Refusal
Hinila ko ang sarili mula sa pagkakayuko sa aking lamesa nang tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang exam. A moan escaped my lips when I stretched my arms up. Maingay ang mga kaklase at nagpapaunahan makalabas ng classroom pagkatapos magpasa ng test paper sa proctor. Friday na ngayon at huling araw na ng exam. Sa wakas!
In my case, kanina pa ako tapos at nagpasa na rin sa proctor, ang kaso lang ay bawal pa rin lumabas ng classroom hanggat hindi tapos ang oras ng exam kaya wala akong nagawa kundi maghintay. Wala rin naman akong kasama dahil si Sachi ay hindi pa tapos.
"Fuck, sa'n hinugot ni Ma'am STS yung mga tanong doon sa last part?" reklamo ni Sachi habang naglalakad papunta sa pwesto ko
She sat on the vacant part of my table and looked at me with a frown on her face.
"Nasa libro 'yun, chapter 9," ani ko
Tumayo ako at ipinasok sa bag ko ang mga ballpen na inilabas ko kanina para sa exam.
"Ha? Hindi ba hanggang chapter 8 lang nadiscuss niya?"
I shrugged my shoulders and then looked back at her when I finished cleaning up my table. Isinabit ko na rin ang maliit kong bag sa aking balikat. Hindi ako nagkaproblema sa pagsasagot ng exam sa subject na iyon dahil naaral ko. Ugali kasi ni Ma'am Teresita na mag-include ng topics na hindi naman cover ng term.
"Grabe, halimaw na nga yung subject na 'yon, halimaw pa pati prof! Daig pa major natin! Parang hindi ko deserve maging magsaya after nito pero dalawang linggo na akong walang inom!"
Napatawa ako ng mahina dahil sa sinabi ni Sachi. Totoo naman, mahigit dalawang linggo na rin akong walang alak sa sistema. And...Diez, I don't know. I never tried to call him and I also did not receive any text or call from him. Hindi na rin ako ginulo ni Robin which is good ang kaso lang, sabi ni Sachi ay puro parinig daw sa Facebook.
"Laurie, Sachi!"
Palabas na kami ng classroom nang napalingon kami pabalik sa loob ng room nang biglang sumigaw si Ethan, one of our classmates. He jogged towards our direction and we waited for him.
"Hi," he looked at me briefly and flashed a smile
Ngumiti ako pabalik. He then looked at Sachi and then me again.
"Bar, later? Lustrous lang, Lincoln, and Adana will be there. I also invited my friends from Saint Wenceslas."
Sachi smiled widely and then nodded bago bumaling sa akin. I also nodded my head in agreement. Okay lang naman siguro, deserve ko naman 'to. Sachi and I failed to attend Lincoln's birthday party last week. Nagtampo siya roon at natawa ako kahit hindi ko siya masyadong kilala dahil sinadya niya pa kami sa pwesto namin kinabukasan. And...they invited students from Wenceslas. Malay niyo, andun si Diez. Free na ako, pwede na akong landiin.
"8 pm ha? Don't forget!" pahabol pang sabi ni Ethan bago siya bumalik sa grupo nila na hindi pa lumalabas ng room.
Natatawa kaming tumango roon bago tumalikod at umalis. It's just 2 pm, sa'n na kami nito?
"Walk faster, Clover Lauretta! The sun is about to burn my skin!"
I threw Sachi a sharp stare when she called me by name real name. I don't hate my name, it only started when I happened to watch a T.V. commercial for this junk food with the same name as me. Tapos ang tag-line pa ay Finger-lickin' good. My classmates teased me about it. And Lauretta sounds too old for me. That's my grandmother's name and I hate her for being so controlling and manipulative. I would disrespect her if only she's not my father's mother.
I walked faster para masabayan si Sachi sa paglalakad niya. The sun is indeed scorching hot. Parang iba ang init ngayon. Nasa hallway naman kami at may bubong pero maalinsangan sa pakiramdam.