Chapter 2: Reunion

9 1 0
                                    

Hapon na ako nagising. Sila Mama nagluluto na ata sa baba. Naamoy ko na kasi yung mga niluto nilang pagkain. Kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala akong pananghalian.

Kinuha ko ang selpon ko na nasa loob ng sling bag na nakapatong sa side table. Mabuti na lang may wireless fidelity dito kaya di ako mabuburyong.

Nag-online ako at nakitang online din si Rich.

Contacting... Ringing...

"Hi!" Kaway ko sa kaniya mula sa screen.

[Hello. Ano kamusta naman biyahe niyo?] Tanong niya habang isinusuot ang earphone niya.

"Maayos naman kaming nakarating. Kaya lang nakakapagod ang biyahe. Kagigising ko lang din kaya ngayon lang ako tumawag."

[Edi wala ka pang kain?]


"Wala pa." Walang ganang sagot ko.

[Kumain ka muna! Gaga ka!] Daig pa si Mama kung pakainin ako.

"Oo baba na din naman ako. Tatawagin lang naman ako ni Kuya." Bigla naman siyang namula.

[Andiyan si Marcus? Este kuya Marcus?] Nakangiting tanong niya.

"Alam kong crush mo si kuya, pero mag kuya ka pa rin." May lihim na pagtingin yan kay Kuya Marcus. Paano ba naman nahuli ko na nakatulala kay Kuya nung nandoon siya sa bahay namin. Ang malala ngumingiti-ngiti pa.

[Kuya Marcus na nga. Crush lang naman.]

Nakarinig ako ng yabag papunta dito sa kwarto kung nasaan ako. Maya maya lang ay may kumatok.

"Margarret, gumising ka na diyan. Kumain na." Sabi niya tsaka umalis agad.

[Sino yun?] Tanong ng chismosang kausap ko.

"Bebe mo." Kinilig naman siya. Boang. "Pinapababa na ako. Bye na!" Nagpaalam na rin siya. Pinatay ko na ang tawag tsaka bumaba.

Hindi pa pala ako nagpapalit ng damit. Saan ba nilagay yung gamit namin? Nang lalagkit na rin ako.

Nakita ko si Papa na nasa sofa kasama ang mga tito ko na kapatid niya.

"Pa, nasan yung mga damit natin?" Bulong ko sa kaniya.

"Yung damit mo nandoon sa kwarto na pinagtulungan mo kanina. Doon ka na rin maligo. May CR doon." Sagot niya kahit na tutok ang mata sa basketball na pinapanood sa TV.

"Sige po." Sagot ko sa kaniya tsaka hinanap si Mami.

Natagpuan ko siya sa kusina na nagluluto ng sinigang. "Ma, asiman mo ah." Saad ko sa kaniya habang tumitingin ang ref upang uminom ng malamig na tubig. "Aba, syempre naman. Hindi naman pwede na matamis ito." Pang-aasar niya sa akin. "Wow, Ma." Sarkastikong sabi ko. Tinawanan niyan lang ako.

Iniwan ko na siya sa kusina tsaka tinungo ang kwarto na pinagtulugan ko kanina. Hindi ko man lang napansin ang maleta ko. Binuksan ko ito at kumuha ng kulay peach na t-shirt tsaka white high waist short.

Dumiretso ako sa CR. May shower din dito at may shower gel. Naglinis ako ng katawan ko. Pagkatapos magbanlaw sinuot ko ang bathrobe na nakasabit sa likod ng pinto. Nagbihis na din agad ako dahil hindi ko na kaya ang gutom na nararamdaman ko.

"Nak, dahan dahan sa pagkain. Hindi ka naman mauubusan." Sabi ni Mama na katabi ko lang. Napatingin ang mga Tito at Tita ko na kumakain din.

"Nagutom siguro yan sa biyahe niyo." Saad ni Tita Vian— kapatid ni Papa.

"Gutom lang ako, Ma." Bulong ko sa kaniya. Nakakahiya naman kung iparinig ko pa sa kanila. Tumahimik na din si Mama. Pero maya maya lang nagsimula na silang magkwentuhan. Mga naganap lang nung wala pa kami rito.

"Nandito na pala yung susuotin niyong batch t-shirt bukas para sa reunion." Si Tito Levi, kapatid ni Mama. Niyo? Kasama ba kami ni Kuya?

"Mi, kasama kami ni Kuya?" Tiningnan niya ako saka sumagot.

"Oo. Pwede raw isama yung mga anak. Gusto namin ng Papa mo na isama namin kayo. Para naman ma-enjoy niyo yung pagpunta natin dito." Masayang sagot niya. Ayos lang naman sa akin.

"Ma, pwede si Margy na lang? Tinatamad ako." Singit ng Kuya kong nakikinig pala sa usapan namin.

"Minsan lang 'to, Marcus. Sumama ka na. Wala ka naman gagawin dito sa bahay." Sabat ni Papa sa amin.

"Okay." Tipid na sagot niya.

Tapos na kaming kumain. Ako ang nakatoka sa hugasin. Sanay naman ako maghugas ng plato dahil wala kaming katulong sa bahay. Si Kuya ang taga lagay sa lababo. Maasar nga.

"'Ya, tapos na biyernes santo. Bakit ganiyan mukha mo?" Saad ko sabay halakhak.

"Tumahimik ka diyan baka batuhin kita ng plato." Masungit na sagot niya. Kalalaking tao sadista.

"Masiyado ka namang hot." Asar ko muli. Akmang ibabato niya sa akin ang hawak niya. Kaya naman sumigaw ako.

"Mam—" Bigla niyang tinakpan ang bibig ko.

"Maghugas ka na." Sinamaan niya ako ng tingin at iniwan dito sa kusina.

Buti na lang dala ko ang selpon ko. Nag-play ako ng music. Pinili ko ang kanta ni Ed Sheeran my love.

Nagsimula na akong maghugas. Medyo marami rin ito. Inuna kong sabunan ang mga baso. Sunod ay ang mga mangkok at kutasara't tinidor. Huli ang mga plato. Binanlawan ko ang mga ito tsaka pinatuyo at pinunasan isa isa.

Pagkatapos maghugas bumalik ako sa kwarto. Kinuha ko ang notepad ko at tumambay sa terrace. Madami ng bituin. Isa sa pinakamagandang tanawin. Nagsimula na akong magdrowing.

Hindi kalaunan dinalaw na ako ng antok.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Nauna pa ako kanila Mami. Matutuwa sila ngayon dahil mas nauna ako sa kanila. Hindi naman ako mabagal kumilos. Pero lagi akong pinagmamadali.

Nagising na rin sila at nagsimula na kaming kumain. Mabilis lang kami natapos. Sabi kasi ni Tito Levi, konti lang daw ang kainin kasi madami daw pagkain pagkatapos ng program.

Suot ko na din ang batch t-shirt na pinasuot sa akin. Pink rubber shoes ang pinares ko sa batch t-shirt at black na jeans.

Pagkarating namin nagsisimula na. Mukhang malapit na nga ata matapos. Pinakilala lang ang mga sponsor ng reunion.

May mga kasing age din ako na kasama dito sa reunion. Ang ilan ay tumitingin sa akin. Madalas man kay Kuya. Bentang benta naman.

Nasa isang table kami nila Mama. Sila ni Papa ang kumukuha ng pagkain. Kami ni Kuya tamang upo lang dito sa table namin.

"Kuya, tingin ka sa gilid mo."

Tumingin naman siya. Naghagikgikan ang mga babae na tiningnan niya. Pero siya ay sumimangot.

"Ayaw mo ba sa kanila?" Tiningnan ko ang mga babae na di pa rin inaalis ang tingin sa Kuya ko. "Maganda naman yung isa. Ayaw mo ba?" Pang-uudyok ko sa kaniya. Wala kasing girlfriend si Kuya Marcus. Baka matipuhan niya yung isa. Magkaka-ate na ako.

"May girlfriend ako." Bulong niya.

"Sino? Yung nambusted sa'yo?" Humalakhak ako. Pinagtingininan ako kaya nanahimik na din agad.

"Ewan ko sa'yo."

Tinigilan ko na din siya dahil baka masapak pa ako.

Bumalik na din sila Mama na may dalang mga pagkain. Nagsimula na kaming kumain. Masarap din ang mga pagkain nila. Yung chef daw kasi na ka-batch nila Mami ang nagluto ng pagkain. Kaya naman pala masarap.

May iilan na lumapit kay Mama. Pinapakilala naman niya kami. Pinupuri naman nila kami at binobola. Sanay na ako. Pero alam ko naman na medyo kagandahan naman ako.

Nagkaroon rin ng mga mini games. Mga matatanda lang ang kasali. Todo cheer naman ako kanila Mama at Papa sa tuwing sumasali sila sa mga games. Nang matapos ang games, nagsalita muli ang emcee. Sinabi nito na tapos na ang program.

Pagkauwi namin binigyan kami ng mga souvenir. Ang nagustuhan ko lang ay ang bracelet na gawa sa seashell.

At dahil pagod na naman ako, nakatulog na ako. Bago tuluyang makatulig ang katawang lupa ko, narinig ko na may nag-uusap sa pintuan ng kwarto na tinutulugan ko.

"Papayag kaya siya, Garreth?"



Drop of a Sweet PotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon