Part One - Layas

124 2 0
                                    


Author's Note:

Hi!!! Yeah, this is my first time to make a romance story. As a beginner, I didn't know where to start. I just wanted to create a story that everyone could relate to, or atleast imagine.

So guys, please forgive me for the some typo error (cause Im not perfect after all.lol)

Hope you all enjoy this first chapter. And feel free to VOTE, COMMENT and SHARE. ty

~KG♡

Let's Fall In Love
Copyright 2015

******************************

Hello.

Ako si Greys. Labing siyam na taong gulang. Nakatira sa maliit at mainit na espasyo pero matatawag mo paring kwarto na ibinigay ng aking mabait pero istriktong amo sa pinapasukang kong Grocery. Oo stay-in ako dito.

Sa totoo lang, 'di naman ako nag-sisisi kung ano ang kalagayan ko ngayon. Kaya ko namang pag-tiisan, basta ang mahalaga malaya ako. Malaya ako sa lahat ng gugustuhin ko. Naglayas kasi ako.

Umalis ako sa poder ng lolo at lola ko. Wala akong mga magulang. May mga kapatid din ako na kasalukuyang nandoon din sa kanila.

Maasikaso naman si Nanay at Tatay. At wala naman ako masabi tungkol doon. Pero napakahigpit nila, sobra na. Inintindi ko 'yun dati dahil iniisip ko gusto lang nila maging maayos kami. Pero naging maayos nga ba? Sila ang dahilan kung bakit nagkahiwalay ang mga magulang namin at nauwi sa broken family. Gusto ko manumbat pero hindi maganda 'yun at kahit paano may respeto pa rin ako sa kanila. Bata pa lang ako dala-dala ko na lahat 'yun. At hinding hindi ko makakalimutan 'yun.

Maaga akong gumising dahil sigurado mauunahan na naman ako maligo ng mga anak ng amo ko. Napakatagal pa naman nila maligo.

Kung tutuusin 'di naman nakakapagod sa pinapasukan ko. Mag-aayos at tatao ka lang kapag may bumibili. Tatlo kaming tindera dito kaya hindi nakakabagot at hindi mo namamalayan ang oras. Uwian na naman.

"Greys, uuwi daw pamangkin ni ate Neng bukas ah! Diba magbarkada kayo nun? Pakilala mo naman ako." Kinikilig na sabi ni Angel.

"Ah. Si Herald? Oo ata uuwi daw s'ya. Sige. Gagala naman 'yun dito."

Si Herald. Pamangkin ni Ate Neng, amo ko. Magbarkada nga kami. At s'ya din ang nagpasok sa akin sa Grocery na ito.

"Oy, uwi na ba tayo? Kain muna tayo burger." Sabi ko. Hindi sila stay-in. Tanging ako lang, dahil wala naman akong matutuluyan.

"Sige. Tara." Sabay na sambit ni Angel at Ate Nimfa. Si ate Nimfa ang pinakamatanda sa amin at magkasing edad lang kami ni Angel.

Pagkauwi ko, dumiretso na ako sa munti kong kwarto. Napapaisip na naman ako.

Dalawang linggo na kasi ang dumaan pero hanggang ngayon, hindi pa rin nagpaparamdam ang boyfriend ko.

Ano na kaya nangyari sa kanya. Busy na naman sa trabaho. Hayss.

Long distance ang relasyon namin. Halos isang beses o dalawang beses lang kami magkita. Napakalayo niya at minsan masyadong abala kami sa aming trabaho kaya kahit ang magtext sa isa't isa ay hindi namin magawa.

Sinubukan ko siyang tawagan. Sinagot niya, na parang antok n antok s'ya. Bigla tuloy akong naawa. Nagpaalam na ako. Kinamusta ko lang naman siya.


6months. Naisip ko, ganito katagal na hindi ko nakita ang dalawa kong kapatid. Namimiss ko na sila. Buti na lang may kontak ako sa papa ko, kinakamusta ko sila sa kanya.

Let's fall In Love♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon