan agad sila mama.
Hinagilap ko ang selpon ko sa kwarto ko dito sa condo. Nakita ko ito sa lamesa sa tabi ng kama. Umilaw agad ito paglapit ko.
Tumatawag pa lang ang matalik ko na kaibigan na si Richelle. Nyemas napakadugyot ng itsura ko dahil kagigising ko lang. Sabog pa ang buhok ko at nakapantulog pa ako. Bahala na! siya lang naman yan. Tanggapin na lang ang sermon na iaalay niya sa kadugyutan ko ngayon.
Sinagot ko ang video call. Pagkasagot ko ay nakita kong masaya ang itsura niya.
"Nakita ko yung result! Congraaats sa kaibigan kong Engineer na!"
"Salamat Rich! Gagawa na ako ng lumilipad na bahay." Humalakhak ako sa nasabi at pati siya ay natawa din.
"Bahala ka na kung anong gagawin mo. Teka nga bakit ganiyan itsura mo ha?" Simula na ng aking almusal. Nagsimula na pala kanina. Ang sigaw ni Ate at itong kay Rich naman ngayon.
"Syempre dahil sabik akong makita ang resulta di na ako nag-ayos at diretso agad sa laptop ni Ate. Nakakatamad din kaya ang aga-aga tsaka sa bahay lang din naman ako." Puro irap lang ang natanggap ko galing sa kaniya.
"Oh siya, mag ayos ka na nga! Dapat tayong magsaya dahil Engineer ka na. Ako muna bahala ngayon. Sa susunod ikaw naman pag may trabaho ka na."
"Sige see you! Maliligo nako!"
"Dapat lang aba! Naamoy kita dito!" Tumatawang saad niya at saka pinatay ang tawag.
"Aba'y talagang—nako nako buti na lang talaga ay kabigan kita." Napailing na lang ako at hinanap ang pangalan ni mama sa selpon ko.
Nakatatlong ring bago niya sinagot ang tawag.
"Ma! Nakapasa ako! Engineer na ako, Ma!"
"Nako! Totoo ba yan?"
"Opo, Ma! Hindi naman ako magsisinungaling sa inyo."
"Mabuti naman kung ganun! Ibabalita ko agad ito sa Papa mo. Oh siya sige, mamaya tayo mag usap ulit. Nagluluto pa ako ng agahan namin."
"Sige po, Ma. Mag-ingat po kayo lagi!"
"Ikaw din diyan. Sige ibaba ko na 'to"
Nawala din agad ang boses ni Mama sa selpon. Inayos ko ang mga susuotin ko a dumiretso sa banyo.
Pagbukas ko ng shower agad na tumama sa balat ko ang napakalamig na tubig. Gusto kong tumakbo palabas ng banyo kaso lang ay baka mabatukan ulit ako ni Ate.
Bakit kasi kailangan pa maligo! Oo, ako na kambing!
Nakarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ko. Pinatay ko ang shower at narinig ang boses ni Ate Zia.
"Baby ko! Bilisan mo maligo ililibre daw tayo ni Ate ng pagkain."
Yes! Libre pagkain!
Binilisan ko ang pagligo at lumabas ng banyo. Bihis na silang dalawa. Ako na lang pala ang inaantay.
Mamaya ko na lang babalitaan yung iba magkikita din naman kami.
Siya kaya babalitaan ko pa ba?