The first time you do a thing is always exciting – Agatha Christie
ROZOVSKY HEIRS 5 | STANISLAV VAUGHN
CHAPTER SIX | TASTE THE FEELING
SOFIA
I can't sleep without doing my evening routine.
Taking a bath, cleaning my face and checking everything about Stas Rozovsky.
I was using the phone that dad gave me. He told me, I needed to be cautious because once people knew about me, they would begin to dig about my past. Walang dapat makitang kahina-hinala sa mga contacts ko sa telepono, mga calls, mga texts or emails. This phone was clean and if this was tapped, I am sure they couldn't check anything in it. My other phone was hidden. Nandoon lahat ang mga importanteng contacts ko. Mga usapan namin ni Dad.
Maigi na ang nag-iingat. Maigi na ang praning. Kahit sinasabi ng isip ko na hindi naman gagawin ni Stas na i-tap pati ang telepono ko, sisiguraduhin ko pa rin na wala siyang makukuha na kahit anong detalye sa nakaraan ko o kung ano ang mga plano ko.
Habang nakahiga sa kama ay nag-umpisa akong mag-browse. At katulad ng mga ginagawa ko ng mga nagdaang gabi, si Stas na naman ang sini-search ko sa browser ko. Mga paulit-ulit na articles tungkol sa kanya. Mga babaeng nali-link sa kanya. Napaikot ang mata ko nang lumabas ang napakaraming mga litrato niya kasama ang iba't-ibang mga babae sa iba't-ibang okasyon. Mga babaeng nagkakadarapang mapansin niya. Mga babaeng gagawin ang lahat para lang maikama niya. Tulad ng isang ito. Napangiwi pa ako nang mabasa ang article tungkol sa isang babae na nagki-claim na nabuntis niya. A messy gossip. Yuck. Pero nawala din ang issue na iyon. I am sure, ginawan ng paraan ng mga tao ni Stas.
Hanggang sa isang article ang nakita ko. Blog ni Howard Benitez. Isang investigative journalist na ang tingin ko ay obsessed kay Stas. Dahil halos lahat ng mga isinusulat nito ay tungkol sa mga illegal na gawa ni Stas. Na sa kabila ng mayamang estado ng lalaki ay marami itong mga kasamaang ginagawa. Murder. Extortion. Tons of money from his off shore accounts from unknown origin. Gun smuggling at napakarami pang krimen na hindi naman talaga napapatunayan dahil wala namang ebidensiya. Natatakpan ng kinang ng yaman ng mga Rozovsky at ng mga philanthropic acts ng pamilya nito ang mga ibinibintang dito. Nagmumukhang katawa-tawa si Howard Benitez. Matagal ko na rin namang sinusundan ang mga articles nito at alam kong totoo ang mga iyon. Pero sino ba ang maniniwala sa isang no name blogger? 'Buti nga hindi pa ito pinapapatay ni Stas.
Napangiti ako. Soon, Howard. People will believe in you. Soon, you will have your biggest break. I am going to give it to you.
Itinuloy ko ang pagba-browse tungkol kay Stas at saglit akong napahinto nang tumambad sa screen ng cellphone ko ang litrato niya. Wala sa loob na napalunok ako at tinititigan ang litratong iyon ng lalaki. Nakalagay sa caption na kuha iyon sa Balesin. Kuha ng paparazzi nang minsang magbakasyon siya sa sikat na resort. Napa-tikhim ako dahil pakiramdam ko ay nanuyot ang lalamunan ko habang tinitingnan ang litrato niya. There was nothing grand about his appearance. Actually, he was just wearing a normal board short. He was sitting along the beach, a glass of liquor on his hand and wearing sunglasses. Napaka-laidback ng hitsura pero napakalakas ng dating. Napataas ang kilay ko. In fairness, maganda ang katawan ni Stas. Walang taba. Kahit nakaupo flat pa rin ang tiyan at alam kong may mga itinatagong abs. Bahagyang nakabuka ang mga hita niya at medyo maluwag ang suot na shorts sa bandang hita. Ini-zoom ko pa ang picture para masiguro kong walang sumilip na hindi kaaya-ayang bagay mula sa shorts niya.
Shit. Dali-dali kong inalis ang litratong iyon at binitiwan ko na ang telepono. Bakit ko pa kasi tiningnan iyon? Kadiri. Hindi na nahiyang ibilad ang katawan at proud pang nakakalat ang mga litrato niya sa internet.
BINABASA MO ANG
ROZOVSKY HEIRS SERIES 5: STANISLAV VAUGHN BOOK 1 (COMPLETE)
General FictionSTAS To be on top, I had to maintain my strength. The brutal force I had to show everyone to make them kneel at my feet. The empire that was built before me had to be strong, and the foundation of it lies from the souls that I had to take to prove t...