“medalya”
meron akong entabladong
hindi pa naaakyat pero ngayon
batid kong abot kamay ko na.aakyat na ako entabladong
matagal ko ng inaasam at
nakita ang matagal ng
hinahangad na medalya.sa katunayan ang medalyang
ito ay hindi gawa sa pilak at
hindi rin sa ginto, ito ay tila
yari sa makakapal na pisi at
sadyang nakakasakal pero
di bale na, maaabot ko na ang
pangarap ko.ang medalya ay naisuot na sa'kin
na tila kwintas at ang entabladong
kinalalagyan ay naging paborito
kong libangan, lumundag at
nagpaduyan-duyan kasabay
ng pagpatak ng butil ng tubig
na siguro'y dahil sa saya.sa pagtapak ko sa entabladong ito
alam kong hindi na ako muling
makakababa pa.τελειωμένη ανάσταση
- shan
YOU ARE READING
Unexpressed Feelings
Poetrythis is my way of expressing how I feel, to bleed by my own pen. @shnxtlly