"Hoy! Margarret, wala ka bang balak gumising diyan?" Sa totoo lang, kanina pa ako gising. Tinatamad lang ako bumangon. Biglaan naman kasing plano 'to. Alas singko na ako natulog kanina dahil sa kanonood ng mukbang ng mga Koryano.
"Akala ko ba next week pa?" Bumangon na ako at naghanap ng susuotin ko para mamaya.
"Ngayon na lang daw kasi nandiyan na yung ticket. Tsaka bilisan mo nga kumilos ikaw na lang hinihintay!" Inis na sabi ng topakin kong kuya. Lumabas siya ng kwarto ko saka padabog na isinara ang pinto.
Napag-usapan kasi nila mother dear na pupunta raw kaming lahat sa reunion ng batch niya nung high school. Kahit na ang totoo maiiwan lang naman kami sa bahay ni Lola kasi hindi naman pwede isama yung mga anak. Ang sabi niya next week pa daw kami aalis. Kaya naman todo puyat ako dahil wala naman akong gagawin ngayon. Summer din naman. Kaya lang ito at ngayon pala ang alis namin.
"Haaay!" Inaantok pa ako. Gusto ko pang matulog. Kaya lang baka sugurin na naman ako nung topakin.
Kinuha ko ang tuwalya ko tsaka pumasok sa CR. Binuksan ko ang shower at sinimulang basain ang buhok ko. Mahaba na pala ito. Mukhang kailangan na gupitan. Mainit pa naman ang panahon ngayon. Kaya lang wala naman maggugupit sakin. Nagsabon na lang ako ng katawan kaysa isipin kung saan ako magpapagupit ng buhok.
Sabon dito, sabon doon. Banlaw dito, banlaw doon. Pagkatapos ay ang buhok ko naman ang nilagyan ko ng shampoo. Isang palad na shampoo ang nilagay ko dahil mahaba ang buhok ko. Pinabula ko ito ng sobra. Nang makuntento agad ko din itong binanlawan. Kinuha ko ang tuwalya na kinuha ko at dumiretso sa kama kung nasaan ang mga damit na susuotin ko.
Inayos ko sa isang sling bag ang selpon, wallet at maliit na notepad at ballpen. Kaya may note pad dahil mahilig ako magsulat ng tula tungkol sa mga nakikita ko o ng kahit na anong makita kong maganda sa paningin.
"Margy!" Ayan na nagtawag na si Master.
"Pababa na!" Binitbit ko na ang sling bag ko tsaka dumiretso sa hagdan na katabi lang ng kwarto ko.
Naabutan ko na kumakain sila ng take out mula sa isang fast food. Inabutan naman ako ni Mother ng isang box na may lamang spaghetti at fried chicken. My favorite! Yey!
"Kumain ka na para makaalis na tayo." Saad niya sa akin tsaka tumayo para ilabas ang mga maleta namin.
Sila Papa at Kuya ang naglalagay sa sasakyan. Kaya pala ako lang mag-isa kumakain. Kanina pa din naman sila gising kaya siguro tapos na sila.
Sinimulan ko na din kainin ang spaghetti na laman ng box. Masarap naman kaya lang mas masarap ito kung si Mami ang nagluto. Magaling kasi magluto si Mama kaya nga sila ni Papa ngayon. Patay gutom kasi si Papa. Joke lang. Baka mawalan ako ng pera. Binibigyan niya pa din kasi ako kahit walang pasok sa school.
Nakita kong pumasok si kuya kaya binilisan kong ubusin ang pagkain ko. Uminom agad ako ng coke dahil aalis na kami. Nalagay na din lahat ng maleta namin sa van.
Paglabas ko nasa labas si Dadi ng sasakyan. Si Mami naman nagreretouch sa passenger seat. Si Topakin este si Kuya pala ni-lock muna yung pinto sa loob at ang gate sa labas. Ako naman nag-open ng account ko para imessage ang bestfriend ko.
To: Rich
On the way kami sa airport. Ngayon na daw kasi alis namin. Update na lang kita kapag nakarating na kami.
Sent!
Offline pa siguro kaya di nakapagreply agad. Baka tulog pa yun. Anong oras na ba?
"Kuya, anong oras na?" Tanong sa kakapasok kong kapatid.
"6:35" Tipid na sagot niya.
Kapag galit akala mo isang essay yung sinasabi niya. Pero kapag ganiyang seryoso, bayad bawat salita niya. Swerte ko na lang kung isang sentence sagot niya sa akin. Pero sweet din yan minsan.
Dalawa lang kaming magkapatid. Si Kuya Marcus na topakin at ako si Margarret na mabait naman. Si Kuya, third year college na. Bachelor of Science in Business Administration ang course na kinuha niya. May business kasi kami na si Papa ang nagmamanage. Hindi naman niya pinilit si kuya na BSBA ang kunin. Maalam na din kasi talaga siya sa business kahit nung high school pa lang siya.
Ako, hindi ko alam kung anong gusto kong course. Gusto ko maging writer, painter, at engineer. Pero sabi ni Mama, kahit ano naman daw na kurso ang kunin ko, susuportahan daw nila ako. Masaya naman ako dun syempre.
"Margarret, matulog ka na lang kung nasusuka ka. Hindi ako nakabili ng gamot para sa pagsusuka." Saad ni Mami na naghahalungkat sa bag niya saka sumusulyap sa akin mula sa kinauupuan niya.
"Opo, Ma. Inaantok na din ako." Humikab ako para ipaalam na inaantok talaga ako. Inaantok naman talaga ako. Nararamdaman ko na kasi yung pagbaliktad ng sikmura ko. Wala pa kami sa kalagitnaan ng daanaman papunta sa airport.
Tiningnan ko ang kuya ko na busy sa selpon niya. May nakasabit sa leeg niya na neck pillow. Nakalimutan ko kasing dalhin yung akin. Baka sakaling pahiramin ako. Maawain naman siya.
"Kuya" Tawag ko sa kaniya.
"Oh?" Sagot niya kahit na tutok pa din ang mata sa screen ng selpon.
"Pahiram neck pillow." Bulong ko sa kaniya. Walang ano ano inabot niya agad ito sa akin. Yey! Hindi na ako magsusuka. Agad ko itong sinuot tsaka sumandal sa bintana. Itinapat ko din ang aircon sa akin. Maya-maya lang nakatulog agad ako.
Kakatapos lang ng panaginip ko ng gisingin ako ni Dadi na nasa tapat ng pinto ng van.
"Margarret, andun na kuya at Mama mo. Sumunod ka na sa kanila. Kukunin ko lang yung ibang gamit. Bumaba ka na." Umalis naman agad siya para kunin ang natirang gamit sa likod ng sasakyan.
Nakita ko naman sila Mama na nakaupo sa mga bench sa loob ng airport.
"Oh, buti nagising ka pa." Asar ng bugnutin kong kuya.
"Oh, nagsasalita ka pala?" Asar ko din sa kaniya. Sumama bigla ang mukha niya. Mukhang kutusan pa ata ako. Tumabi ako kay Mama na nanonood lang sa asaran namin. Tinawanan ko lang siya tsaka binasa ang reply ni Rich sa'kin.
From: Rich
Mag-ingat kayo! See ya soon!
Pagdating ni Papa, saktong tinawag ang flight number namin. Nauna sila Mama maglakad samin. Si kuya naman ay nasa likod ko na seryosong naglalakad.
Halos isang oras din ang biyahe namin bago nakarating sa mismong Island. Nakakapagod na nakakaantok. Kulang na kulang ang tulog ko. I want more!
Sumalubong sa amin ang isang Van. Ito siguro yung sinasabi ni Papa kanina na susundo sa amin. Sumakay na kaming lahat. Nagsimula ng umandar ang Van. Isang oras pa raw ang biyahe papunta sa lugar nila Papa.
Inilabas ko ang notepad ko pati na din ang ballpen. Ang daming magagandang view. Magiging inspiration ko 'to sa mga paintings ko. Mabuti na lang pala nakabili ako last week ng mga bagong paint.
Nalibang ako sa biyahe kaya naman hindi ko namalayan na nakarating na kami.
Sinalubong kami ng ilan sa mga Tita at Tito ko. Mga kapatid ni Papa. Nagmano kami sa kanila. Nakangiti naman sila habang pinagmamasdan kami. Mukhang alam ko na kasunod nito. Kaya kinalabit ko si Mama na katabi ko.
"Ma, saan pwede matulog? Gusto ko muna magpahinga."
Tinawag ni Mama ang isa sa mga kapatid ni Papa. Sinamahan ako nito sa kwarto kung saan ako matutulog. Malinis at mabango ang loob nito. Sumalampak ako sa kama tsaka natulog.
Bukas ko na lang siguro sila i-e-entertain.asiyado akong pagod sa biyahe namin.
Ano kaya mangyayari sa reunion bukas? Oo bukas agad reunion.
Mali pala yung schedule na sinabi kanila Papa. Haaaaay