“χωρίς ανταπόδοση”
sa tuwing sasapit na ang dilim
dudungaw sa bintan pakikipagtitigan sa maliwanag na buwan at sisilay ang
isang ngiti sa mata na kabaliktaran ngsaya.kapag nasisilayan ko ang puting
buwan na iyon, biglang pagsagi mo
sa isip kasabay no'n ang kirot sa aking buong sistema.sa bawat pagtitig ko sa buwan
ikaw ang tanging pinapaalala
isang magandang nilikha
isang nakakasilaw na bagay
at sa sobrang layo–ay hindi ko na maabot.
hindi ko na alam kung kaya pa kitang abutin dahil sadyang napakalayo mo na ngunit katulad ng paglisan ko sa aking asul na kalangitan kailangan kong
tanggapin ang reyalidad.magkaiba tayong dalawa
hindi tayo parehas ng mundong
ginagalawan.masyado kang mataas
sadyang maganda ang mundong
ginagalawan mo kumpara sa mundo ko masyadong malayo tayo para sa
isa't isa na kailanman ay hindi mag-iisa.nararapat kong ilugar ang sarili ko
kaya eto ako ngayon pinapanood
kung papaano kang sumaya kasama ang makinang na tala na syang naging karamay mo sa gitna ng dilim.ayos lang sakin na hiramin mo ng paulit ulit ang liwanag ko, ayos lang saking mapundi sa tuwing sasapit ang gabi mabigyan kalang ng liwanag na kahit na hindi naging ako ang dahilan ng pagdungaw mo sa mga ulap.
at ngayon,nasasaksihan ko ang
pagsulat nyo ng kwentong dalawa na ang tanging ganap ko, ay isang lamang araw na pilit hinihintay na magtagpo ang landas nating dalawa.
ένα εκατομμύριο μίλια μακριά μας
- Shan
YOU ARE READING
Unexpressed Feelings
Poetrythis is my way of expressing how I feel, to bleed by my own pen. @shnxtlly