Prayer
"Bitch, I thought you'll come to the party last Thursday. I waited for you!" Sachi said after tugging my hair gently
I rolled my eyes at her and shifted on my seat. Hindi na kasi ako tumuloy sa party matapos ihatid si Diez. I can't help but smile a little when I remembered him. Hindi ko pa siya tinatawagan, ilang beses naman na akong nagtry pero hindi ko na tinutuloy. Hayaan na. Galing lang ako sa break up, mamaya siya pa ang pagtripan ni Robin pag nakita kaming magkasama. Wala naman akong pakialam sa iisipin niya, ayoko lang madamay si Diez. He seems like a good man.
Umikot si Sachi upang makaupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. It's still morning and we're in our classroom waiting for our first professor to come. Today is Monday at umpisa na naman ng pagbibigay ng madaming gawain kahit kakatapos ko lang nung Sunday. Bwiset.
"France also waited for you! Paasa ka talagang babae ka."
Lumingon ako kay Sachi dahil sa sinabi niya.
"Hindi ko naman sinabing dadating ako?" I said
Totoo naman, sinabi ko naman na hindi na ako makakapunta dahil nga kay Robin at hindi rin naman ako nag-reply sa text niya pagkatapos noong pag-uusap.
I raised a brow at her.
"And why would France wait for me?"
She rolled her eyes and flipped her wavy hair.
"Of course, he still likes you! Duh?!"
"Not my fault anymore," I said defensively
Hindi ko naman na talaga kasalanan kung may hang-ups pa rin siya sa akin. France was my kalandian before Robin. Hindi naman naging kami, ba't hindi siya makamove on? Kaasar talaga mga lalaking ganoon.
Sachi leaned on my seat kaya napaatras ako.
"Forget that," she said while grinning from ear to ear. Nagtataka ko siyang tinignan. Bakit ngiting-ngiti 'to?
"Aattend ka ba sa birthday party ni Lincoln mamaya?"
Birthday na naman? Daming may birthday ngayon ah?
"Hindi, imbitado ba ako?"
Sumimangot siya sa sagot ko at inilibot ang tingin sa classroom.
"Bitch, he invited our whole class! Kaklase natin 'yun gaga!" she hissed
Aba, malay ko ba? Hindi naman ako nagbabasa sa group chat kung sa gc man niya iyon iniannounce. Saka hindi ko naman iyon kaclose which I think is normal. Normal lang siguro, classmates ko nga noong junior at senior high school na ilang taon kong nakasama hindi ko pa friend lahat sa Facebook eh.
Umiling ako.
"Exam na natin next week, hirap muna bago sarap beh! Sabihin mo i-move niya na lang celebration niya after exam," I said while laughing
Nanlaki ang mata doon ni Sachi. Luh? Nalimutan ba niya na may exam?
She grabbed my arm and hugged it.
"Nag-advance reading ka na?"
I nodded. Nagbasa na ako ng mga major subjects noong Friday, Saturday, at Sunday. Isa lang ang klase namin noong Friday at umaga pa iyon. Hindi ko kaklase doon si Sachi dahil na-take niya na iyon sa Saint Wenceslas bago siya magtransfer ngayong academic year sa Saint Boniface kaya umuwi na lang ako.
Speaking of Saint Wenceslas, doon galing si Sachi. Kilala niya kaya si Diez?
Umayos ako ng upo at magtatanong na sana kay Sachi nang biglang mag-ring ang bell at pumasok ang una naming prof. I pursed my lips and forced myself to listen in our today's discussion. Mage-exam na, sure na hapit na naman 'tong mga 'to kaya kailangan ko talagang makinig.