Midnight
I stayed in my seat for minutes before I decided to blend in with the crowd of people dancing. Iniwan ko ang bag ko sa bartender after asking him if I could trust him. Sabi niya oo daw edi iniwan ko sa kaniya ang bag ko.
Hinanap ko sina Sachi at natagpuan sila sa gitna. Nakita ko na rin doon si Jacob at Cyprian. I danced with them. Sumabay pa kami sa kanta habang nakatingin sa camera ni Sachi dahil nagv-video siya. I smiled seductively at the camera after mouthing the lyrics of the song playing in the background.
"Hot," I looked at my back to see who whispered in my ears and found Jacob
Natawa ako sa kaniya at pasimple siyang itinulak dahil masyado siyang malapit.
Lumipat ako ng pwesto sa tabi ni Sachi at doon nagsayaw. Nasalubong ko pa ang dismayadong mukha ni Jacob kaya tumalikod na lang ako para hindi makita.
I swayed my hips to the beat of the song. Sachi danced with me too until a guy danced in front of her. Natatawa kong pinanood si Sachi na nagpahila sa lalaki. I eyed her to warn her na tinanguan niya. Pagbaling ko sa harap ay nasalubong ko napangisi na lang ako nang makita si Jacob.
Tatalikod na sana ako nang hulihin niya ang bewang ko at higitin palapit sa kaniya.
"Hey," tawag ko sa kaniya nang mapansin ang distansya namin
His hold from me widened at that but he didn't remove it. He licked the bottom of his lips and stared at me with his drunk eyes. Gwapo sana kaso mas trip ko kaibigan niya eh. Ayoko naman masabihan na tinuhog ko sila pareho. But come to think of it though, hindi pa naman niya sinasabi kung nakamove on na siya. Pass talaga sa ganun.
I smirked at Jacob. Ikinawit ko ang mga braso sa batok niya at ako na ang lumapit. Mas dumiin ang kapit niya sa baywang ko nang gumiling ako sa harap niya.
"Fuck." I heard him cursed
I let my palm slide down from his neck to his chest as I watch his face change expression. His hands traveled down my hands bago ko naramdaman ang paghila niya sa akin paalis ng dance floor.
Nakarating kami sa emergency exit ng bar at isinandal ako roon sa pader sa ilalim mismo ng emergency exit sign. Jacob's hands encircled my waist once again. He gulped like he was thirsty to kiss me. That's why I turned my face to the side to dodge his attempt. Bumagsak ang labi niya sa panga ko. Narinig ko ang mahinang reklamo niya pero hindi siya umalis doon.
"Woman, you're such a tease," he whispered and I chuckled
Muli akong humarap sa harapan at nalipat naman ang labi ni Jacob sa leeg ko. I felt him bite it gently and kiss it.
Muli ko siyang itinulak at nagtagumpay ako roon. Nagtitigan kami. Using my peripheral view, I saw someone walk to our direction kaya bumaling ako doon. I met Diez's eyes. Hindi ako nagpatinag doon at humarap muli kay Jacob na halos nakayakap pa rin sa akin. Nakatingin din siya kay Diez at nalilito. Hinawakan ko ang pisngi niya upang maiharap ang mukha niya sa akin.
Our eyes met and I patted his head.
"I'm sorry, but I like your friend." mabilis kong sabi bago kinalas ang braso niya sa akin.
Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin. Ngumiti ako ng matamis bago nagdesisyong umalis. Nadaanan ko si Diez at naramdaman ko ang biglang pagsunod niya sa akin. Hindi ko iyon pinansin at diretsong lumakad papunta sa bar counter para kunin ang bag sa barista bago tumuloy sa second floor sa pwesto namin.
Pabagsak akong umupo at huminga ng malalim. I rested my head on the backrest of the sofa and closed my eyes. Hindi naman ako lasing pero nahihilo ako. Naaaninag ko pa rin ang malikot na ilaw sa bar kaya naman nang nawala iyon ay agad akong nagmulat at nakita ang galit na tingin ni Diez sa akin. Nakatayo siya sa harap ko at dahil sa tangkad niya ay halos matakluban niya ako. My, my.